1 Korinto Kabanata 1, 2, 3 at 4

ANG UNANG SULAT NI PAULONG APOSTOL SA
MGA TAGA-KORINTO










1 Kor KABANATA 1

SI PAULO, na tinawag na maging isang apostol ni Jesus Kristo sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos, at si Sostenes na kapatid natin,
2 Sa simbahan ng Diyos na nasa Korinto, sa kanila na pinapabanal kay Kristo Jesus, na tinawag na maging mga banal, kasama ng lahat na sa bawa’t dako ay tumatawag sa pangalan ni Jesus Kristo na Panginoon natin, kapuwa sa kanila at sa atin:
3 Ang biyaya nawa ay sumainyo, at ang kapayapaan, mula sa Diyos na Ama natin, at mula sa Panginoong Jesus Kristo.
4 Pinapasalamatan ko ang aking Diyos palagi patungkol sa inyong kapakanan, dahil sa biyaya ng Diyos na ito ay ibinibigay sa inyo ni Jesus Kristo;        
5 Na sa bawa’t bagay ay pinapayaman niya kayo, sa buong pagbigkas, at sa buong kaalaman;
6 Maging gaya ng ang patotoo ni Kristo ay pinagtibay sa inyo:
7 Anupa’t hindi kayo nahuhuli sa anumang kaloob; na naghihintay sa pagdating ng ating Panginoong Jesus Kristo: 
8 Na siya ring magtitibay sa inyo hanggang sa katapusan, upang kayo ay maging walang-kapintasan sa araw ng ating Panginoong Jesus Kristo.
9 Ang Diyos ay matapat, na siyang tumawag sa inyo patungo sa pakikisama ng Anak niyang si Jesus Kristo na Panginoon natin.
10 Ngayon ay namamanhik ako sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating  Panginoong Jesus Kristo, upang kayong lahat ay magsalita ng iisang bagay, at huwag magkaroon ng mga pagkakahati-hati sa gitna ninyo; kundi upang sama-sama kayong mapagdugtong nang sakdal sa gayon ring pag-iisip at sa gayon ring paghukom.
11 Pagkat isinaysay ito sa akin tungkol sa inyo, mga kapatid, nilang mga mula sa bahay ni Kloe, na may mga pagtatalo sa gitna ninyo.
12 Ngayon ay sinasabi ko ito, na ang bawa’t isa sa inyo ay nagsasabing, ako ay kay Paulo; at ako ay kay Apolos; at ako ay kay Sefas; at ako ay kay Kristo. 
13 Si Kristo ba ay nahahati? Si Paulo ba ay ipinako sa kurus dahil sa inyo? o bininyagan ba kayo sa pangalan ni Paulo?
14 Nagpapasalamat ako sa Diyos na wala akong bininyagan sa inyo, maliban kay Krispus at Gayus;
15 Baka magsabi ang sinuman na nagbinyag ako sa sarili kong pangalan. 
16 At bininyagan ko rin naman ang sambahayan ni Estefanas: maliban sa kanila, ay hindi ko na nalalaman kung nagbinyag pa ako ng sinumang iba.
17 Pagkat hindi ako isinugo ni Kristo upang magbinyag, kundi upang mangaral ng mabuting-balita: hindi sa pamamagitan ng karunungan ng mga salita, baka ang kurus ni Kristo ay mapawalang bisa.
18 Pagkat ang pangangaral ng kurus sa kanilang mga nawawasak ay kahangalan; ngunit sa ating mga ligtas ito ang kapangyarihan ng Diyos.   
19 Pagkat nasusulat ito, Pupuksain ko ang karunungan ng marurunong, at dadalhin sa wala ang pagkaunawa ng matatalino.
20 Nasaan ba ang marunong? nasaan ba ang eskriba?  nasaan ba ang mapagmatuwid ng sanlibutang ito? hindi ba ginawang hangal ng Diyos ang karunungan ng sanlibutang ito?
21 Pagkat pagkatapos niyon sa karunungan ng Diyos ang sanlibutan sa pamamagitan ng karunungan ay hindi nakaalam sa Diyos, nakalugod ito sa Diyos sa pamamagitan ng kahangalan ng pangangaral na iligtas silang nananalig.
22 Pagkat ang mga Judeo ay humihingi ng isang tanda, at ang mga Griyego ay naghahanap ng karunungan:
23 Ngunit ipinapangaral namin si Kristong ipinako sa kurus, na sa mga Judeo ay isang katitisuran, at sa mga Griyego ay kahangalan;
24 Ngunit sa kanilang mga tinatawag, kapuwa mga Judeo at mga Griyego, si Kristo ang kapangyarihan ng Diyos, at ang karunungan ng Diyos.
25 Dahil ang kahangalan ng Diyos ay mas marunong kaysa sa mga tao; at ang kahinaan ng Diyos ay mas malakas kaysa sa mga tao.
26 Pagkat nakikita ninyo ang pagkakatawag ninyo, mga kapatid, kung paanong hindi ang maraming marurunong na tao alinsunod sa laman, na hindi ang maraming makapangyarihan, na hindi ang maraming mahal-na-tao, ang tinatawag:
27 Kundi pinili na ng Diyos ang mga hangal na bagay ng sanlibutan upang hiyain ang marurunong; at pinili na ng Diyos ang mahihinang bagay ng sanlibutan upang  hiyain ang mga bagay na makapangyarihan;
28 At ang mabababang bagay ng sanlibutan, at ang mga bagay na hinahamak, ay pinili na ng Diyos, oo, at ang mga bagay na hindi umiiral, upang dalhin patungo sa wala ang mga bagay na umiiral:
 29 Upang walang lamang magmapuri sa harapan niya.
 30 Ngunit mula sa kanya kayo ay nakay Kristo Jesus, na siya mula sa Diyos ay ginawa ukol sa atin na karunungan, at katuwiran, at pagpapakabanal, at katubusan:
31 Na, kagaya ng nasusulat, Siya na nagmamapuri, ay hayaan siyang magmapuri sa Panginoon.

