2 Korinto Kabanata 5, 6, 7 at 8

KABANATA 5
PAGKAT nalalaman namin na kung ang makalupang bahay namin ng tabernakulong ito ay matunaw, ay may isang gusali kami mula sa Diyos, isang bahay na hindi gawa ng mga kamay, na walang-hanggan sa mga langit. 
2 Pagkat dito ay dumadaing kami, na naghahangad ng maalab na madamitan ng bahay namin na ito ay nagmumula sa langit:
3 Kung sa gayon dahil sa nadadamitan ay hindi kami matatagpuang hubad.
4 Pagkat kaming nasa tabernakulong ito ay dumadaing, samantalang nabibigatan: hindi dahil sa ibig naming di-madamitan, kundi madamitan, upang ang pagkamay-kamatayan ay malunok ng buhay.
5 Ngayon siya na nakagawa sa amin patungkol sa ganito ring bagay ay ang Diyos, na siya rin namang nagbigay sa amin ng paunang-bayad ng Espiritu.
6 Kung gayon ay palagi kaming may-pagkakatiwala, na nalalamang, habang kami ay nasa tahanan sa katawan, kami ay wala-sa-harapan ng Panginoon:
7 (Pagkat lumalakad kami sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi sa pamamagitan ng paningin:)
8 Kami ay nagkakatiwala, sinasabi ko, at umiibig bagkus na mawala sa harapan sa katawan, at maparoon sa harapang kasama ng Panginoon.
9 Kaya nga nagpapagal kami, upang, maging nasa harapan o wala man sa harapan, ay maging katanggap-tanggap kami sa kanya.
10 Pagkat tayong lahat ay dapat magpakita sa harapan ng upuan ng hukuman ni Kristo; upang ang bawa’t isa ay makatanggap ng mga bagay na ginawa sa katawan niya, ayon doon sa ginawa niya, maging ito man ay mabuti o masama.
11 Kung gayon na nalalaman ang kilabot ng Panginoon, ay hinihikayat namin ang mga tao; ngunit kami ay nailalantad sa Diyos; at nagtitiwala rin ako na nalalantad sa mga budhi ninyo.
12 Pagkat hindi namin pinupuri ang aming sarili muli sa inyo, kundi binibigyan kayo ng kadahilanan upang magmapuri sa aming kapakanan, upang magkaroon kayo ng kaunting maisasagot sa kanilang nagmamapuri sa hitsura, at hindi sa puso.
13 Pagkat kung mawala man kami sa aming sarili, ito ay sa Diyos: o kung huminahon man kami, ito sa dahilan ninyo. 
14 Pagkat ang pagmamahal ni Kristo ay pumipilit sa amin; dahil humuhukom kami ng ganito, na kung ang isa ay namatay dahil sa lahat, ang lahat nga ay patay na:
15 At siya ay namatay dahil sa lahat, upang silang nabubuhay ay hindi na mula ngayon mabuhay pa dahil sa kanilang sarili, kundi dahil sa kanyang namatay dahil sa kanila, at muling nabuhay.
16 Kaya nga mula ngayon ay hindi na namin nakikilala ang sinumang tao alinsunod sa laman: oo, kahit nakilala na namin si Kristo alinsunod sa laman, gayunman ngayon mula ngayon ay hindi na namin siya nakikilala.  
17 Kung gayon kung ang sinumang tao ay nakay Kristo, siya ay isang bagong nilalang: ang mga lumang bagay ay lumilipas; masdan, ang lahat ng bagay ay nagiging bago.
18 At ang lahat ng bagay ay mula sa Diyos, na ipinagkasundo na tayo sa kanyang sarili sa pamamagitan ni Jesus Kristo, at ibinigay na sa amin ang ministeryo ng pagkakasundo; 
19 Sa katunayan, na ang Diyos ay nakay Kristo, na ipinagkakasundo  ang sanlibutan sa kanyang sarili, na hindi ibinibilang sa kanila ang mga pagsalansang nila; at ipinagkatiwala na sa amin ang salita ng pagkakasundo.
20 Ngayon nga kami ay mga embahador dahil kay Kristo, na waring ang Diyos ay namanhik sa inyo sa pamamagitan namin: sumasamo kami sa inyo sa paghalili kay Kristo, na kayo ay makipagkasundo sa Diyos.
21 Pagkat ginawa niya siyang maging kasalanan dahil sa atin, siyang walang nakikilalang kasalanan; upang maging katuwiran tayo ng Diyos sa kanya.

