1 Korinto Kabanata 5, 6, 7 at 8

KABANATA 5
ITO ay pangkaraniwang naiuulat na mayroong pakikiapid sa gitna ninyo, at ang ganoong pakikiapid ay hindi man gayong lubhang nababanggit sa gitna ng mga Hentil, na ang isa ay mag-aangkin sa asawa ng ama niya.  
2 At kayo ay nagpapalalo, at hindi bagkus nagdalamhati, upang siya na gumawa na ng gawaing ito ay maialis mula sa gitna ninyo.
3 Pagkat ako sa katotohanan, gaya ng wala-sa-harapan sa katawan, ngunit nasa harapan sa espiritu, ay nakahukom na, na waring ako ay nasa harapan ninyo, tungkol sa kanyang gumawa ng gawaing ito,
4 Sa pangalan ng ating Panginoong Jesus Kristo, kapag kayo ay sama-samang nagkakatipon, at ang espiritu ko, kasama ang kapangyarihan ng ating Panginoong Jesus Kristo,
5 Upang ibigay ang ganoon sa Satanas ukol sa ikapupuksa ng laman, upang ang espiritu ay maligtas sa araw ng Panginoong Jesus.
6 Ang pagmamapuri ninyo ay hindi mabuti. Hindi ba ninyo nalalaman na ang isang kaunting pampaalsa ay nagpapaalsa sa buong limpak?
7 Alisin kung gayon ang lumang pampaalsa, upang kayo ay maging isang bagong limpak, gaya ng kayo ay walang-pampaalsa. Pagkat maging si Kristo na pasko natin ay inihain dahil sa atin:
8 Kung gayon ipangilin natin ang pista, hindi nang may lumang pampaalsa, ni nang may pampaalsa ng malisya at kabalakyutan; kundi nang may tinapay na walang-pampaalsa ng katapatan at katotohanan.
9 Sumulat ako sa inyo sa isang sulat na huwag sumama sa mga mapakiapid:
10 Gayunman ay hindi sa kalahatan ng mga mapakiapid ng sanlibutang ito, o ng mga masasakim, o ng mga mapanghuthot, o ng mga mapagsamba sa diyusdiyosan; pagkat kung sa gayon ay kinakailangan ninyong lumabas mula sa sanlibutan.
11 Ngunit ngayon ay sumulat ako sa inyo na huwag kayong sumama sa samahan, kung ang sinumang taong tinatawag na isang lalaking-kapatid ay isang mapakiapid, o masakim, o isang mapagsamba sa diyusdiyosan, o isang mapang-alipusta, o isang manlalasing, o isang manghuhuthot; sa ganoon ay huwag man lang makisalo.
12 Pagkat ano ba ang magagawa ko upang hukuman din naman silang nasa labas? hindi ba ninyo hinuhukuman silang nasa loob?
13 Ngunit sa kanilang nasa labas ang Diyos ang humuhukom. Kung gayon ay alisin mula sa gitna ng inyong sarili ang balakyot na taong iyon.

 
KABANATA 6

NANGANGAHAS ba ang sinuman sa inyo, na mayroong isang bagay laban sa iba, na pumaroon sa hukuman sa harapan ng mga di-ganap, at hindi sa harapan ng mga banal?
2 Hindi ba ninyo nalalaman na huhukuman ng mga banal ang sanlibutan? at kung ang sanlibutan ay huhukuman ninyo, kayo ba ay di-karapatdapat na humukom sa maliliit na bagay?
3 Hindi ba ninyo nalalamang huhukuman natin ang mga anghel? gaano pa kaya ang mga bagay na nauukol sa buhay na ito?
4 Kung may mga paghukom nga kayo na nauukol sa buhay na ito, ay ilagay silang pinapahalagahan nang pinakamababa  sa simbahan upang humukom.
5 Nagsasalita ako sa kahihiyan ninyo. Gayon ba, na walang isang marunong na tao sa gitna ninyo? wala ba, kahit isa man lang na kakayaning humukom sa pagitan ng mga kapatid niya?
