2 Korinto Kabanata 1, 2, 3 at 4

ANG IKALAWANG SULAT NI PAULONG APOSTOL SA
MGA TAGA-KORINTO


 KABANATA 1
SI PAULO, na isang apostol ni Jesus Kristo sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos, at si Timoteo na kapatid natin, sa simbahan ng Diyos na nasa Korinto, kasama ng lahat ng banal na nasa buong Akaya:
2 Ang biyaya nawa ay sumainyo at ang kapayapaan mula sa Diyos na Ama natin, at mula sa Panginoong Jesus Kristo.
3 Pagpalain ang Diyos, samakatuwid ay ang Ama ng ating Panginoong Jesus Kristo, ang Ama ng mga awa, at ang Diyos ng buong kaaliwan;
4 Na umaaliw sa atin sa buo nating kagipitan, upang makaya nating aliwin silang nasa anumang kahirapan, sa pamamagitan ng kaaliwan kung saan tayo mismo ay inaaliw ng Diyos.
5 Pagkat kung paanong ang mga pagdurusa ni Kristo ay sumasagana sa atin, sa gayon din naman ang kagiliwan namin ay sumasagana kay Kristo.
6 At kung maghirap man kami, ay dahil ito sa kagiliwan at kaligtasan ninyo, na ito ay mabisa sa pagtitiis ng gayon ding mga pagdurusa na tinitiis din naman namin: o maging kami man ay maaliw, dahil ito sa kagiliwan at kaligtasan ninyo.
7 At ang pag-asa namin tungkol sa inyo ay matatag, na nalalaman, na kung paanong kayo ay mga kabahagi sa mga pagdurusa, sa gayon ay magiging ganoon rin naman kayo sa kagiliwan.
8 Pagkat hindi namin nais, mga kapatid, na maging mangmang kayo tungkol sa kahirapang dumating sa amin sa Asya, na napiga kami nang labis, higit sa lakas, anupa’t nawalan kami ng pag-asa maging sa buhay:
9 Ngunit nagkaroon kami ng sentensya ng kamatayan sa aming sarili, upang hindi kami magtiwala sa aming sarili, kundi sa Diyos na bumubuhay ng mga patay:
10 Na siyang sumagip sa amin mula sa isang napakalaking kamatayan, at sumasagip: na sa kanya ay nagtitiwala kaming sasagipin pa niya kami;
11 Kayo rin naman ay sama-samang tumutulong sa pamamagitan ng pananalangin patungkol sa amin, upang sa kaloob na ipinagkaloob sa amin sa pamamagitan ng paraan ng maraming tao ang pasasalamat ay maibigay ng marami sa kapakanan namin.
12 Pagkat ang pagkagalak namin ay ito, ang patotoo ng budhi namin, na sa kapayakan at makadiyos na katapatan, hindi nang may karunungang makalaman, kundi sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, ay nagkaroon kami ng pamumuhay namin sa sanlibutan, at nang mas masagana tungo sa inyo. 
13 Pagkat walang ibang bagay kaming isinusulat sa inyo, maliban sa binabasa o kinikilala ninyo; at nagtitiwala ako na kikilalanin ninyo maging hanggang sa katapusan;
14 Gaya rin ng pagkilala ninyo sa amin nang bahagya, na kami ang pagkagalak ninyo, maging gayon din naman kayo ay sa amin sa araw ng Panginoong Jesus.
15 At sa pagkakatiwalang ito ay binalak kong pumariyan noong una, upang magkaroon kayo ng isang ikalawang pakinabang;
16 At magdaan sa inyo patungo sa Masedonya, at dumating muli buhat sa Masedonya patungo sa inyo, at mula sa inyo upang madala sa daan ko patungong Judea.
17 Nang ako kung gayon ay nagbalak, gumamit ba ako ng kagaanan? o ang mga bagay ba na nilalayon ko, ay nilalayon ko ayon sa laman,  upang sa akin ang oo ay maging oo, at ang hindi ay hindi?
18 Ngunit kung paanong ang Diyos ay totoo, ang salita namin tungo sa inyo ay hindi oo at hindi.
19 Pagkat ang Anak ng Diyos, si Jesus Kristo, na ipinangaral namin sa gitna ninyo, maging sa pamamagitan ko at ni Silvanus at ni Timoteus, ay hindi oo at hindi, kundi sa kanya ay oo.
20 Pagkat ang lahat ng pangako ng Diyos sa kanya ay oo, at sa kanya ay Amen, sa ikaluluwalhati ng Diyos sa pamamagitan namin.
21 Ngayon siya na nagpapatatag sa amin na kasama ninyo kay Kristo, at nagpahid sa atin, ay ang Diyos; 
22 Na siyang nagtatak din naman sa atin, at nagbigay ng paunang-bayad ng Espiritu sa mga puso natin.
23 Bukod dito ay tinatawag ko ang Diyos bilang isang saksi sa kaluluwa ko, na upang maiiwas ko kayo ay hindi pa ako dumating sa Korinto.
24 Hindi dahil sa kami ay may pamamanginoon sa ibabaw ng pananampalataya ninyo, kundi mga tagatulong ng kagalakan ninyo: pagkat sa pamamagitan ng pananampalataya ay tumatayo kayo.