KABANATA 6
KAMI nga, gaya ng mga manggagawang sama-sama na kasama niya, ay namamanhik sa inyo rin naman na huwag ninyong tanggapin ang biyaya ng Diyos sa kawalang-kabuluhan.
2 (Pagkat sinasabi niya, Narinig na kita sa isang panahong katanggap-tanggap, at sa araw ng kaligtasan ay sinaklolohan na kita: masdan, ngayon ang katanggap-tanggap na panahon; masdan; ngayon ang araw ng kaligtasan.)
3 Na hindi nagbibigay ng katitisuran sa anumang bagay, upang hindi masisi ang ministeryo:
4 Kundi sa lahat ng bagay ay pinatutunayan ang sarili namin gaya ng mga ministro  ng Diyos, sa labis na pagtitiyaga, sa mga paghihirap, sa mga pangangailangan, sa mga kahapisan,
5 Sa mga hagupit, sa mga pagkabilanggo, sa mga kaguluhan, sa mga pagpapagal, sa mga pagbabantay, sa mga pag-aayuno;
6 Sa pamamagitan ng pagiging-dalisay, sa pamamagitan ng kaalaman, sa pamamagitan ng pagbabata, sa pamamagitan ng kabaitan, sa pamamagitan ng Banal na Diwa, sa pamamagitan ng pagmamahal na di-pakunwari,
7 Sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, sa pamamagitan ng baluti ng katuwiran sa kanang kamay at sa kaliwa,
8 Sa pamamagitan ng karangalan at kawalang-karangalan, sa pamamagitan ng masamang ulat at mabuting ulat: gaya ng mga manlilinlang, at gayunman ay totoo;
9 Gaya ng mga di-kilala, at gayunman ay mga kilalang mabuti; gaya ng mga namamatay, at, masdan, nabubuhay kami; gaya ng mga pinapalo, at hindi pinapatay;
10 Gaya ng mga nalulumbay, gayunman ay nagagalak nang tuluy-tuloy; gaya ng mga dukha, gayunman ay nagpapayaman sa marami; gaya ng walang anuman, at gayunman ay nagmamay-ari ng lahat ng bagay.
11 O kayong mga taga-Korinto, ang bibig namin ay bukas dahil sa inyo, ang puso namin ay lumalaki.
12 Hindi kayo nagigipit sa amin, kundi kayo ay nagigipit sa sarili ninyong mga kaloob-looban.
13 Ngayon patungkol sa isang kabayaran sa gayon din, (nagsasalita akong gaya sa mga anak ko,) kayo rin naman ay lumaki.
14 Huwag kayong makipamatok nang di-pantay na kasama ng mga di-nananalig: pagkat ano bang pakikisama mayroon ang katuwiran sa kalikuan? at ano bang pakikipag-isa mayroon ang liwanag sa dilim?  
15 At ano bang pakikipagkaunawaan mayroon si Kristo kay Belyal? o ano bang bahagi mayroon siya na nananalig sa isang di-mananampalataya?
16 At ano bang pakikipagkasundo mayroon ang templo ng Diyos sa mga diyusdiyosan? pagkat kayo ang templo ng buhay na Diyos; gaya ng sinabi ng Diyos, Mananahan ako sa kanila, at lalakad sa kanila; at magiging Diyos nila ako, at magiging bayan ko sila.
17 Kaya nga lumabas kayo mula sa gitna nila, at humiwalay kayo, sabi ng Panginoon, at huwag humipo sa maruming bagay; at tatanggapin ko kayo,
18 At magiging isang Ama sa inyo, at magiging mga lalaking-anak at mga babaeng-anak ko kayo, sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.

