SI PAULO, na
isang lingkod ni Jesus Kristo, na tinawag na maging isang apostol, inihiwalay ukol
sa mabuting-balita ng Diyos,
2 (Na
ipinangako niya nang una sa pamamagitan ng kanyang mga propeta sa mga banal na
kasulatan,)
3 Tungkol sa
Anak niyang si Jesus Kristo na Panginoon natin, na ginawa mula sa binhi ni David
ayon sa laman;
4 At isinaysay
na maging Anak ng Diyos na may kapangyarihan, ayon sa espiritu ng kabanalan, sa
pamamagitan ng pagkabuhay na muli mula sa mga patay:
5 Na sa
pamamagitan niya ay tumanggap kami ng biyaya at pagkaapostol, ukol sa pagtalima
sa pananampalataya sa gitna ng lahat ng bansa, dahil sa pangalan niya:
6 Na sa gitna
nila ay kayo rin naman na mga tinatawag ni Jesus Kristo:
7 Sa lahat ng
nasa Roma, mga minamahal ng Diyos, na tinatawag na maging mga banal: Ang biyaya
nawa ay sumainyo at ang kapayapaan mula sa Diyos na Ama natin, at Panginoong Jesus
Kristo.
8 Una, pinapasalamatan
ko ang aking Diyos sa pamamagitan ni Jesus Kristo dahil sa inyong lahat, na ang
pananampalataya ninyo ay pinag-uusapan sa bawa’t bahagi ng buong sanlibutan.
9 Pagkat saksi
ko ang Diyos, siya na pinaglilingkuran ko ng aking espiritu sa mabuting-balita
ng Anak niya, na walang tigil ay gumagawa ako ng pagbanggit sa inyo palagi sa
mga panalangin ko;
10 Na gumagawa
ng pakiusap, kung sa anumang paraan ngayon sa katagalan ay magkaroon ako ng
isang maunlad na paglalakbay sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos upang
makarating sa inyo.
11 Pagkat
nananabik akong makita kayo, upang maibahagi ko sa inyo ang ilang espirituwal
na kaloob, nang sa katapusan ay mapatatag kayo;
12 Iyon ay,
upang maaliw akong kasama ninyo sa pamamagitan ng nagkakaisang pananampalataya kapuwa
sa inyo at sa akin.
13 Ngayon ay
hindi ko nais na maging mangmang kayo, mga kapatid, na kalimitan ay naglayon
akong pumariyan sa inyo, (ngunit nahadlangan hanggang ngayon,) upang magkaroon ako
ng ilang bunga sa gitna rin naman ninyo, maging gaya ng sa gitna ng ibang mga
Hentil.
14 May-utang ako
kapuwa sa mga Griyego, at sa mga Barbaro; kapuwa sa marurunong, at sa
di-marurunong.
15 Sa gayon,
gaya ng lubhang nasa akin, ay nakahanda akong mangaral ng mabuting-balita sa
inyo ring nasa Roma.
16 Pagkat hindi
ko ikinahihiya ang mabuting-balita ni Kristo: pagkat ito ang kapangyarihan ng
Diyos sa ikaliligtas sa bawa’t isang nananalig; una ay sa Judeo, at sa Griyego
din naman.
17 Pagkat doon
ang katuwiran ng Diyos ay ibinubunyag mula sa pananampalataya hanggang sa
pananampalataya: gaya ng nasusulat, Ang ganap ay mabubuhay sa pananampalataya.
18 Pagkat ang
pagkapoot ng Diyos ay ibinubunyag mula sa langit laban sa buong di-pagkamakadiyos
at kalikuan ng mga tao, na hinahawakan ang katotohanan sa kalikuan;
19 Dahil ang
maaaring malaman tungkol sa Diyos ay lantad sa kanila; kasi ipinakita na ito ng
Diyos sa kanila.
20 Pagkat ang
mga di-nakikitang bagay niya mula sa paglalang ng sanlibutan ay malinaw na
nakikita, na inuunawa sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa, maging ang kanyang
walang-hanggang kapangyarihan at pagka-Diyos; anupa’t wala silang maidadahilan:
21 Dahil sa,
nang nakilala nila ang Diyos, ay hindi nila siya niluwalhating gaya ng Diyos,
ni naging mapagpasalamat; kundi naging walang-kabuluhan sa mga guni-guni nila,
at ang hangal nilang puso ay pinagdilim.
22 Sa pagpapahayag
ng kanilang sarili na marurunong, ay naging mga hangal sila,
23 At pinalitan
ang kaluwalhatian ng di-nasisirang Diyos ng isang larawan na ginawang katulad
ng nasisirang tao, at ng mga ibon, at mga hayop na may apat na paa, at mga
bagay na gumagapang.