 KABANATA 2
NGUNIT pinagpasyahan ko ito sa sarili ko, na hindi ko nais na  pumariyan muli sa inyo sa kabigatan.
2 Pagkat kung pinapalumbay ko kayo, sino nga ba siyang nagpapatuwa sa akin, kundi iyon ding napalumbay ko?
3 At iyon din ang isinusulat ko sa inyo, baka, kapag dumating ako, ay magkaroon ako ng kalumbayan mula sa kanila na tungkol sa kanila ay nararapat kong kagalakan; na taglay ang pagkakatiwala sa inyong lahat, na ang kagalakan ko ay ang kagalakan ninyong lahat.
4 Pagkat buhat sa lubhang paghihirap at hapis ng puso ay sumulat ako sa inyo na may maraming luha; hindi upang mapighati kayo, kundi upang malaman ninyo ang pagmamahal na taglay ko nang mas masagana patungkol sa inyo.
5 Ngunit kung ang sinuman ay nakapagdulot ng pighati, hindi ako ang pinighati niya, kundi bahagya: upang hindi ko mapaghigpitan kayong lahat.
6 Sapat sa ganoong tao ang parusang ito, na ipinataw ng marami.
7 Anupa’t sa salungat na paraan bagkus ay nararapat ninyong patawarin siya, at aliwin siya, baka sakali ang ganoon ay malunok ng labis-labis na kalumbayan.
8 Kaya nga namamanhik ako sa inyo na pagtibayin ninyo ang pagmamahal ninyo tungo sa kanya.
9 Pagkat hanggang sa katapusang ito rin naman ay sumulat ako, upang malaman ko ang katunayan ninyo, kung kayo ay matalimahin sa lahat ng bagay.
10 Sa kanya na pinapatawad ninyo sa anumang bagay, ay pinapatawad ko rin naman: pagkat kung pinatawad ko ang anumang bagay, sa kung kanino ay ipinatawad ko ito, alang-alang sa inyo ay ipinatawad ko ito sa persona ni Kristo;
11 Baka makakuha ng isang kalamangan sa atin ang Satanas: pagkat hindi tayo mangmang sa mga pakana niya.
12 At saka, nang dumating ako sa Troas upang mangaral ng mabuting-balita ni Kristo, at isang pintuan ay binuksan sa akin ng Panginoon, 
13 Wala akong naging kapahingahan sa espiritu ko, dahil hindi ko natagpuan si Titus na kapatid ko: ngunit pagkaiwan ko sa kanila, mula roon ay pumaroon ako patungo sa Masedonya. 
14 Ngayon ay salamat sa Diyos, na palaging nagdudulot sa atin sa pagkapanalo kay Kristo, at inilalantad ang samyo ng kaalaman niya sa pamamagitan natin sa bawa’t dako.
15 Pagkat patungo sa Diyos tayo ay isang mabangong samyo ni Kristo, sa kanilang mga ligtas, at sa kanilang mga nawawasak:
16 Sa isa kami ay ang samyo ng kamatayan patungo sa kamatayan; at sa iba ay ang samyo ng buhay patungo sa buhay. At sino ba ang sapat patungkol sa mga bagay na ito?
17 Pagkat hindi kami gaya ng marami, na pinapasama ang salita ng Diyos: kundi gaya ng mula sa katapatan, kundi gaya ng mula sa Diyos, sa paningin ng Diyos ay nagsasalita kami kay Kristo.

