SI PAULO, na isang apostol
ni Jesus Kristo sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos, at si Timoteus na kapatid
natin,
2 Sa mga banal at matatapat
na kapatid kay Kristo na nasa Kolosas: Ang biyaya nawa ay sumainyo, at ang kapayapaan,
mula sa Diyos na Ama natin at sa Panginoong Jesus Kristo.
3 Nagbibigay pasalamat kami sa Diyos at Ama ng
ating Panginoong Jesus Kristo, na nananalanging palagi dahil sa inyo,
4 Simula nang marinig namin ang tungkol sa
pananampalataya ninyo kay Kristo Jesus, at tungkol sa pagmamahal na mayroon
kayo sa lahat ng banal,
5 Dahil sa pag-asang nakaimpok ukol sa inyo sa
langit, na narinig ninyo noong una sa salita ng katotohanan ng mabuting-balita;
6 Na ito ay dumating sa inyo, gaya ng ito ay sa
buong sanlibutan; at namumunga ng bunga, na gaya ng ginagawa nito sa inyo,
simula nang araw na narinig ninyo ito, at nalaman ang biyaya ng Diyos sa
katotohanan:
7 Gaya ng natutuhan din naman ninyo kay Epafras
na mahal naming kasamang-lingkod, na siyang ganang inyo ay isang matapat na ministro
ni Kristo;
8 Na siya ring nagsaysay sa
amin ng pagmamahal ninyo sa Espiritu.
9 Sa dahilang ito kami rin naman,
simula nang araw na narinig namin ito, ay hindi tumitigil na manalangin patungkol
sa inyo, at maghangad na mapuno kayo ng kaalaman ng kalooban niya sa buong
karunungan at espirituwal na pagkaunawa;
10 Nang makalakad kayong
karapat-dapat sa Panginoon sa buong ikalulugod, na nagiging mabunga sa bawa’t
mabuting gawa, at lumalago sa kaalaman ng Diyos;
11 Na pinapalakas ng buong
kalakasan, ayon sa maluwalhati niyang kapangyarihan, patungo sa buong
pagtitiyaga at pagbabata na may pagkamagalakin;
12 Na nagbibigay pasalamat
sa Ama, na gumawa na sa ating marapat na maging mga kabahagi sa pamana ng mga
banal sa liwanag:
13 Na siyang sumagip na sa
atin mula sa kapangyarihan ng dilim, at nagsalin na sa atin patungo sa kaharian
ng mahal niyang Anak:
14 Na sa kanya ay may
katubusan tayo sa pamamagitan ng kanyang dugo, samakatuwid ay ang kapatawaran
ng mga kasalanan:
15 Na siya ang larawan ng
di-nakikitang Diyos, ang panganay ng bawa’t nilalang:
16 Pagkat nilalang niya ang
lahat ng bagay, na mga nasa langit, at mga nasa lupa, nakikita at di-nakikita,
maging sila man ay mga luklukan, o mga pamamanginoon, o mga pamunuan, o mga
kapangyarihan: ang lahat ng bagay ay nilalang niya, at ukol sa kanya:
17 At siya ay una sa lahat ng bagay, at pinamamalagi
niya ang lahat ng bagay.
18 At siya ang ulo ng katawan, ang simbahan; na
siya ang pasimula, ang panganay na galing sa mga patay; upang sa lahat ng bagay
ay magkaroon siya ng pangunguna.
19 Pagkat ikinalugod ito ng Ama na manahan sa kanya ang buong kalubusan;
20 At, sa pagkakagawa ng kapayapaan sa
pamamagitan ng dugo ng kanyang kurus, upang maipagkasundo niya ang lahat ng
bagay patungo sa kanyang sarili; niya, sinasabi ko, maging sila man ay mga
bagay na nasa lupa, o mga bagay na nasa langit.
21 At kayo, na dating napalayo at mga kaaway sa
pag-iisip ninyo sa pamamagitan ng mga gawang balakyot, gayunman ngayon ay
naipagkasundo na niya,
22 Sa katawan ng laman niya sa pamamagitan ng
kamatayan, upang maiharap kayong banal at di-mapipintasan at di-masusumbatan sa
paningin niya:
23 Kung magpatuloy kayo sa pananampalataya nang
matatag at matibay, at hindi makilos na palayo mula sa pag-asa ng
mabuting-balita, na ito ay narinig na ninyo, at ito ay ipinangaral sa bawa’t
nilalang na nasa ilalim ng langit; na doon akong si Paulo ay ginawang ministro;
24 Na ngayon ay nagagalak ako sa mga pagdurusa ko
dahil sa inyo, at pinupunan ang kakulangan sa mga paghihirap ni Kristo sa laman
ko alang-alang sa katawan niya, na ito ay ang simbahan:
25 Na doon ay ginawa akong ministro, ayon sa pagkabandahali[1] ng
Diyos na ibinibigay sa akin dahil sa inyo, upang ganapin[2]
ang salita ng Diyos;
26 Samakatuwid ay ang hiwaga na siyang naitago
mula pa sa mga kapanahunan at mula pa sa mga salinlahi, ngunit ngayon ay inilalantad
sa mga banal niya:
27 Na sa kanila ay nais ipaalam ng Diyos kung ano
ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng hiwagang5
ito sa gitna ng mga Hentil; na ito ay si Kristo na nasa inyo, ang pag-asa ng
kaluwalhatian:
28 Na siyang ipinapangaral namin, na binabalaan
ang bawa’t tao, at tinuturuan ang bawa’t tao sa buong karunungan; upang
maiharap namin ang bawa’t tao na sakdal kay Kristo Jesus:
29 Na patungo roon din naman ay nagpapagal ako, na
nagsisikap ayon sa paggawa niya, na siyang gumagawa sa akin nang makapangyarihan.