KABANATA 7
TAGLAY kung gayon ang mga pangakong ito, mga pinakamamahal, linisin natin ang sarili natin mula sa buong karumihan ng laman at espiritu, na pinapasakdal ang kabanalan sa pagkatakot sa Diyos.  
2 Tanggapin kami; wala kaming pininsalang tao, wala kaming pinasamang tao, wala kaming dinayang tao.
3 Hindi ako nagsasalita nito upang hatulan kayo: pagkat gaya ng sinabi ko na noong una, na kayo ay nasa mga puso namin nang mamatay at mabuhay na kasama ninyo.
4 Malaki ang katapangan ko ng pananalita tungo sa inyo, malaki ang pagmamapuri ko tungkol sa inyo: napupuno ako ng kaaliwan, labis akong nagagalak sa buo naming kagipitan.  
5 Pagkat, nang dumating kami sa Masedonya, ang laman namin ay walang kapahingahan, kundi kami ay pinahirapan sa bawa’t panig; sa labas ay mga paglalaban, sa loob ay mga pagkatakot.
6 Gayon pa man ang Diyos, na umaaliw doon sa mga nalulugmok, ay umaliw sa amin sa pamamagitan ng pagdating ni Titus;
7 At hindi lamang sa pamamagitan ng pagdating niya, kundi sa pamamagitan ng kagiliwan na ikinaaliw niya sa inyo, nang sinabi niya sa amin ang maalab ninyong  paghahangad, ang pagdadalamhati ninyo, ang taimtim ninyong pag-iisip tungo sa akin; anupa’t lalo akong nagalak. 
8 Kahit na pinalumbay ko pa kayo sa isang sulat, ay hindi ako nagsisisi, kahit ako ay nagsisi: pagkat nahihiwatigan kong ang gayon ring sulat ang nagpalumbay sa inyo, kahit ito ay sa isang kapanahunan lamang.
9 Ngayon ay nagagalak ako, hindi dahil sa napalumbay kayo, kundi dahil sa nalumbay kayo sa ikapagsisisi: pagkat pinalumbay kayo alinsunod sa isang makadiyos na pamamaraan, upang wala kayong matanggap na pinsala sa pamamagitan namin.
10 Pagkat ang makadiyos na kalumbayan ay nagsasagawa ng pagsisisi sa ikaliligtas na hindi mapagsisisihan: ngunit ang kalumbayan ng sanlibutan ay nagsasagawa ng kamatayan.
11 Pagkat masdan ang gayon ding bagay, na ikinalumbay ninyo alinsunod sa isang makadiyos na uri, kung gaanong pagmamalasakit ang ginawa nito sa inyo, oo, kung gaanong pagpapawalang-sala sa inyong sarili, oo, kung gaanong pagkagalit, oo, kung gaanong pagkatakot, oo, kung gaanong marubdob na paghahangad, oo, kung gaanong sigasig, oo, kung gaanong paghihiganti! Sa lahat ng bagay ay nasubok na ninyo ang inyong sarili na walang-sala sa bagay na ito.
12 Kaya nga, kahit sumulat ako sa inyo, hindi ko ito ginawa  dahil sa dahilan niya na gumawa ng kamalian, ni dahil sa dahilan niya na nagtiis ng kamalian, kundi upang ang pagmamalasakit namin patungkol sa inyo sa paningin ng Diyos ay maipakita sa inyo.
13 Kung gayon ay naaliw kami sa kaaliwan ninyo: oo, at lalo kaming nagalak nang lumalabis dahil sa kagalakan ni Titus, dahil ang espiritu niya ay pinaginhawa ninyong lahat.
14 Pagkat kung nagmayabang man ako ng anumang bagay sa kanya tungkol sa inyo, ay hindi ako nahihiya; ngunit gaya ng sinalita namin ang lahat ng bagay sa inyo sa katotohanan, maging sa gayon din ang pagmamayabang namin, na ginawa ko sa harap ni Titus, ay natatagpuang isang katotohanan.
15 At ang panloob niyang pag-ibig ay mas masagana tungo sa inyo, habang naaalala niya ang pagtalima ninyong lahat, kung paanong tinanggap ninyo siya na may pagkatakot at panginginig.
16 Nagagalak ako kung gayon na may pagkakatiwala ako sa inyo sa lahat ng bagay.