24 Kaya nga isinuko
rin naman sila ng Diyos sa karumihan sa pamamagitan ng mga pita ng sarili nilang
mga puso, upang gawing walang-karangalan ang sarili nilang mga katawan sa
pagitan ng kanilang sarili:
25 Na kanilang pinalitan
ang katotohanan ng Diyos ng isang kasinungalingan, at sumamba at naglingkod sa
nilalang nang higit kaysa sa Lumalang, na siyang pinagpapala magpakailan man.
Amen.
26 Sa dahilang
ito ay isinuko sila ng Diyos sa mga abang pag-ibig: kasi maging ang mga babae nila
ay pinalitan ang likas na kagamitan ng kung alin ang laban sa kalikasan:
27 At sa
katulad na paraan din naman ang mga lalaki, na iniiwan ang likas na kagamitan
sa babae, ay nag-alab sa kanilang pita tungo sa isa’t isa; ang mga lalaki
kasama ng mga lalaki na gumagawa ng kung alin ang masagwa, at tinatanggap sa
kanilang sarili ang kabayaran ng pagkakaligaw nila na ito ay nararapat.
28 At maging
gaya ng hindi nila minabuting panatilihin ang Diyos sa kanilang kaalaman, ay
ibinigay sila ng Diyos sa isang itinakuwil na pag-iisip, upang gawin ang mga
bagay na iyon na hindi naaangkop;
29 Na napupuno
ng buong kalikuan, pakikiapid, kabalakyutan, kasakiman, pagkamalisyoso; puno ng
pagka-inggit, pagpaslang, debate, panlilinlang, masamang hangarin; mga
mapagbulong,
30 Mga naninira
nang talikuran, mga namumuhi sa Diyos, mapanghamak, mapagmalaki, mayayabang,
mga mapagkatha ng masasamang bagay, di-matalimahin sa mga magulang,
31 Walang
pang-unawa, mga sumisira ng kasunduan, walang likas na pag-ibig, di-mapayapa,
di-maawain:
32 Na nalalaman
nila ang paghuhukom ng Diyos, na silang gumagawa ng mga ganoong bagay ay
karapat-dapat sa kamatayan, ay hindi lamang gumagawa ng gayon din, kundi may
kaluguran sa kanila na gumagawa ng mga iyon.
KABANATA 2
KUNG GAYON ay wala
kang maidadahilan, O tao, sino ka mang humuhukom: pagkat kung saan ka humuhukom
sa iba, ay hinahatulan mo ang iyong sarili; pagkat ikaw na humuhukom ay
gumagawa ng gayon ring mga bagay.
2 Ngunit nakatitiyak
tayo na ang paghuhukom ng Diyos ay ayon sa katotohanan laban sa kanilang
gumagawa ng mga ganoong bagay.
3 At iniisip mo
ba ito, O tao, na humuhukom sa kanilang gumagawa ng mga ganoong bagay, at gumagawa
ng gayon din, na makakawala ka sa paghuhukom ng Diyos?
4 O hinahamak mo
ba ang mga kayamanan ng kanyang kabutihan at pagtitiis at pagbabata; na hindi
nalalaman na ang kabutihan ng Diyos ay nag-aakay sa iyo sa pagsisisi?
5 Ngunit alinsunod
sa iyong katigasan at di-nagsisising puso ay iniipon mo sa iyong sarili ang
pagkapoot hanggang sa araw ng pagkapoot at pagbubunyag ng matuwid na paghuhukom
ng Diyos;
6 Na siyang gaganti
sa bawa’t tao ayon sa mga gawain niya:
7 Sa kanilang
sa pamamagitan ng matiyagang pagpapatuloy sa mabuting paggawa ay naghahanap ng
kaluwalhatian at karangalan at kawalang-kamatayan, ay ang buhay na walang-hanggan:
8 Ngunit sa
kanilang mahilig-makipagtalo, at hindi tumatalima sa katotohanan, kundi tumatalima
sa kalikuan, ay ang pagkagalit at pagkapoot,
9 Kagipitan at kahapisan, sa bawa’t
kaluluwa ng taong gumagawa ng masama, una ng Judeo, at ng Hentil rin naman;
10 Ngunit kaluwalhatian, karangalan,
at kapayapaan, sa bawa’t taong gumagawa ng mabuti, una sa Judeo, at sa Hentil
rin naman:
11 Pagkat walang pagtatangi ng mga
tao sa Diyos.
