Filipos Kabanata 3 at 4

KABANATA 3
SA WAKAS, mga kapatid, magalak sa Panginoon. Ang magsulat ng mga gayon ring bagay sa inyo, sa akin talaga ay hindi nakakapighati, kundi ito ay matiwasay patungkol sa inyo.
2 Mag-ingat sa mga aso, mag-ingat sa masasamang manggagawa, mag-ingat sa mga pagpupungos.
3 Pagkat tayo ang pagtutuli, na sumasamba sa Diyos sa espiritu, at nagagalak kay Kristo Jesus, at walang pagkakatiwala sa laman.
4 Kahit maaari din naman akong magkaroon ng pagkakatiwala sa laman. Kung nag-iisip ang sinumang ibang tao na mayroon siya ng maaaring pagtiwalaan sa laman, ay lalo ako:
5 Na tinuli sa ikawalong araw, mula sa lahi ni Israel, mula sa angkan ni Benjamin, isang Hebreo mula sa mga Hebreo; patungkol sa batas, ay isang Pariseo;
6 Tungkol sa sigasig, ay nag-uusig sa simbahan; patungkol sa katuwiran na nasa batas, ay walang-kapintasan.
7 Ngunit kung anong mga bagay na kapakinabangan sa akin, ang mga iyon ay ibinilang kong kawalan dahil kay Kristo.
8 Oo walang alinlangan, at ibinibilang kong kawalan ang lahat ng bagay dahil sa kagalingan ng kaalaman ni Kristo Jesus na Panginoon ko: na dahil sa kanya ay tiniis ko ang kawalan ng lahat ng bagay, at ibinibilang silang dumi lamang, upang makamit ko si Kristo,
9 At matagpuan sa kanya, na hindi nagtataglay ng sarili kong katuwiran, na ito ay mula sa batas, kundi ang sa pamamagitan ng pananampalataya ni Kristo, ang katuwiran na ito ay mula sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya:
10 Upang makilala ko siya, at ang kapangyarihan ng pagkabuhay niyang muli, at ang pakikisama ng mga pagdurusa niya, na ginagawang natutulad sa kamatayan niya;
11 Kung sa anumang paraan ay makatamo ako patungo sa pagkabuhay na muli ng mga patay.
12 Hindi sa waring natamo ko na ito, o  sakdal na ako: kundi humahabol ako, upang makuha ko ang ikinakuha rin naman sa akin ni Kristo Jesus.
13 Mga kapatid, hindi ko ibinibilang ang sarili ko na nakuha ko na: ngunit ginagawa ko ang iisang bagay na ito, nililimot ang mga bagay na iyon na nasa likuran, at inaabot ang mga bagay na iyon na nasa harapan,
14 Nagtutumulin ako hanggang sa hangganan ukol sa ganting-pala ng mataas na pagkakatawag ng Diyos na nakay Kristo Jesus.
15 Tayo kung gayon, gaya ng maraming sakdal, ay mag-isip nang ganoon: at kung sa anumang bagay ay nagkakaiba kayo ng pag-iisip, ay ibubunyag ng Diyos maging ito sa inyo.
16 Gayon pa man, kung hanggang saan na ang natamo natin, ay lumakad tayo sa pamamagitan ng gayon ring patakaran, isipin natin ang gayon ring bagay.
17 Mga kapatid, maging magkakasamang mga tagasunod ko, at tandaan silang lumalakad nang gayon gaya ng pagkakaroon ninyo sa amin bilang isang uliran.
18 (Pagkat maraming lumalakad, na tungkol sa kanila ang malimit kong sabihin sa inyo, at ngayon nga ay sinasabi ko sa inyo maging nang lumuluha, na sila ang mga kaaway ng kurus ni Kristo:
19 Na ang katapusan nila ay pagkapuksa, na ang Diyos nila ay ang tiyan nila, at ang kaluwalhatian nila ay nasa kahihiyan nila, silang nag-iisip ng mga bagay na makalupa.)
20 Pagkat ang pamumuhay natin ay nasa langit; na galing doon din naman ay inaasam  natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesus Kristo:
21 Na siyang magbabago ng abang katawan natin, upang maanyuan itong katulad ng maluwalhati niyang katawan, ayon sa paggawa na sa pamamagitan nito ay kaya niya maging ang ipasuko ang lahat ng bagay sa kanyang sarili.

