Filipos Kabanata 1 at 2

MGA TAGA-FILIPOS


KABANATA 1

SI PAULO at si Timoteus, ang mga lingkod ni Jesus Kristo, sa lahat ng banal kay Kristo Jesus na mga nasa Filipos, kasama ng mga obispo[1] at mga diyakono[2]:
2 Ang biyaya nawa ay sumainyo, at ang kapayapaan, mula sa Diyos na Ama natin, at mula sa Panginoong Jesus Kristo.
3 Pinapasalamatan ko ang aking Diyos sa bawa’t pag-alaala ko sa inyo,
4 Palagi sa bawa’t panalangin ko patungkol sa inyong lahat na gumagawa ng pakiusap na may kagalakan,
5 Dahil sa pakikisama ninyo sa mabuting-balita mula pa nang unang araw hanggang ngayon;
6 Na nagkakatiwala sa mismong bagay na ito, na siyang nagsimula ng isang mabuting gawa sa inyo ay magsasagawa nito hanggang sa araw ni Jesus Kristo:
7 Maging gaya ng marapat na isipin ko ito tungkol sa inyong lahat, dahil taglay ko kayo sa puso ko; yamang kapuwa sa mga tanikala ko, at sa pagtatanggol at pagtitibay ng mabuting-balita, kayong lahat ay mga kabahagi ng biyaya ko.
8 Pagkat ang Diyos ang patotoo ko, kung gaanong kasidhi akong nananabik sa inyong lahat sa mga kaloob-looban ni Jesus Kristo.
9 At idinadalangin ko ito, na ang pagmamahal nawa ninyo ay sumagana nang higit at higit pa sa kaalaman at sa buong paghukom;
10 Upang masubok ninyo ang mga bagay na magagaling; nang maging tapat kayo at walang katitisuran hanggang sa araw ni Kristo;
11 Na napupuno ng mga bunga ng katuwiran, na ang mga ito ay sa pamamagitan ni Jesus Kristo, sa ikaluluwalhati at ikapupuri ng Diyos.
12 Ngunit nais kong maunawaan ninyo, mga kapatid, na ang mga bagay na nangyari sa akin ay humantong bagkus sa ikasusulong ng mabuting-balita;
13 Anupa’t ang mga tanikala ko kay Kristo ay lantad sa buong palasyo, at sa lahat ng ibang dako;
14 At marami sa mga kapatid sa Panginoon, na nagiging nagkakatiwala sa pamamagitan ng mga tanikala ko, ay higit na mas matapang na salitain ang salita nang walang pagkatakot.
15 Ang ilan ay talagang ipinangangaral si Kristo maging mula sa inggit at sigalutan; at ang ilan din naman ay mula sa mabuting kalooban:
16 Ang isa ay ipinangangaral si Kristo mula sa pagtatalo, nang hindi tapat, na nagpapalagay na magdaragdag ng paghihirap sa mga tanikala ko:
17 Ngunit ang iba naman ay mula sa pagmamahal, na nalalamang ako ay inilalagay ukol sa pagtatanggol ng mabuting-balita.
18 Ano nga ba? gayon pa man, sa bawa’t paraan, maging sa pagkukunwari, o sa katotohanan, si Kristo ay ipinapangaral; at doon ay nagagalak ako, oo, at magagalak.
19 Pagkat nalalaman kong ang kahihinatnan nito ay ang kaligtasan ko sa pamamagitan ng panalangin ninyo, at ng pagtutustos ng Espiritu ni Jesus Kristo.
20 Ayon sa maalab kong pag-asam at pag-asa ko, na sa anumang-bagay ay hindi ako mapapahiya, kundi  nang may buong katapangan, gaya ng palagi, sa gayon din naman ngayon si Kristo ay dadakilain sa katawan ko, maging ito man ay sa pamamagitan ng buhay, o sa pamamagitan ng kamatayan.
21 Pagkat sa akin ang mabuhay ay si Kristo, at ang mamatay ay kapakinabangan.
22 Ngunit kung nabubuhay ako sa laman, ito ang bunga ng pagpapagal ko: gayunman kung ano ang pipiliin ko ay aywan ko.
23 Pagkat naiipit ako sa pagitan ng dalawa, na nagtataglay ng isang paghahangad na umalis, at makasama si Kristo; na ito ay higit na mas mabuti:
24 Gayon pa man ang manatili sa laman ay higit na kinakailangan dahil sa inyo.
25 At taglay ang pagkakatiwalang ito, ay nalalaman ko na mananatili ako at magpapatuloy na kasama ninyong lahat patungkol sa ikasusulong ninyo at kagalakan ng pananampalataya;
26 Upang ang pagkagalak ninyo ay maging mas masagana kay Jesus Kristo dahil sa akin sa pamamagitan ng pagdating kong muli sa inyo.
27 Lamang ay hayaan ninyong ang pamumuhay ninyo ay maging gaya ng nababagay sa mabuting-balita ni Kristo: upang kung dumating man ako at makita kayo, o kaya ay wala man sa harapan, ay marinig ko ang mga bagay tungkol sa inyo, na tumatayo kayong matatag sa iisang espiritu, na may iisang pag-iisip na nagsisikap nang sama-sama ukol sa pananampalataya ng mabuting-balita;
28 At nasisindak sa walang-anuman ng mga katunggali ninyo: na ito sa kanila ay isang malinaw na palatandaan ng pagkawasak, ngunit sa inyo ay ng kaligtasan, at iyon ay mula sa Diyos.
29 Pagkat sa inyo ay ibinigay ito sa kapakanan ni Kristo, hindi lamang ang manalig sa kanya, kundi ang magtiis rin naman alang-alang sa kanya;
30 Na tinataglay ang gayon ring pakikipaglaban na nakita ninyo sa akin, at ngayon ay naririnig ninyong  nasa akin.