12 Pagkat ang maraming nagkasala nang
walang batas ay mawawasak din naman nang walang batas: at ang maraming
nagkasalang nasa batas ay huhukuman ng batas;
13 (Pagkat hindi ang mga tagapakinig
ng batas ang ganap sa harapan ng Diyos, kundi ang mga nagsasagawa sa batas ang
aariing-ganap.
14 Pagkat kapag ang mga Hentil, na
walang batas, ay gumagawa sa kalikasan ng mga bagay na napapaloob sa batas, ang
mga ito, na hindi nagtataglay ng batas, ay isang batas sa kanilang sarili:
15 Na nagpapakita ng gawa ng batas
na nasusulat sa mga puso nila, ang budhi rin naman nila ay nakikisaksi, at ang
kanilang mga iniisip samantala ay nagpaparatang o kaya ay nagdadahilan sa isa’t
isa;)
16 Sa araw kung kailan huhukuman ng
Diyos ang mga lihim ng mga tao sa pamamagitan ni Jesus Kristo ayon sa
mabuting-balita ko.
17 Masdan, ikaw ay tinatawag na
isang Judeo, at nasasalig sa batas, at gumagawa ng pagmamayabang mo sa Diyos,
18 At nalalaman ang kalooban niya,
at sinusubok ang mga bagay na mas magagaling, na inaaralan buhat sa batas;
19 At nagkakatiwala na ikaw mismo ay isang gabay ng mga bulag,
isang liwanag sa kanilang nasa dilim,
20 Isang tagapag-aral ng mga hangal,
isang guro ng mga sanggol, na may anyo ng kaalaman at ng katotohanan sa batas.
21 Ikaw kung gayon na nagtuturo sa
iba, hindi mo ba tinuturuan ang iyong sarili? ikaw na nangangaral na huwag
magnakaw ang isang tao, nagnanakaw ka ba?
22 Ikaw na nagsasabing ang isang tao
ay huwag mangalunya, nangangalunya ka ba? ikaw na nasusuklam sa mga
diyusdiyosan, gumagawa ka ba ng sakrilehiyo?
23 Ikaw na gumagawa ng pagmamayabang
mo sa batas, sa pamamagitan ng pagsuway sa batas ay niwawalang-karangalan mo ba
ang Diyos?
24 Pagkat ang pangalan ng Diyos ay nilalapastangan
sa gitna ng mga Hentil sa pamamagitan ninyo, gaya ng nasusulat.
25 Pagkat sa katotohanan ang
pagtutuli ay may pakinabang, kung iingatan mo ang batas: ngunit kung isa kang
sumusuway sa batas, ang pagtutuli mo ay ginagawang di-pagtutuli.
26 Kung gayon kung ang di-pagtutuli
ay mag-ingat sa katuwiran ng batas, hindi ba ibibilang na pagtutuli ang kanyang
di-pagtutuli?
27 At di ba ang di-pagtutuli na ito na
sa kalikasan, kung ganapin nito ang batas, ang huhukom sa iyo, na sa
pamamagitan ng titik at pagtutuli ay lumalabag sa batas?
28 Pagkat hindi siya isang Judeo, na
siyang sa panlabas; ni iyong pagtutuli, na siyang panlabas sa laman:
29 Ngunit isa siyang Judeo, na
siyang sa panloob; at ang pagtutuli ay iyong mula sa puso, nasa espiritu, at wala
sa titik; na ang kapurihan niya ay hindi
mula sa mga tao, kundi sa Diyos.
KABANATA 3
ANONG kalamangan nga ba mayroon ang Judeo?
o ano bang pakinabang mayroon sa pagtutuli?
2 Marami sa bawa’t paraan: ang pangunahin,
dahil sa kanila ay ipinagkatiwala ang mga aral ng Diyos.
3 Pagkat ano nga ba kung hindi nanalig
ang ilan? ang di-pananalig ba nila ang gagawa sa pananampalataya ng Diyos na
walang bisa?
4 Ipagbawal nawa ng Diyos: oo,
hayaang ang Diyos ay maging totoo, ngunit ang bawa’t tao ay isang sinungaling;
gaya ng nasusulat, Upang maaring-ganap ka sa mga kasabihan mo, at manaig kapag
hinukuman ka.
5 Ngunit kung ang kalikuan natin ay
magpakita ng katuwiran ng Diyos, ano ba ang sasabihin natin? Ang Diyos ba ay liko
na naghihiganti? (Nagsasalita akong gaya ng isang tao)
6 Ipagbawal nawa ng Diyos: pagkat
paano nga bang huhukuman ng Diyos ang sanlibutan?