6 Kundi ang kapatid ay pumaparoon sa hukumang kasama ang kapatid, at iyon ay sa harapan ng mga di-nananalig.
7 Ngayon kung gayon ay may isang lubusang pagkukulang sa gitna ninyo, dahil pumaparoon kayo sa hukumang kasama ng isa’t isa. Bakit hindi ninyo bagkus tanggapin ang mali? bakit hindi ninyo bagkus payagang madaya ang mga sarili ninyo?
8 Hindi, gumagawa kayo ng mali, at nandaraya, at iyon ay sa mga kapatid pa ninyo.
9 Hindi ba ninyo nalalamang hindi magmamana ng kaharian ng Diyos ang mga liko? Huwag magpalinlang: hindi ang mga mapakiapid, ni ang mga mapagsamba sa diyusdiyosan, ni ang mga mapangalunya, ni ang mga binabae, ni ang mga nagpapakalabis nang paggamit ng kanilang sarili sa kapuwa-lalaki,
10 Ni ang mga magnanakaw, ni ang masasakim, ni ang mga manlalasing, ni ang mga mapanlait, ni ang mga mapanghuthot, ang magmamana ng kaharian ng Diyos.
11 At ganoon ang ilan sa inyo: ngunit kayo ay hinuhugasan, ngunit kayo ay pinapabanal, ngunit kayo ay inaaring-ganap sa pangalan ng Panginoong Jesus, at sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos natin.
12 Ang lahat ng bagay ay makatuwiran sa akin, ngunit ang lahat ng bagay ay hindi naaangkop: ang lahat ng bagay ay makatuwiran sa ganang akin, ngunit hindi ako madadala sa ilalim ng kapangyarihan ninuman.
13 Ang mga pagkain ay ukol sa tiyan, at ang tiyan ukol sa mga pagkain: ngunit pupuksain ng Diyos kapuwa ito at ang mga ito. Ngayon ang katawan ay hindi ukol sa pakikiapid, kundi ukol sa Panginoon; at ang Panginoon ay ukol sa katawan.
14 At ang Diyos ay kapuwa nagbangon sa Panginoon, at magbabangon din naman sa atin sa pamamagitan ng sarili niyang kapangyarihan.
15 Hindi ba ninyo nalalamang ang mga katawan ninyo ay mga sangkap ni Kristo? kukunin ko ba sa gayon ang mga sangkap ni Kristo, at gagawin ang mga ito na mga sangkap ng isang patutot? Ipagbawal nawa ng Diyos. 
16 Ano ba? hindi ba ninyo nalalamang siya na nakikisanib sa isang patutot ay iisang katawan? pagkat ang dalawa, sabi niya, ay magiging iisang laman.
17 Ngunit siya na nakikisanib sa Panginoon ay iisang espiritu.
18 Takasan ang pakikiapid. Ang bawa’t kasalanang ginagawa ng isang tao ay nasa labas ng katawan; ngunit siya na nakikiapid ay nagkakasala laban sa sarili niyang katawan.
19 Ano ba? hindi ba ninyo nalalamang ang katawan ninyo ang templo ng Banal na Diwa na nasa inyo, na mayroon kayo mula sa Diyos, at kayo ay hindi sa inyong sarili?
20 Pagkat binili kayo na may  isang halaga: kung gayon ay luwalhatiin ang Diyos sa inyong katawan, at sa inyong espiritu, na ang mga ito ay sa Diyos.


KABANATA 7
NGAYON tungkol sa mga bagay na isinulat ninyo sa akin: Mabuti ito patungkol sa isang lalaki na huwag humipo sa isang babae.
2 Gayon pa man, upang maiwasan ang pakikiapid, ay hayaang ang bawa’t lalaki ay magkaroon ng sarili niyang asawa, at hayaang ang bawa’t babae ay magkaroon ng sarili niyang bana.
3 Hayaang ibigay ng bana sa asawa ang nararapat na kagandahang-loob: at sa katulad na paraan din naman ng asawa sa  bana. 