 KABANATA 3

NAGSISIMULA ba kaming muli upang purihin ang aming sarili? o nangangailangan ba kami, gaya ng ilan sa mga iba, ng mga sulat ng papuri sa inyo, o mga liham ng papuri mula sa inyo?
2 Kayo ang sulat namin na nasusulat sa mga puso namin, na nalalaman at nababasa ng lahat ng tao:
3 Yamang kayo ay lantarang naisasaysay na mga sulat ni Kristo na pinagmiministeryuhan namin, na isinulat hindi ng tinta, kundi ng Espiritu ng buhay na Diyos; hindi sa mga tapyas ng bato, kundi sa mga tapyas ng pusong makalaman.
4 At ang ganoong pagtitiwala ay taglay namin sa pamamagitan ni Kristo tungo sa Diyos:
5 Hindi sa kami ay sapat na sa aming sarili upang isipin ang anumang bagay na gaya ng mula sa aming sarili; kundi ang kasapatan namin ay mula sa Diyos;
6 Na siya rin namang gumawa sa amin na may-kakayahang mga ministro ng bagong tipan; hindi ng titik, kundi ng espiritu: pagkat ang titik ay pumapatay, ngunit ang espiritu ay nagbibigay ng buhay.
7 Ngunit kung ang pangangasiwa ng kamatayan, na isinulat at inukit sa mga bato, ay maluwalhati, anupa’t ang mga anak ni Israel ay hindi makatitig nang matagal sa mukha ni Moses dahil sa kaluwalhatian ng mukha niya; na kaluwalhatiang lilipas:
8 Paano bang ang pangangasiwa ng espiritu ay hindi bagkus magiging maluwalhati?
9 Pagkat kung ang pangangasiwa  ng kahatulan ay kaluwalhatian, lalong higit na ang pangangasiwa ng katuwiran ay lumalabis sa kaluwalhatian.
10 Pagkat maging ang ginawang maluwalhati ay walang kaluwalhatian tungkol dito, dahil sa kaluwalhatiang lumalabis.
11 Pagkat kung ang lumipas na ay maluwalhati, lalong higit ang natitira ay maluwalhati.
12 Nakikita ngang tayo ay may ganoong pag-asa, ay gumagamit kami ng dakilang kalinawan ng pananalita:
13 At hindi gaya ni Moses, na naglagay ng talukbong sa mukha niya, upang ang mga anak ni Israel ay hindi makatinging mabuti sa katapusan ng winakasan na:
14 Ngunit binulag ang mga pag-iisip nila: pagkat hanggang sa araw na ito ay may natitirang gayon ring talukbong na hindi pa inaalis sa pagbabasa ng lumang tipan; na ang talukbong ay lumilipas kay Kristo.
15 Ngunit maging hanggang sa araw na ito, kapag binabasa si Moses, ang talukbong ay nasa puso nila.
16 Gayon pa man kapag babaling ito sa Panginoon, ay maaalis ang talukbong.
17 Ngayon ang Panginoon ay ang Espiritung iyon: at kung nasaan ang Espiritu ng Panginoon, ay naroon ang kamaharlikaan.
18 Ngunit tayong lahat, na may bukas na mukha na minamasdan ang kaluwalhatian ng Panginoon gaya sa isang salamin, ay binabago patungo sa gayon ring larawan mula sa kaluwalhatian patungo sa kaluwalhatian, maging gaya ng sa pamamagitan ng Espiritu ng Panginoon.