KABANATA 2
AT ako, mga kapatid, nang pumariyan  ako sa inyo, ay hindi ako pumariyan na may kagalingan ng pananalita o ng karunungan, na isinasaysay sa inyo ang patotoo ng Diyos.
2 Pagkat napagpasyahan kong huwag malaman ang anumang bagay sa gitna ninyo, maliban kay Jesus Kristo, at siya na ipinako sa kurus.
3 At nakasama ninyo ako sa kahinaan, at sa pagkatakot, at sa lubhang panginginig.
4 At ang pananalita ko at ang pangangaral ko ay hindi may nakakaakit na mga salita ng karunungan ng tao, kundi sa pagtatanghal ng Espiritu at ng kapangyarihan:
5 Upang ang pananampalataya ninyo ay hindi tumayo sa karunungan ng mga tao, kundi sa kapangyarihan ng Diyos.
6 Subali’t sinasalita namin ang karunungan sa gitna nilang mga sakdal: gayunman ay hindi ang karunungan ng sanlibutang ito, ni ng mga pangulo ng sanlibutang ito, na nauuwi sa wala:
7 Kundi sinasalita namin ang karunungan ng Diyos sa isang hiwaga, samakatuwid ay ang nakatagong karunungan, na itinalaga ng Diyos bago pa ang sanlibutan sa ikaluluwalhati natin:
8 Na wala sa mga pangulo ng sanlibutang ito ang nakaalam: pagkat kung nalaman nila ito, ay hindi nila ipapako sa kurus ang Panginoon ng kaluwalhatian. 
9 Ngunit gaya ng nasusulat, Hindi nakita ng mata, ni narinig ng tainga, ni pumasok sa puso ng tao, ang mga bagay na inihanda na ng Diyos na ukol sa kanilang nagmamahal sa kanya.
10 Ngunit ibinunyag na sila ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng kanyang Espiritu: pagkat ang Espiritu ang sumasaliksik sa lahat ng bagay, oo, ang malalalim na bagay ng Diyos.
11 Pagkat anong tao ang nakakaalam ng mga bagay ng isang tao, maliban sa espiritu ng tao na nasa kanya? maging gayon din sa mga bagay ng Diyos ay walang taong nakakaalam, kundi ang Espiritu ng Diyos.
12 Ngayon ay tinanggap na natin, hindi ang espiritu na mula sa sanlibutan, kundi ang espiritu na mula sa Diyos; upang malaman natin ang mga bagay na walang-bayad na ibinibigay sa atin ng Diyos.
13 Na ang mga bagay na ito rin naman ang sinasalita namin, hindi sa mga salitang itinuturo ng karunungan ng tao, kundi ang itinuturo ng Banal na Diwa; na ipinaghahambing ang mga bagay na espirituwal sa espirituwal.
14 Ngunit ang likas na tao ay hindi tumatanggap ng mga bagay mula sa Espiritu ng Diyos: pagkat ang mga ito ay kahangalan sa kanya: ni maaari niyang malaman ang mga ito, dahil ang mga ito ay sinisiyasat nang espirituwal.
15 Ngunit siya na espirituwal ay humuhukom sa lahat ng bagay, gayunman siya mismo ay hindi hinuhukuman ng sinumang tao.
16 Pagkat sino ba ang nakaalam na ng pag-iisip ng Panginoon, upang siya ay maaralan niya? Ngunit mayroon tayo ng pag-iisip ni Kristo.