7 Pagkat kung ang katotohanan ng
Diyos ay higit na sumagana sa pamamagitan ng kasinungalingan ko sa
ikaluluwalhati niya; bakit pa ba ako hinuhukumang gaya ng isang makasalanan?
8 At hindi bagkus, (na gaya ng kami
ay may paninirang-puring iniuulat, at gaya ng pinaninindigan ng ilan na
sinasabi namin,) Gumawa tayo ng masama, upang dumating ang mabuti? na ang pagkasumpa
nila ay makatarungan.
9 Ano nga ba?
mas mabuti ba tayo kaysa sa kanila? Hindi, sa anumang paraan: pagkat napatunayan
na namin noong una kapuwa ang mga Judeo at ang mga Hentil, na silang lahat ay
nasa ilalim ng kasalanan;
10 Gaya ng nasusulat, Walang
matuwid, wala, kahit isa:
11 Walang nakakaunawa, walang naghahanap
sa Diyos.
12 Silang lahat ay nalilihis ng
landas, sila ay sama-samang naging di-kapakipakinabang; walang gumagawa ng
mabuti, wala, kahit isa.
13 Ang lalamunan nila ay isang bukas
na libingan; sa pamamagitan ng mga dila nila ay gumamit sila ng panlilinlang;
ang lason ng mga ulupong ay nasa ilalim ng mga labi nila:
14 Na ang bibig nila ay puno ng
pagsumpa at kapaitan:
15 Ang mga paa nila ay matutulin sa
pagbububo ng dugo:
16 Pagkapuksa
at paghihirap ay nasa mga landas nila:
17 At ang daan ng kapayapaan ay
hindi nila nakilala:
18 Walang
pagkatakot sa Diyos sa harapan ng mga mata nila.
19 Ngayon ay
nalalaman natin na anumang mga bagay na sinasabi ng batas, ay sinasabi nito sa
kanilang nasa ilalim ng batas: upang mapatikom ang bawa’t bibig, at ang buong sanlibutan
ay maging may-sala sa harapan ng Diyos.
20 Kung gayon
sa pamamagitan ng mga gawain ng batas ay walang lamang aariing-ganap sa
paningin niya: pagkat sa pamamagitan ng batas ay ang kaalaman ng kasalanan.
21 Ngunit
ngayon ang katuwiran ng Diyos na hiwalay sa batas ay inilalantad, na sinasaksihan
ng batas at mga propeta;
22 Samakatuwid
ay ang katuwiran ng Diyos na ito ay sa pamamagitan ng pananampalataya ni Jesus
Kristo patungo sa lahat at sa ibabaw ng lahat nilang nananalig: pagkat walang kaibahan:
23 Pagkat ang lahat ay nagkasala, at
hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos;
24 Na inaaring-ganap nang walang-bayad
ng kanyang biyaya sa pamamagitan ng
katubusang nakay Kristo Jesus:
25 Na siyang inilagay ng Diyos na
maging isang pampalubag-loob sa pamamagitan ng pananampalalataya sa kanyang dugo,
upang isaysay ang katuwiran niya patungkol sa pagkakalag mula sa mga kasalanang
nakalipas, sa pamamagitan ng pagtitiis ng Diyos;
26 Upang isaysay, sinasabi ko, sa
panahong ito ang katuwiran niya: nang siya ay maging ganap, at taga aring-ganap
sa kanyang nananalig kay Jesus.
27 Nasaan nga
ba ang pagmamayabang? Ito ay di-isinama. Sa pamamagitan ba ng anong batas? ng
mga gawa ba? Hindi: kundi sa pamamagitan ng batas ng pananampalataya.
28 Kung gayon
ay ipinapasya namin na ang isang tao ay inaaring-ganap sa pamamagitan ng
pananampalataya na hiwalay sa mga gawain ng batas.
29 Siya ba ay
Diyos lamang ng mga Judeo? hindi ba siya ay ng mga Hentil din naman? Oo, ng mga
Hentil din naman:
30 Na
nakikitang ito ay ang iisang Diyos, na aariing-ganap ang pagtutuli ng
pananampalataya, at ang di-pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya.
31 Pinawawalang-saysay
nga ba natin ang batas sa pamamagitan ng pananampalataya? Ipagbawal nawa ng
Diyos: oo, pinatatatag natin ang batas.
ANO nga ba ang
sasabihin natin na natagpuan ng ama nating si Abraham, patungkol sa laman?
2 Pagkat kung
si Abraham ay inaring-ganap ng mga gawa, ay mayroon siya ritong ipagmamapuri; ngunit
hindi sa harapan ng Diyos.