 KABANATA 4

KUNG GAYON na nakikitang mayroon kami ng ministeryong ito, gaya ng pagkatanggap namin ng awa, ay hindi kami nanghihina;
2 Kundi tinalikuran na namin ang mga natatagong bagay ng kawalang-katapatan, na hindi lumalakad sa katusuhan, ni hinahawakan ang salita ng Diyos nang may panlilinlang; kundi sa pamamagitan ng paglalantad ng katotohanan ay inihahabilin ang aming sarili sa budhi ng bawa’t tao sa paningin ng Diyos.
3 Ngunit kung ang mabuting-balita namin ay nakatago, ito ay nakatago sa kanilang mga  nawawasak:
4 Na sa kanila ay binulag ng diyos ng sanlibutang ito ang mga pag-iisip nilang hindi nananalig, baka ang liwanag ng maluwalhating mabuting-balita ni Kristo, na siyang larawan ng Diyos, ay sumikat sa kanila.
5 Pagkat ang ipinangangaral namin ay hindi ang sarili namin, kundi si Kristo Jesus na Panginoon; at ang sarili namin na mga lingkod ninyo alang-alang kay Jesus.
6 Pagkat ang Diyos, na nag-utos sa liwanag na sumikat buhat sa dilim, ay sumikat na sa mga puso namin, upang ibigay ang liwanag ng kaalaman ng kaluwalhatian ng Diyos sa mukha ni Jesus Kristo.
7 Ngunit taglay namin ang gambang na ito sa mga sisidlang lupa, upang ang kagalingan ng kapangyarihan ay maging mula sa Diyos, at hindi mula sa amin.
8 Kami ay pinapahirapan sa bawa’t panig, gayunman ay hindi nahahapis; natitilihan kami, ngunit hindi sa kawalang pag-asa;
9 Inuusig, ngunit hindi pinababayaan; inilulugmok, ngunit hindi napupuksa;
10 Na palaging dinadalang palibot sa katawan ang pagkamatay ng Panginoong Jesus, nang ang buhay rin naman ni Jesus ay malantad sa katawan namin.
11 Pagkat kaming nabubuhay ay tuloy-tuloy na ibinibigay patungo sa kamatayan alang-alang kay Jesus, nang ang buhay rin naman ni Jesus ay malantad sa may-kamatayan naming laman.
12 Sa gayon nga ang kamatayan ay gumagawa sa amin, ngunit buhay sa inyo. 
13 Kami na nagtataglay ng gayon ring espiritu ng pananampalataya, kagaya ng nasusulat, Nanalig ako, at kung gayon ay nagsalita ako; kami rin naman ay nananalig, at kung gayon ay nagsasalita;
14 Na nalalamang siya na nagbangon sa Panginoong Jesus ay magbabangon din naman sa amin sa pamamagitan ni Jesus, at ihaharap kaming kasama ninyo.
15 Pagkat ang lahat ng bagay ay alang-alang sa inyo, nang ang masaganang biyaya sa pamamagitan ng pagpapasalamat ng marami ay magbunga sa ikaluluwalhati ng Diyos.
16 Sa dahilang iyon ay hindi kami nanghihina; ngunit kahit na mawasak pa ang taong panlabas namin, gayunman ang taong panloob ay pinapanibago araw-araw.
17 Pagkat ang magaang paghihirap namin, na ito ay panandalian lamang, ay gumagawang ukol sa amin ng isang higit-higit na lumalabis at walang-hanggang bigat ng kaluwalhatian;

18 Habang hindi kami tumitingin sa mga bagay na nakikita, kundi sa mga bagay na hindi nakikita: pagkat ang mga bagay na nakikita ay pansamantala; ngunit ang mga bagay na hindi nakikita ay walang-hanggan.  

No comments:

Post a Comment