KABANATA 3
AT ako, mga kapatid, ay hindi makapagsalita sa inyo gaya ng sa espirituwal, kundi gaya ng sa ayon-sa-laman, maging gaya ng sa mga sanggol kay Kristo.
2 Pinakain ko kayo ng gatas, at hindi ng pagkain: pagkat hindi pa ninyo nakayang tiisin ito, ni kahit ngayon ay kaya ninyo.
3 Pagkat kayo ay ayon-sa-laman pa: pagkat yamang sa gitna ninyo ay may pagkainggit, at sigalutan, at mga pagkakahati-hati, hindi ba kayo ayon-sa-laman, at lumalakad gaya ng mga tao?
4 Pagkat habang sinasabi ng isa, ako ay kay Paulo; at ng iba, ako ay kay Apolos; hindi ba kayo ayon-sa-laman?
5 Sino nga ba si Paulo, at sino ba si Apolos, kundi mga ministro na sa pamamagitan nila ay nanalig kayo, maging gaya ng ibinigay ng Panginoon sa bawa’t tao?
6 Ako ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig; ngunit ang Diyos ang nagbigay ng paglago.
7 Sa gayon nga hindi siya na nagtatanim ng anumang bagay, ni siya na nagdidilig; kundi ang Diyos na nagbibigay ng paglago.
8 Ngayon siya na nagtatanim at siya na nagdidilig ay iisa: at ang bawa’t tao ay tatanggap ng sarili niyang gantimpala ayon sa sarili niyang pagpapagal.
9 Pagkat kami ay mga sama-samang nagpapagal na kasama ng Diyos: kayo ang pagsasaka ng Diyos, kayo ang gusali ng Diyos.
10 Ayon sa biyaya ng Diyos na ibinibigay sa akin, gaya ng isang punong-tagapagtayo, ay inilagay ko na ang pinagsasaligan, at iba ang nagtatayo sa ibabaw niyon. Ngunit hayaan ang bawa’t tao na mag-ingat kung paano siya nagtatayo sa ibabaw niyon.
11 Pagkat walang taong maaaring maglagay ng ibang pinagsasaligan maliban sa nailagay na, na ito ay si Jesus Kristo.
12 Ngayon kung magtayo ang sinumang tao sa ibabaw ng pinagsasaligang ito ng ginto, pilak, mahahalagang bato, kahoy, tuyong-damo, pinaggapasan;
13 Ang gawa ng bawa’t tao ay malalantad: pagkat isasaysay ito ng araw, dahil ibubunyag ito ng apoy; at ang apoy ang susubok sa gawa ng bawa’t tao kung anong uri ito.
14 Kung manatili ang gawa ng sinumang tao na itinayo niya sa ibabaw niyon, ay tatanggap siya ng isang gantimpala.
15 Kung masusunog ang gawa ng sinumang tao, ay magtitiis siya ng pagkawala: ngunit siya mismo ay maliligtas; gayunman gaya ng sa pamamagitan ng apoy.
16 Hindi ba ninyo nalalaman na kayo ang templo ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos ay nananahan sa inyo?
17 Kung dungisan ng sinumang tao ang templo ng Diyos, ay pupuksain siya ng Diyos; pagkat ang templo ng Diyos ay banal, na ang templong ito ay kayo.
18 Huwag hayaang linlangin ng sinumang tao ang kanyang sarili. Kung ang sinumang tao sa gitna ninyo ay waring marunong sa sanlibutang ito, hayaan siyang maging isang hangal, upang dumunong siya.
19 Pagkat ang karunungan ng sanlibutang ito ay kahalangan sa Diyos. Pagkat nasusulat ito, Hinuhuli niya ang marurunong sa sarili nilang katusuhan.
20 At muli, Nalalaman ng Panginoon ang mga iniisip ng marurunong, na ang mga ito ay walang-kabuluhan.
21 Kung gayon ay huwag hayaan ang sinumang tao na magmapuri sa mga tao. Pagkat ang lahat ng bagay ay sa inyo;
22 Maging si Paulo, o si Apolos, o si Sefas, o ang sanlibutan, o ang buhay, o ang kamatayan, o ang mga bagay na kasalukuyan, o ang mga bagay na darating; ang lahat ay sa inyo;
23 At kayo ay kay Kristo; at si Kristo ay sa Diyos.