4 Ang asawa ay walang kapangyarihan sa sarili niyang katawan, kundi ang bana: at sa katulad na paraan din naman ang bana ay walang kapangyarihan sa sarili niyang katawan, kundi ang asawa.
5 Huwag ninyong pagkaitan ang isa’t isa, malibang ito ay may pagsang-ayong ukol sa isang panahon, upang maibigay ninyo ang sarili ninyo sa pag-aayuno at panalangin; at magsamang muli, nang hindi kayo tuksuhin ng Satanas dahil sa kawalan ninyo ng pagpipigil.
6 Ngunit nagsasalita ako sa pamamagitan ng pahintulot, at hindi mula sa kautusan.
7 Pagkat nais kong ang lahat ng tao ay maging gaya ko ng aking sarili. Ngunit ang bawa’t tao ay may angkop niyang kaloob mula sa Diyos, ang isa ay alinsunod sa pamamaraang ito, at ang iba ay alinsunod doon.
8 Sinasabi ko kung gayon sa mga walang-asawa at sa mga balo, Mabuti ito patungkol sa kanila na manatili silang maging gaya ko.
9 Ngunit kung hindi sila makapagpigil, ay hayaan silang mag-asawa: pagkat mas mabuting mag-asawa kaysa mag-alab.
10 At sa mga may-asawa ay ipinag-uutos ko, gayunman ay hindi ako, kundi ang Panginoon, Huwag hayaang humiwalay ang asawa sa bana niya:
11 Ngunit at kung humiwalay siya, ay hayaan siyang manatiling walang-asawa, o makipagkasundo sa bana niya: at huwag hayaan ang bana na paalisin ang asawa niya.
12 Ngunit sa iba ay ako ang nagsasalita, hindi ang Panginoon: Kung ang sinumang lalaking-kapatid ay may isang asawa na hindi nananalig, at ito ay nalulugod na manahang kasama niya, ay huwag siyang hayaang paalisin ito.
13 At ang babaeng may isang bana na hindi nananalig, at kung ito ay nalulugod na manahang kasama niya, ay huwag siyang hayaang iwanan ito.
14 Pagkat ang bana na di-nananalig ay pinababanal sa pamamagitan ng asawa, at ang asawang di-nananalig ay pinababanal sa pamamagitan ng bana: kung di-gayon ang mga anak ninyo ay marurumi; ngunit ngayon ay mga banal sila.
15 Ngunit kung humiwalay ang di-nananalig, ay hayaan siyang humiwalay. Ang isang lalaking-kapatid o ang isang babaeng-kapatid ay wala sa ilalim ng pagkaalipin sa ganoong mga bagay: kundi tinawag na tayo ng Diyos patungo sa kapayapaan.
16 Pagkat ano ba ang nalalaman mo, O asawa, kung maililigtas mo ang bana mo? o paano mo ba nalalaman, O lalaki, kung maililigtas mo ang asawa mo?
17 Ngunit gaya ng ipinamahagi na ng Diyos sa bawa’t tao, gaya ng pagkakatawag ng Panginoon sa bawa’t isa, ay hayaang gayon siya lumakad. At gayon ang ipinag-uutos ko sa lahat ng simbahan.
18 Tinatawag ba ang sinumang tao na tuli? huwag siyang hayaang maging di-tuli. Tinatawag ba ang sinumang nasa di-pagtutuli?  huwag siyang magpatuli. 
19 Ang pagtutuli ay walang-anuman, at ang di-pagtutuli ay walang-anuman, kundi ang pag-iingat ng mga kautusan ng Diyos.
20 Hayaan ang bawa’t taong manatili sa gayon ding pagkakatawag kung saan siya tinawag.
21 Tinatawag ka ba samantalang isa kang lingkod? huwag mabalisa ukol dito: ngunit kung magagawa mong lumaya, gamitin mo ito bagkus.
