Hebreo Kabanata 13

 KABANATA 13
HAYAANG ang pagmamahalang magkakapatid ay magpatuloy.
2 Huwag maging malilimutin na tumanggap ng mga dayuhan: pagkat sa pamamagitan nito ang ilan ay tumanggap ng mga anghel na di-namamalayan.
3 Alalahanin silang nasa tanikala, gaya ng nakatanikalang kasama nila; at silang nagtitiis ng sakuna, gaya ng sarili ninyo din sa katawan.
4 Ang pag-aasawa ay marangal sa lahat, at ang higaan ay di-nadungisan: ngunit ang mga bugaw at mga mapangalunya ay huhukuman ng Diyos.
5 Hayaang ang pamumuhay ninyo ay maging walang kasakiman; at masiyahan sa ganoong mga bagay na mayroon kayo: pagkat sinabi na niya, hindi kita iiwanan, ni pababayaan man.
6 Anupa’t masasabi natin nang matapang, ang Panginoon ang aking tagatulong, at hindi ako matatakot sa gagawin ng tao sa akin.
7 Alalahanin silang may pamumuno sa ibabaw ninyo, silang nagsalita sa inyo ng salita ng Diyos: na ang kanilang pananampalataya ay sundan, na isinasaalang-alang ang katapusan ng kanilang pamumuhay.
8 Si Jesus Kristo na siya rin kahapon, at sa kasalukuyang araw, at magpakailan man.
9 Huwag magpadala sa iba’t iba at kakaibang mga turo. Pagkat mabuting bagay ito na ang puso ay mapatatag ng biyaya; hindi ng mga pagkain, na hindi napakinabangan ng mga naging abala roon.
10 Mayroon tayong isang dambana, na kung saan ay walang karapatang kumain silang naglilingkod sa tabernakulo.
11 Pagkat ang mga katawan ng mga hayop na iyon, na ang dugo ay dinadala sa dakong-banal ng mataas na pari dahil sa kasalanan, ay sinusunog sa labas ng kampo.
12 Kaya nga si Jesus rin naman, upang mapabanal niya ang bayan ng sarili niyang dugo, ay nagdusa sa labas ng tarangkahan.
13 Pumaroon tayo kung gayon sa kanya sa labas ng kampo, na dinadala ang kapulaan niya.
14 Pagkat dito ay wala tayong nagpapatuloy na lunsod, kundi hinahanap natin ang isang darating.
15 Sa pamamagitan niya kung gayon ay maghandog tayo ng hain ng papuri sa Diyos nang patuloy, iyon ay, ang bunga ng mga labi natin na nagbibigay pasalamat sa kanyang pangalan.
16 Ngunit ang gumawa ng mabuti at magbahagi ay huwag kalimutan: pagkat sa mga ganoong hain ang Diyos ay lubos na nalulugod.
17 Tumalima sa kanilang mayroong pamumuno sa ibabaw ninyo, at ipasakop ang inyong sarili: pagkat binabantayan nila ang inyong mga kaluluwa, gaya nilang dapat magbigay sulit, upang magawa nila ito nang may kagalakan, at hindi nang may pighati: pagkat iyon ay di-kapakipakinabang sa ganang inyo.
18 Manalangin patungkol sa amin: pagkat nagtitiwala kaming may isa kaming mabuting budhi, na sa lahat ng bagay ay umiibig na mabuhay nang tapat.
19 Ngunit namamanhik ako sa inyo bagkus na gawin ito, upang maipanumbalik ako sa inyo nang lalong madali.
20 Ngayon ang Diyos ng kapayapaan, na nagdalang muli mula sa mga patay sa ating Panginoong Jesus, ang dakilang pastol ng mga tupa, sa pamamagitan ng dugo ng kasunduang panghabang-panahon,
21 Ay pasakdalin kayo sa bawa’t mabuting gawa upang gawin ang kalooban niya, na ginagawa sa inyo ang lubos na kalugudlugod sa paningin niya, sa pamamagitan ni Jesus Kristo; na sa kanya ang kaluwalhatian magpakailan at kailan man. Amen.
22 At namamanhik ako sa inyo, mga kapatid, tiisin ang salita ng pagtatagubilin: pagkat nagsulat ako ng isang liham sa inyo sa kakaunting mga salita.
23 Alamin ninyong ang kapatid nating si Timoteo ay pinalaya na; na kasama niya, kung makarating siya sa madaling panahon, ay makikita ko kayo.
24 Pugayan silang lahat na mayroong pamumuno sa ibabaw ninyo, at ang lahat ng banal. Silang mula sa Italya ay nagpupugay sa inyo.
25 Ang biyaya nawa ay makasama ninyong lahat. Amen.

Ang sulat sa mga Hebreo ay isinulat ni Paulo mula sa kulungan sa Italya noong A.D. 59


===============================

1 comment:

  1. PWEDE MA INVITE KA SA CHURCH NAMIN SA BICOL-LABO CAM NORTE?

    ReplyDelete