PAGKAT nais kong malaman ninyo kung gaano kalaki
ang pakikipaglaban ko dahil sa inyo, at dahil sa kanilang nasa Laodisea, at dahil
sa maraming hindi pa nakakakita sa mukha ko sa laman;
2 Upang maaliw ang mga puso nila, na pinag-uugnay-ugnay
nang sama-samang nasa pagmamahal, at patungo sa lahat ng kayamanan ng lubos na katiyakan
ng pagkaunawa, hanggang sa pagkakilala sa hiwaga ng Diyos, at ng Ama, at ni
Kristo;
3 Na siya ang kinatataguan ng lahat ng gambang ng
karunungan at kaalaman.
4 At sinasabi ko ito, baka madaya kayo ng
sinumang tao sa pamamagitan ng mga salitang nakakaakit.
5 Pagkat kahit na wala pa ako sa harapang nasa
laman, gayunman ay kasama ninyo akong nasa espiritu, na ikinagagalak at
pinagmamasdan ang kaayusan ninyo, at ang katatagan ng pananampalataya ninyo kay
Kristo.
6 Kung gayon gaya ng pagkatanggap ninyo kay
Kristo Jesus na Panginoon, ay gayon kayo lumakad na nasa kanya:
7 Na naka-ugat at nakatayong nasa kanya, at
napatatag sa pananampalataya, gaya ng pagkakaturo sa inyo, na sumasagana doong
may pagpapasalamat.
8 Mag-ingat nang hindi kayo mabihag ng sinumang
tao sa pamamagitan ng pilosopiya at walang-kabuluhang pandaraya, alinsunod sa
kinaugalian ng mga tao, alinsunod sa mga pangunahing-aral ng sanlibutan, at
hindi alinsunod kay Kristo.
9 Pagkat sa kanya ay nananahan ang buong kalubusan
ng Pagka-Diyos sa katawan.
10 At kayo ay lubos sa kanya, na siyang ulo ng
buong pamunuan at kapangyarihan:
11 Na sa kanya rin naman ay tinutuli kayo ng
pagtutuling hindi gawa ng mga kamay, sa paghuhubad ng katawan ng mga kasalanan
ng laman sa pamamagitan ng pagtutuli ni Kristo:
12 Na inilibing na kasama niya sa binyag, na kung
saan ay binuhay rin naman kayong kasama niya sa pamamagitan ng pananampalataya ng
pamamalakad ng Diyos, na siyang bumuhay na sa kanya galing sa mga patay.
13 At kayo, na mga patay sa mga kasalanan ninyo at
di-pagkatuli ng laman ninyo, ay binuhay na niya nang sama-sama kalakip niya, na
pinapatawad kayo sa lahat ng pagsalansang;
14 Na binubura ang sulat-kamay ng mga palatuntunang
naging laban sa atin, na ito ay naging salungat sa atin, at inalis niya ito mula
sa daan, na ipinapako ito sa kanyang kurus;
15 At sa pagkakasamsam sa mga pamunuan at mga
kapangyarihan, ay gumawa siya ng palabas sa kanila nang hayagan, na dito ay nagwawagi
sa kanila.
16 Huwag hayaan kung gayon na hukuman kayo ng
sinumang tao sa pagkain, o sa inumin, o tungkol sa isang banal-na-araw, o sa
bagong buwan, o sa mga araw ng sabat:
17 Na ang mga ito ay isang anino ng mga bagay na
darating; ngunit ang katawan ay kay Kristo.
18 Huwag
hayaang madaya kayo ng sinumang tao sa gantimpala ninyo sa kusang
pagpapakumbaba at pagsamba sa mga anghel, na nanghihimasok sa mga bagay na iyon
na hindi pa niya nakikita, na napalalo nang walang-kabuluhan sa pamamagitan ng makalaman
niyang pag-iisip,
19 At hindi pinanghahawakan ang Ulo, na galing
doon ang buong katawan sa pamamagitan ng mga kasu-kasuan at mga bigkis ay may
pag-aalagang idinudulot, at nagkakaugnay-ugnay nang sama-sama, ay lumalago sa
pagpapalago ng Diyos.
20 Kaya nga kung namatay na kayong kasama ni
Kristo mula sa mga pangunahing-aral ng sanlibutan, bakit ba, na waring
nabubuhay pa sa sanlibutan, ay nagpapailalim kayo sa mga palatuntunan,
21 (Huwag humipo; huwag tumikim; huwag humawak;
22 Na ang lahat ng ito ay mawawasak kasama ang
paggamit;) alinsunod sa mga kautusan at mga turo ng mga tao?
23 Na ang mga bagay na ito ay tunay na may isang
pagpapakita ng karunungan sa kusang pagsamba, at pagpapakumbaba, at pagpapabaya
ng katawan; hindi sa anumang karangalan sa ikasisiya ng laman.
No comments:
Post a Comment