3 Pagkat ano ba
ang sinasabi ng kasulatan? Si Abraham ay nanalig sa Diyos, at ibinilang ito sa kanya
na katuwiran.
4 Ngayon sa
kanya na gumagawa ang gantimpala ay hindi itinuturing na sa biyaya, kundi sa
utang.
5 Ngunit sa
kanya na hindi gumagawa, ngunit nananalig sa kanya na umaaring-ganap sa
di-makadiyos, ang pananampalataya niya ay ibinibilang na katuwiran.
6 Maging gaya rin
naman ni David na isinasalarawan ang pagkamapalad ng taong, sa kanya ay
ibinibilang ng Diyos ang katuwiran na hiwalay sa mga gawa,
7 Na nagsasabing,
Mapapalad silang ang mga
kawalang-katarungan nila ay pinatatawad, at ang mga kasalanan nila ay
tinatakpan.
8 Mapalad ang taong
hindi pagbibintangan ng Diyos ng kasalanan.
9 Dumarating nga
ba ang pagkamapalad na ito sa pagtutuli lamang, o sa di-pagtutuli rin naman? pagkat
sinasabi natin na ang pananampalataya ay itinuring kay Abraham na katuwiran.
10 Paano nga ba
ito itinuring? noong siya ba ay nasa pagtutuli, o nasa di-pagtutuli? Hindi sa
pagtutuli, kundi sa di-pagtutuli.
11 At tinanggap
niya ang tanda ng pagtutuli, na isang tatak ng katuwiran ng pananampalatayang tinaglay
na niya samantalang di pa tuli: upang maging ama siya ng lahat nilang nananalig,
kahit di sila mga tuli; upang ang katuwiran ay maibilang din naman sa kanila:
12 At ama ng
pagtutuli sa kanila na hindi sa pagtutuli lamang, kundi lumalakad rin naman sa
mga hakbang ng pananampalatayang iyon ng ama nating si Abraham, na tinaglay na niya samantalang di pa tuli.
13 Pagkat ang
pangako, na siya ay magiging tagapagmana ng sanlibutan, ay hindi kay Abraham, o
sa binhi niya, sa pamamagitan ng batas, kundi sa pamamagitan ng katuwiran ng
pananampalataya.
14 Pagkat kung
silang nasa batas ay maging mga tagapagmana, ang pananampalataya ay pinawalang-saysay,
at ang pangako ay pinawalang bisa:
15 Dahil ang
batas ay nagsasagawa ng pagkapoot: kasi kung saan walang batas, ay walang paglabag.
16 Kung gayon
ito ay mula sa pananampalataya, upang ito ay maging sa pamamagitan ng biyaya; nang
sa katapusan ang pangako ay maging tiyak sa buong binhi; hindi lamang doon sa mga
nasa batas, kundi doon din naman sa mga nasa
pananampalataya ni Abraham; na siyang ama
nating lahat,
17 (Gaya ng
nasusulat, Ginawa na kitang isang ama ng maraming bansa,) sa harapan niyang pinanaligan
niya, samakatuwid ay ang Diyos, na siyang bumubuhay sa mga patay, at tumatawag
sa mga bagay na iyon na hindi pa umiiral
na waring umiral na.
18 Na laban sa
pag-asa ay nanalig sa pag-asa, upang siya ay maging ama ng maraming bansa; ayon
doon sa sinalita, Magiging gayon ang binhi mo.
19 At sa hindi
niya panghihina sa pananampalataya, ay hindi niya isinaalang-alang ang sarili
niyang katawan na ngayon ay patay na, noong siya ay halos sandaang taong gulang
na, ni maging ang pagiging-patay ng sinapupunan ni Sara:
20 Hindi siya nagpagiray-giray
sa pangako ng Diyos sa pamamagitan ng di-pananalig; kundi nagpakalakas sa
pananampalataya, na nagbibigay kaluwalhatian sa Diyos;
21 At lubos na
naniniwalang, kung ano ang ipinangako niya, ay kaya rin naman niyang isagawa.
22 At kung gayon ay ibinilang ito sa
kanya na katuwiran.
23 Ngayon hindi ito isinulat
alang-alang sa kanya lamang, na ibinilang ito sa kanya;
24 Kundi dahil sa atin din naman, na
kung kanino ay ibibilang ito, kung manalig tayo sa kanyang nagbangon kay Jesus
na Panginoon natin mula sa mga patay;
25 Na siyang ibinigay dahil sa mga pagsuway
natin, at ibinangong muli patungkol sa ikaaaring-ganap natin.
No comments:
Post a Comment