KABANATA 2
KUNG mayroon kung gayon na anumang kagiliwan kay Kristo, kung anumang kaaliwan ng pagmamahal, kung anumang pakikisama ng Espiritu, kung anumang mga kaloob-looban at mga kaawaan,
2 Ay ganapin ninyo ang kagalakan ko, na  kayo ay maging magkakatulad-sa-pag-iisip, na tinataglay ang gayon ring pagmamahal, na nagkakaisa, sa iisang pag-iisip.
3 Hayaang walang-anumang magawa sa pamamagitan ng sigalutan o walang-kabuluhang kaluwalhatian; kundi sa kababaan ng pag-iisip ay hayaan ang bawa’t isa na pahalagahan ang iba nang higit sa kanilang sarili.
4 Huwag tingnan ng bawa’t tao ang sarili niyang mga bagay, kundi ng bawa’t tao rin naman ang mga bagay ng mga iba.
5 Hayaang ang pag-iisip na ito ay mapasa-inyo, na napasa kay Kristo Jesus din naman:
6 Siya, na nasa anyo ng Diyos, ay hindi nag-isip na pag-aangkin ang maging kapantay ng Diyos:
7 Kundi ginawa niya ang kanyang sarili na walang dangal, at kinuha niya ang anyo ng isang lingkod, at ginawa sa wangis ng mga tao:
8 At siyang natatagpuan sa hugis gaya ng isang tao, ay ibinaba niya ang kanyang sarili, at naging matalimahin hanggang sa kamatayan, maging ang kamatayan ng kurus.
9 Kaya nga itinaas din naman siya ng Diyos nang napakataas, at binigyan siya ng isang pangalang nakahihigit sa bawa’t pangalan:
10 Upang sa pangalan ni Jesus ang bawa’t tuhod ay lumuhod, ng mga bagay sa langit, at mga bagay sa lupa, at mga bagay sa ilalim ng lupa;
11 At nang ang bawa’t dila ay magpahayag na si Jesus Kristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama.
12 Kaya nga, mga minamahal ko, kung paano kayong laging tumalima, hindi lamang sa harapan ko, kundi lalong higit ngayon sa pagkaliban ko, ay isagawa ang sarili ninyong kaligtasan na may pagkatakot at panginginig.
13 Pagkat ang Diyos ang gumagawa sa inyo kapuwa upang mag-ibig at upang gumawa ng mabuti niyang kaluguran.
14 Gawin ang lahat ng bagay na walang mga bulung-bulungan at mga  pangangatuwiranan:
15 Nang kayo ay maging mga walang-kapintasan at di-nakakapanakit, mga lalaking-anak ng Diyos, na walang dungis, sa gitna ng isang baluktot at tampalasang bansa, na sa gitna nila ay sumisikat kayong gaya ng mga ilaw sa sanlibutan;
16 Na pinanghahawakan ang salita ng buhay; upang magalak ako sa araw ni Kristo, na hindi ako tumakbo nang walang-kabuluhan, ni nagpagal nang walang-kabuluhan.
17 Oo, at kung ihandog ako sa hain at paglilingkod ng pananampalataya ninyo, ay nagagalak ako, at nakikigalak sa inyong lahat.
18 Pagkat sa gayon ring dahilan ay nagagalak kayo, at nakikigalak sa akin.
19 Ngunit nagtitiwala ako sa Panginoong Jesus na isugo si Timoteus sa inyo sa madaling panahon, nang ako rin naman ay maaliw nang mabuti, kapag nalaman ko ang lagay ninyo.
20 Pagkat walang taong katulad ko ang pag-iisip, na siyang likas na magmamalasakit sa lagay ninyo.
21 Pagkat ang lahat ay naghahanap ng ukol sa kanilang sarili, at hindi ng mga bagay na kay Jesus Kristo.
22 Ngunit nalalaman ninyo ang katunayan niya, na, gaya ng isang lalaking-anak sa kanyang ama, ay naglingkod siyang kasama ko sa mabuting-balita.
23 Siya kung gayon ang  inaasahan kong isugo sa inyo sa kasalukuyan, nang gayon kadali  pagkakita ko kung anong mangyayari sa akin.
24 Ngunit nagtitiwala ako sa Panginoon na ako rin mismo ay darating sa madaling panahon.
25 Gayunman ay ipinalagay kong kinakailangang isugo sa inyo si Epafroditus, na kapatid ko, at kasamahan sa pagpapagal, at kasamang-kawal, ngunit sugo ninyo, at siya na  nagministeryo sa mga kakapusan ko.
26 Pagkat nanabik siya sa inyong lahat, at napuno ng kabigatan, dahil sa narinig ninyong maysakit siya.
27 Pagkat talaga ngang nagkasakit siya na nabingit sa kamatayan: ngunit naawa ang Diyos sa kanya; at hindi lamang sa kanya, kundi sa akin din naman, baka magkaroon ako ng kalumbayan sa ibabaw ng kalumbayan.
28 Isinugo ko siya kung gayon nang mas maingat, upang, pagkakita ninyong muli sa kanya, ay magalak kayo, at nang hindi ako gaanong malumbay.
29 Tanggapin siya kung gayon sa Panginoon na may buong katuwaan; at ituring siyang may dangal;
30 Dahil dahil sa gawa ni Kristo ay nabingit siya sa kamatayan, na hindi inalintana ang buhay niya, upang tustusan ang kakulangan ninyo ng paglilingkod tungo sa akin.



[1] Bishops. Greek, episkopos. Overseers
[2] Deacons. Greek, diakonos. Servants 

No comments:

Post a Comment