KABANATA 4
HAYAANG ibilang kami ng isang tao ng gayon, gaya ng mga ministro ni Kristo, at mga katiwala ng mga hiwaga ng Diyos.
2 Bukod dito ay kinakailangan ito sa mga katiwala, na matagpuang matapat ang isang tao.
3 Ngunit sa akin ay isang napakaliit na bagay ito na mahukuman ninyo ako, o ng paghukom ng tao: oo, hindi ko hinuhukuman ang aking sarili.
4 Pagkat wala akong nalalaman sa pamamagitan ng aking sarili; gayunman ay hindi ako sa ganito inaaring-ganap: ngunit siya na humuhukom sa akin ay ang Panginoon.
5 Kung gayon ay huwag humukom sa anuman  bago ang panahon, hanggang sa dumating ang Panginoon, na siya ay kapuwa magdadala patungo sa liwanag ng mga nakatagong bagay ng dilim, at maglalantad ng mga payo ng mga puso: at sa gayon ang bawa’t tao ay magkakaroon ng papuri ng Diyos. 
6 At ang mga bagay na ito, mga kapatid, ay taglay ko sa isang kahawig na inilipat sa aking sarili at kay Apolos alang-alang sa inyo; upang matuto kayo sa amin na huwag mag-isip tungkol sa mga tao nang higit doon sa nasusulat, upang walang isa man sa inyo ang magpalalo sa isa laban sa iba.
7 Pagkat sino ba ang gumagawa sa inyong maiba mula sa iba? at ano ba ang mayroon ka na hindi mo tinanggap? ngayon kung tinanggap mo ito, bakit ka ba nagmamapuri, na tila hindi mo ito tinanggap?
8 Ngayon ay mga busog kayo, ngayon ay mayayaman kayo, naghari na kayong gaya ng mga hari na wala kami: at nais ko sa Diyos na naghari kayo, nang kami rin naman ay magharing kasama ninyo.
9 Pagkat iniisip kong inilagay na ng Diyos kaming mga apostol na pinakahuli, gaya ng itinakda ito patungo sa kamatayan: pagkat kami ay ginawang isang panoorin sa sanlibutan, at sa mga anghel, at sa mga tao.
10 Kami ay mga hangal alang-alang kay Kristo, ngunit kayo ay marurunong kay Kristo;  mahihina kami, ngunit malalakas kayo; mararangal kayo, ngunit hinahamak kami.
11 Maging hanggang sa kasalukuyang oras na ito kami ay kapuwa nagugutom, at nauuhaw, at mga hubad, at mga pinagsusuntok, at walang tiyak na dakong-tahanan;
12 At nagpapagal, na gumagawa sa sarili naming mga kamay: samantalang mga inaalipusta, kami ay nagpapala; samantalang mga inuusig, ay tinitiis namin ito:
13 Samantalang mga sinisiraang-puri, kami ay nakikiusap: ginagawa kaming gaya ng dumi ng sanlibutan, at mga sukal ng lahat ng bagay hanggang sa araw na ito.
14 Hindi ko isinusulat ang mga bagay na ito upang pahiyain kayo, kundi gaya ng mga minamahal kong lalaking-anak ay binabalaan ko kayo.
15 Pagkat kahit na may sampung libong mga tagapag-aral pa kayo kay Kristo, gayunman ay wala kayong maraming ama: pagkat kay Kristo Jesus ay isinilang ko na kayo sa pamamagitan ng mabuting-balita.
16 Kaya nga namamanhik ako sa inyo, maging mga tagasunod ko kayo. 
17 Sa dahilang ito ay isinugo ko sa inyo si Timoteus, na siyang minamahal kong anak, at matapat sa Panginoon, na siyang magpapaalala sa inyo ng mga daan ko na nakay Kristo, gaya ng itinuturo ko sa kahit saan sa bawa’t simbahan.
18 Ngayon ang ilan ay nagpapalalo, na waring hindi ako papariyan sa inyo.
19 Ngunit papariyan ako sa inyo sa madaling panahon, kung loobin ng Panginoon, at malalaman, hindi ang pananalita nilang nagpapalalo, kundi ang kapangyarihan.
20 Pagkat ang kaharian ng Diyos ay hindi sa salita, kundi sa kapangyarihan.

21 Ano ba ang ibig ninyo? papariyan ba ako sa inyo na may isang pamalo, o nasa pagmamahal, at nasa espiritu ng kaamuan? 

No comments:

Post a Comment