Efesus Kabanata 4, 5 at 6

KABANATA 4
AKO kung gayon, na bilanggo ng Panginoon, ay namamanhik sa inyo na  lumakad kayo nang karapat-dapat sa bokasyong sa inyo ay itinatawag,
2 Na may buong kababaan at kaamuan, na may pagbabata, na nagtitiisan sa isa’t isa sa pagmamahal;
3 Na nagsusumikap na ingatan ang pagkakaisa ng Espiritu sa tali ng kapayapaan.
4 May iisang katawan, at iisang Espiritu, maging gaya rin naman ng tinatawag kayo sa iisang pag-asa ng pagkakatawag ninyo;
5 Iisang Panginoon, iisang pananampalataya, iisang binyag, 
6 Iisang Diyos at Ama ng lahat, na nasa ibabaw ng lahat, at sa pamamagitan ng lahat, at nasa inyong lahat.
7 Ngunit sa bawa’t isa sa atin ay ibinibigay ang biyaya ayon sa sukat ng kaloob ni Kristo.
8 Kaya nga sinasabi niya, Nang umakyat siya sa itaas, ay inakay niyang bihag ang pagkabihag, at nagbigay ng mga kaloob sa mga tao.
9 (Ngayong siya ay umakyat, ano ba ito kundi ang bumaba rin muna siya sa mas malalalim na bahagi ng lupa?
10 Siya na bumaba ay siya rin namang umakyat paitaas sa kaiba-ibabawan ng lahat ng langit, upang mapuno niya ang lahat ng bagay.) 
11 At nagbigay siya sa ilan, ng mga apostol; at sa ilan, ng mga propeta; at sa ilan, ng mga ebanghelista; at sa ilan, ng mga pastor at mga guro;
12 Ukol sa ikasasakdal ng mga banal, ukol sa gawa ng ministeryo, ukol sa ikatitibay ng katawan ni Kristo:
13 Hanggang sa dumating tayong lahat na nasa pagkakaisa ng pananampalataya, at ng kaalaman ng Anak ng Diyos, patungo sa pagiging isang sakdal na lalaki, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng kalubusan ni Kristo:
14 Upang tayo mula ngayon ay huwag nang maging mga bata pa, na naihahagis paroo’t parito, at dinadala sa magkabi-kabila ng bawa’t hangin ng turo, sa pamamagitan ng mga daya ng mga tao, at mapanlinlang na katusuhan, na sa pamamagitan ng mga ito ay nagsasabuwatan sila upang manlinlang;
15 Kundi sa pagsasalita ng katotohanan sa pagmamahal, ay lumaki sa kanya sa lahat ng bagay, na siyang ulo, samakatuwid ay si Kristo:
16 Na mula sa kanya ang buong katawan na sama-samang idinugtong at pinag-isang mabuti sa pamamagitan ng tulong ng bawa’t kasukasuan, ayon sa mabisang paggawa sa sukat ng bawa’t bahagi, ay gumagawa ng paglago ng katawan sa ikatitibay ng sarili nito sa pagmamahal.
17 Ito ang sinasabi ko kung gayon, at pinatotohanan sa Panginoon, na kayo mula ngayon ay huwag nang lumakad pang gaya naman ng lakad ng ibang mga Hentil, sa kawalang-kabuluhan ng pag-iisip nila,
18 Na ang pagkaunawa ay nagdidilim, na napapalayo mula sa buhay ng Diyos sa pamamagitan ng kamangmangang nasa kanila, dahil sa pagkabulag ng puso nila:
19 Na sila sa di pagkaramdam ay ibinigay na ang kanilang sarili patungo sa kalibugan, para isagawa ang buong karumihan nang may katakawan.
20 Ngunit  hindi kayo natuto ng gayon kay Kristo;
21 Kung tunay ngang narinig na ninyo siya, at tinuruan na niya, kung paanong ang katotohanan ay na kay Jesus:
22 Na hubarin ninyo tungkol sa dating pamumuhay ang lumang tao, na ito ay bulok ayon sa mga mapanlinlang na pita;
23 At magpanibago sa espiritu ng pag-iisip ninyo;
24 At isuot ninyo ang bagong tao, na ito alinsunod sa Diyos ay nilalang sa katuwiran at tunay na kabanalan.
25 Kaya nga pagkaalis ng pagsisinungaling, ay magsalita ang bawa’t tao ng katotohanan kasama ng kapuwa niya: pagkat tayo ay mga sangkap ng isa’t isa.
26 Magalit kayo, at huwag magkasala: huwag hayaang lubugan ng araw ang pagkapoot ninyo:
27 Ni magbigay ng daan sa diyablo.
28 Hayaan siya na nagnakaw ay huwag nang magnakaw pa: kundi bagkus ay hayaan siyang magpagal, na gumagawa sa mga kamay niya ng bagay na mabuti, upang magkaroon siya ng maiibigay sa kanya na nangangailangan.
29 Huwag ninyong hayaan ang bulok na pakikipagtalastasan na lumabas buhat sa bibig ninyo, kundi iyong mabuti para magamit sa ikatitibay, upang makapagministeryo ito ng biyaya sa mga tagapakinig.
30 At huwag pighatiin ang banal na Espiritu ng Diyos, na sa pamamagitan niya ay tinatakan kayo hanggang sa araw ng katubusan.
31 Hayaang ang buong kapaitan, at pagkapoot, at pagkagalit, at maingay na hiyawan, at masamang pagsasalita, ay maalis mula sa inyo, kasama ang buong malisya:
32 At maging mabait kayo sa isa’t isa, na may malambot-na-puso, na nagpapatawaran sa isa’t isa, gaya naman ng Diyos na alang-alang kay Kristo ay nagpatawad sa inyo. 
  KABANATA 5
KAYO kung gayon ay maging mga tagasunod ng Diyos, gaya ng mga minamahal na anak;
2 At lumakad sa pagmamahal, gaya rin naman ni Kristo na nagmahal na sa atin, at ibinigay na ang kanyang sarili dahil sa atin na isang handog at isang hain sa Diyos bilang isang mabangong samyo.
3 Ngunit ang pakikiapid, at ang buong karumihan, o kasakiman, ay huwag itong hayaang kahit minsan ay masambit sa gitna ninyo, gaya ng nababagay sa mga banal;
4 Ni ang karumihan man, ni ang hangal na pangungusap, ni ang mahalay-na-pagbibiro, na ang mga ito ay hindi naaangkop: kundi bagkus ay ang pagbibigay ng pasalamat.
5   Pagkat nalalaman  ninyo ito, na walang  bugaw,  ni maruming tao, ni masakim na tao, na isang mapagsamba sa diyusdiyosan, ang may anumang pamana sa kaharian ni Kristo at ng Diyos.
6 Huwag hayaang malinlang kayo ng sinumang tao ng mga salitang walang-kabuluhan: pagkat dahil sa mga bagay na ito ay dumarating ang pagkapoot ng Diyos sa ibabaw ng mga anak ng di-pagtalima.
7 Huwag kayo kung gayon na maging mga kabahagi sa kanila.  
8   Pagkat minsan kayong naging dilim, ngunit ngayon ay liwanag na kayo sa Panginoon:  lumakad gaya ng mga anak ng liwanag:
9 (Pagkat ang bunga ng Espiritu ay nasa buong kabutihan at katuwiran at katotohanan;)
10 Na sinusubok kung ano ang katanggap-tanggap  patungo sa Panginoon.
11 At huwag magkaroon ng pakikisama sa mga walang-bungang gawa ng dilim, kundi bagkus ay sawatain sila.
12 Pagkat isa itong kahihiyan na salitain man lamang ang mga bagay na iyon na ginagawa nila sa lihim.
13 Ngunit ang lahat ng bagay na sinasawata ay inilalantad ng liwanag: pagkat ang anumang naglalantad ay liwanag.
14 Kaya nga sinasabi niya, Gumising kang natutulog, at bumangon ka mula sa mga patay, at bibigyan ka ni Kristo ng liwanag.
15 Tiyakin ngang lumalakad kayo nang maingat, huwag gaya ng mga hangal, kundi gaya ng marurunong,
16 Na sinasamantala ang panahon, dahil ang mga araw ay masasama.
17 Kaya nga huwag kayong maging di-marurunong, kundi inuunawa kung ano ang kalooban ng Panginoon.
18 At huwag maglasing ng alak, na kung saan ay may pagmamalabis; kundi  mapuno ng Espiritu;
19 Na nagsasalita sa inyong sarili sa mga salmo at mga himno at mga awit na espirituwal, na umaawit at gumagawa ng himig sa puso ninyo patungo sa Panginoon;
20 Na nagbibigay pasalamat palagi patungkol sa lahat ng bagay sa Diyos at Ama sa pangalan ng ating Panginoong Jesus Kristo;
21 Na ipinapasakop ninyo ang inyong sarili sa isa't isa sa pagkatakot sa Diyos.
22 Mga asawa, ipasakop ninyo ang inyong sarili sa mga sarili ninyong bana, na gaya ng sa Panginoon.
23 Pagkat ang bana ang ulo ng asawa, maging gaya rin naman ni Kristo na ulo ng simbahan: at siya ang tagapagligtas ng katawan.
24 Kung gayon kung paanong ang simbahan ay nagpapailalim kay Kristo, ay maging gayon din naman ang mga asawa sa kanilang mga sariling bana sa bawa’t bagay.
25 Mga bana, mahalin ninyo ang mga asawa ninyo, maging gaya rin naman ni Kristo na nagmahal sa simbahan, at ibinigay ang kanyang sarili para dito;
26 Upang mapabanal at malinis niya ito nang may paghuhugas ng tubig sa pamamagitan ng salita,
27 Upang maiharap niya ito sa kanyang sarili na isang maluwalhating simbahan, na walang batik, o kulubot, o anumang ganoong bagay; kundi upang ito ay maging banal at walang dungis.
28 Kaya nararapat mahalin ng mga lalaki ang mga asawa nila na gaya ng sarili nilang mga katawan. Siya na nagmamahal sa asawa niya ay nagmamahal sa sarili niya.
29 Pagkat walang taong namuhi kailanman sa sarili niyang laman; kundi inaalagaan at kinakandili ito, maging gaya rin naman ng Panginoon sa simbahan:
30 Pagkat tayo ay mga sangkap ng katawan niya, ng laman niya, at ng mga buto niya.
31 Sa dahilang ito ay iiwan ng isang lalaki ang ama at ina niya, at makikisanib sa asawa niya, at silang dalawa ay magiging iisang laman.
32 Ito ay isang dakilang hiwaga:  ngunit  nagsasalita ako tungkol kay Kristo at sa simbahan.
33 Gayon pa man hayaang mahalin ng bawa't isa sa inyo na isa-isa ang asawa niya nang gayon maging gaya ng sarili niya; at tiyakin ng asawa na pinipitagan niya ang bana niya.