 KABANATA 4
KUNG GAYON, mga kapatid kong pinakamamahal at pinananabikan, kagalakan ko at putong, sa gayon ay tumayong matatag sa Panginoon, mga pinakamamahal ko.
2 Namamanhik ako kay Euodias, at namamanhik kay Sintike, na maging magkatulad sila ng pag-iisip sa Panginoon.
3 At sumasamo rin naman ako sa iyo, tunay na kasama-sa-pamatok, tulungan ang mga babaeng iyon na nagpagal na kasama ko sa mabuting-balita, kasama rin ni Klemente, at kasama rin ng iba pang mga kasamang-nagpapagal ko, na ang mga pangalan nila ay nasa aklat ng buhay.
4 Magalak sa Panginoon nang tuluy-tuloy: at muli kong sinasabi, Magalak.
5 Hayaang ang kayumian ninyo ay makilala ng lahat ng tao. Ang Panginoon ay malapit na.
6 Mabalisa kayo sa walang-anuman; kundi sa bawa’t bagay sa pamamagitan ng panalangin at paghiling na may pagpapasalamat ay hayaang ang mga pakiusap ninyo ay maipaalam sa Diyos.
7 At ang kapayapaan ng Diyos, na ito ay lumalampas sa buong pagkaunawa, ay mag-iingat sa inyong mga puso at mga pag-iisip sa pamamagitan ni Kristo Jesus.
8 Sa wakas, mga kapatid, anumang mga bagay ang totoo, anumang mga bagay ang tapat, anumang mga bagay ang makatarungan, anumang mga bagay ang dalisay, anumang mga bagay ang kaibig-ibig, anumang mga bagay ang may mabuting ulat; kung may anumang katangian, at kung may anumang kapurihan, ay isipin ninyo ang mga bagay na ito.
9 Ang mga bagay na iyon, na kapuwa ninyo natutuhan, at tinanggap, at narinig, at nakita sa akin, ay gawin: at ang Diyos ng kapayapaan ay makakasama ninyo.
10 Ngunit lubha akong nagalak sa Panginoon, na ngayon sa kahuli-hulihan ang pagmamalasakit ninyo sa akin ay namulaklak na muli; na kung saan kayo rin naman ay naging mapagmalasakit, ngunit nagkulang kayo ng pagkakataon.
11 Hindi sa nagsasalita ako ng tungkol  sa kakapusan: pagkat natutuhan ko, na sa anumang lagay ko, na kalakip niyon ay masiyahan na ako.
12 Nalalaman ko kapuwa kung paanong magpakababa, at nalalaman ko rin naman kung paanong sumagana: kahit saan at sa lahat ng bagay ay naaralan ako na kapuwa mabusog at magutom, kapuwa sumagana at magtiis ng kailangan.
13 Magagawa ko ang lahat ng bagay sa pamamagitan ni Kristo na siyang  nagpapalakas sa akin.
14 Sa kabila nito ay mabuti ang ginawa ninyo, na nakibahagi kayo sa paghihirap ko.
15 Ngayon kayong mga taga-Filipos ay nakakaalam rin naman, na sa pasimula ng mabuting-balita, noong umalis ako sa Masedonya, walang simbahang nakibahagi sa akin tungkol sa pagbibigay at pagtanggap, kundi kayo lamang.
16 Pagkat kahit sa Tesalonika ay nagpadala kayong minsan at muli sa pangangailangan ko.
17 Hindi dahil sa naghahangad ako ng isang kaloob: kundi naghahangad ako ng bunga na maaaring sumagana sa ganang inyo.
18 Ngunit mayroon ako ng lahat, at sumasagana: busog ako, na nakakatanggap mula kay Epafroditus ng mga bagay na ipinadalang galing sa inyo, na isang amoy ng mabangong samyo, na isang haing katanggap-tanggap, na lubhang nakalulugod sa Diyos.
19 Ngunit tutustusan ng aking Diyos ang buo ninyong kailangan ayon sa mga kayamanan niya sa kaluwalhatian sa pamamagitan ni Kristo Jesus.
20 Ngayon sa Diyos at Ama natin ay ang kaluwalhatian magpakailan at kailan man. Amen.
21 Pugayan ang bawa’t banal kay Kristo Jesus. Ang mga kapatid na kasama ko ay bumabati sa inyo.
22 Nagpupugay sa inyo ang lahat ng banal, pangunahin na silang mula sa sambahayan ni Sesar.
23 Ang biyaya ng ating Panginoong Jesus Kristo nawa ay makasama ninyong lahat. Amen.

Isinulat ni Paulo sa mga taga-Filipos mula sa Roma (kulungan ni Sesar) noong A.D. 59

No comments:

Post a Comment