KABANATA 8

BUKOD DITO, mga kapatid, ipinababatid namin sa inyo ang tungkol sa biyaya ng Diyos na ipinagkaloob sa mga simbahan ng Masedonya;
2 Kung paanong sa isang malaking pagsubok ng paghihirap ang kasaganaan ng kagalakan nila at ang malalim nilang karukhaan ay sumagana sa mga kayamanan ng kabutihang-loob nila.
3 Pagkat sa kapangyarihan nila, ay sumasaksi ako, oo, at lampas pa sa kapangyarihan nila ay inibig nila sa kanilang sarili;
4 Na sumasamo sa amin na may labis na pagsusumamo na tanggapin namin ang kaloob, at dalhin namin ang pakikisama ng pagmiministeryo sa mga banal.
5 At ginawa nila ito, hindi gaya ng inasahan namin, kundi ibinigay muna nila ang sarili nila sa Panginoon, at sa amin sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos. 
6 Anupa’t hinangad namin si Titus, na gaya ng sinimulan na niya, sa gayon ay tapusin rin naman niya sa inyo ang  gayong biyaya  rin naman.
7 Kung gayon, kung paanong sumasagana kayo sa lahat ng bagay, sa pananampalataya, at pagbigkas, kaalaman, at sa buong pagsisikap, at sa pagmamahal ninyo sa amin, tiyaking sumagana rin naman kayo sa biyayang ito.
8 Nagsasalita ako hindi sa pamamagitan ng kautusan, kundi sa pamamagitan ng kadahilanan  ng kasipagan ng mga iba, at nang mapatunayan ang katapatan ng pagmamahal ninyo.
9 Pagkat nalalaman ninyo ang biyaya ng ating Panginoong Jesus Kristo, na, kahit mayaman siya, gayunman alang-alang sa inyo ay naging dukha siya, upang sa pamamagitan ng karukhaan niya ay yumaman kayo.
10 At dito ay ibinibigay ko ang payo ko: pagkat naaangkop ito patungkol sa inyo, na nagsimula na noong una, hindi lamang upang gawin, kundi magsumipag rin naman noong isang taon.
11 Ngayon kung gayon ay isagawa ang paggawa nito; na kung paanong may isang kahandaan upang mag-ibig, sa gayon ay magkaroon ng isang pagsasagawa rin naman buhat doon sa kung anong mayroon kayo.
12 Pagkat kung mayroon munang isang pag-iisip na kusang-loob, ito ay katanggap-tanggap ayon sa kung anong mayroon ang isang tao, at hindi ayon sa kung anong wala siya.
13 Pagkat hindi ko ibig sabihin na magaanan ang ibang mga tao, at kayo ay mabigatan:  
14 Kundi sa pamamagitan ng isang pagkakapantay-pantay, upang ngayon sa panahong ito ang kasaganaan ninyo ay maging isang panustos ukol sa kakapusan nila, upang ang kasaganaan nila ay maging isang panustos ukol sa kakapusan ninyo: upang magkaroon ng pagkakapantay-pantay:
15 Gaya ng nasusulat, Siya na nagtipon ng labis ay walang anumang sumobra; at siya na nagtipon ng kaunti ay hindi kinulang.
16 Ngunit salamat sa Diyos, na naglagay ng gayon ring maalab na pagmamalasakit sa puso ni Titus dahil sa inyo.
17 Pagkat talagang tinanggap niya ang pagtatagubilin; ngunit bilang mas masipag, sa sarili niyang pagkukusa ay pumaroon siya sa inyo.
18 At sinugo naming kasama niya ang kapatid, na ang kapurihan ay nasa mabuting-balita sa bawa’t bahagi ng lahat ng simbahan;
19 At hindi lamang iyon, kundi siya rin namang pinili ng mga simbahan upang maglakbay kasama namin na taglay ang biyayang ito, na pinamamahalaan namin sa ikaluluwalhati ng gayon ring Panginoon, at pagsasaysay ng nakahanda ninyong pag-iisip:
20 Na iniiwasan ito, upang walang taong manisi sa amin sa kasaganaang ito na pinamamahalaan namin:
21 Na naglalaang ukol sa mga tapat na bagay, hindi lamang sa paningin ng Panginoon, kundi sa paningin din naman ng mga tao.
22 At isinugo naming kasama nila ang kapatid namin, na kalimitang napatunayan namin na masikap sa maraming bagay, ngunit ngayon ay higit na mas masikap, sa ibabaw ng malaking pagkakatiwala na mayroon ako sa inyo.
23 Kung may sinumang nag-uusisa tungkol kay Titus, siya ay aking katoto at kasamang-katulong tungkol sa inyo: o kung usisain ang mga kapatid namin, sila ang mga sugo ng mga simbahan, at ang kaluwalhatian ni Kristo. 

24 Kaya nga ipakita ninyo sa kanila, at sa harapan ng mga simbahan, ang katunayan ng pagmamahal ninyo, at ng pagmamayabang namin sa inyong kapakanan. 

No comments:

Post a Comment