 KABANATA 6
MGA anak, tumalima sa mga magulang ninyo sa Panginoon: pagkat ito ay tama.
2 Parangalan mo ang iyong ama at ina; (na ito ay ang unang kautusan na may pangako;)
3 Upang makabuti ito sa iyo, at mabuhay ka nang mahaba sa ibabaw ng lupa.
4 At, kayong mga ama, huwag udyukan sa pagkapoot ang mga anak ninyo: kundi palakihin sila sa pag-aalaga at pagpapaalala ng Panginoon.
5 Mga lingkod, maging matalimahin sa kanilang mga amo ninyo ayon sa laman, na may pagkatakot at panginginig, sa katapatan ng puso ninyo, na gaya ng kay Kristo;
6 Hindi ng paglilingkod sa paningin, na gaya ng mga nagbibigay-lugod sa mga tao; kundi gaya ng mga lingkod ni Kristo, na ginagawa ang kalooban ng Diyos mula sa puso;
7 Na gumagawa ng paglilingkod nang may mabuting kalooban, gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao:
8 Na nalalamang anumang mabuting bagay na ginagawa ng sinumang tao, ay iyon din ang tatanggapin niya mula sa Panginoon, maging siya man ay alipin o malaya.
9 At, kayong mga amo, gawin ang mga gayon ding bagay sa kanila, na pinipigil ang mga pagbabanta: na nalalamang ang Amo din naman ninyo ay nasa langit; na sa kanya ay walang pagtatangi ng mga tao.
10 Sa wakas, mga kapatid ko, magpakalakas sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng kalakasan niya.
11 Isuot ang buong baluti ng Diyos, upang makaya ninyong tumayo laban sa mga lalang ng diyablo.
12 Pagkat nakikipagbuno tayo hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga pinuno ng dilim ng sanlibutang ito, laban sa mga espirituwal na kabalakyutan sa matataas na dako.
13 Kaya nga kunin ninyo ang kabuuang baluti ng Diyos, upang makaya ninyong makatagal sa araw na masama, at pagkatapos na magawa ang lahat, ay tumayo.
14 Tumayo kung gayon, na ang mga baywang ninyo ay nabibigkisan ng katotohanan, at nasusuotan ng baluting-pandibdib ng katuwiran;
15 At ang mga paa ninyo ay may panyapak na paghahanda ng mabuting-balita ng kapayapaan;
16 Higit sa lahat, ay kinukuha ang kalasag ng pananampalataya, na sa pamamagitan nito ay makakaya ninyong apulain ang lahat ng nagniningas na panudla ng balakyot.
17 At kunin ang helmet ng kaligtasan, at ang tabak ng Espiritu, na ito ay ang salita ng Diyos:
18 Na nananalanging palagi nang may buong panalangin at kahilingan sa Espiritu, at nagbabantay doon nang may buong katiyagaan at kahilingan patungkol sa lahat ng banal;
19 At patungkol sa akin, upang maibigay sa akin ang pagbigkas, nang mabuksan ko ang bibig ko nang matapang, para maipaalam ang hiwaga ng mabuting-balita, 
20 Na dahil dito ay isa akong embahador na nakatanikala; upang sa ganito ay makapagsalita ako nang matapang, gaya ng nararapat kong salitain.
21 Ngunit upang malaman din naman ninyo ang mga bagay na tungkol sa akin, at kung paano ako gumagawa, si Tikikus na isang minamahal na kapatid at matapat na ministro sa Panginoon, ang magpapaalam sa inyo ng lahat ng bagay:
22 Na sinugo ko sa inyo dahil sa gayon ding layunin, upang malaman ninyo ang mga bagay na tungkol sa amin, at nang maaliw niya ang mga puso ninyo.
23 Kapayapaan nawa sa mga kapatid, at pagmamahal na may pananampalataya, mula sa Diyos Ama at sa Panginoong Jesus Kristo.
24 Ang biyaya nawa ay makasama nilang lahat na nagmamahal sa ating Panginoong Jesus Kristo sa katapatan. Amen.

Isinulat ni Paulo mula sa kulungan sa Roma sa mga taga-Efesus noong A.D. 68

No comments:

Post a Comment