22 Pagkat siya na tinatawag sa Panginoon, samantalang isang lingkod, ay ang malayang-tao ng Panginoon: sa katulad na paraan din naman siya na tinatawag, samantalang malaya, ay lingkod ni Kristo.
23 Binili kayo na may isang halaga; huwag kayong maging mga lingkod ng mga tao. 
24 Mga kapatid, hayaan ang bawa’t tao, kung saan siya ay tinatawag, na doon ay manatili siyang kasama ng Diyos.
25 Ngayon tungkol sa mga birhen ay wala akong kautusan mula sa Panginoon: gayunman ay ibinibigay ko ang paghukom ko, gaya ng isang nagkakamit ng awa mula sa Panginoon upang maging matapat.
26 Ipinapalagay ko kung gayon na mabuti ito patungkol sa kasalukuyang kahapisan, sinasabi ko, na mabuti ito patungkol sa isang tao na maging gayon.
27 Nakatali ka ba sa isang asawa? huwag maghanap na makalas. Kalas ka ba mula sa isang asawa? huwag maghanap ng isang asawa. 
28 Ngunit at kung mag-asawa ka, ay hindi ka nagkasala; at kung mag-asawa ang isang birhen, ay hindi siya nagkasala. Gayon pa man ang ganoon ay magkakaroon ng pahirap sa laman: ngunit iniiwas ko kayo. 
29 Ngunit ito ang sinasabi ko, mga kapatid, maiksi ang panahon: natitira ito, na kapuwa silang may mga asawa ay maging waring hindi sila nagkaroon;
30 At silang tumatangis, na waring hindi sila tumangis; at silang nagagalak, na waring hindi sila nagalak; at silang bumibili, na waring hindi sila nagmay-ari.
31 At silang gumagamit sa sanlibutang ito, na gaya ng hindi nagpapakalabis ng paggamit rito: pagkat ang hugis ng sanlibutang ito ay lumilipas.
32 Ngunit nais ko kayong mawalan ng kabalisahan. Siya na walang-asawa ay nagmamalasakit patungkol sa mga bagay na nabibilang sa Panginoon, kung paano siyang makalulugod sa Panginoon:
33 Ngunit siya na may-asawa ay nagmamalasakit patungkol sa mga bagay na nasa sanlibutan, kung paano siyang makalulugod sa asawa niya.
34 May kaibahan din naman sa pagitan ng isang asawa at ng isang birhen. Ang babaeng walang-asawa ay nagmamalasakit patungkol sa mga bagay ng Panginoon, upang maging banal siya kapuwa sa katawan at sa espiritu: ngunit siya na may-asawa ay nagmamalasakit patungkol sa mga bagay ng sanlibutan, kung paano siyang makalulugod sa bana niya.
35 At sinasabi ko ito dahil sa sarili ninyong kapakinabangan; hindi upang makapaglagay ako ng bitag sa inyo, kundi patungkol doon sa kaakit-akit, at nang makapag-asikaso kayo sa Panginoon nang walang abala.
36 Ngunit kung iniisip ng sinumang lalaki na umaasal siya nang pangit tungo sa birhen niya, kung lumampas na ito sa bulaklak ng gulang niya, at kinakailangan ang gayon, ay hayaan siyang gawin ang iniibig niya, hindi siya nagkakasala: hayaan silang mag-asawa.
37 Gayon pa man siya na tumatayong matatag sa puso niya, na walang pangangailangan, ngunit may kapangyarihan sa ibabaw ng sarili niyang kalooban, at napagpasyahan na sa puso niya nang  gayon na iingatan niya ang birhen niya, ay gumagawa nang mabuti.
38 Sa gayon nga siya na nagbibigay sa kanya sa pag-aasawa ay gumagawa nang mabuti; ngunit siya na hindi nagbibigay sa kanya sa pag-aasawa ay gumagawa nang mas mabuti.
39 Ang asawa ay natatalian ng batas hangga’t nabubuhay ang bana niya; ngunit kung mamatay ang bana niya, ay nasa kamaharlikaan siya upang mag-asawa ng iniibig niya; lamang ay sa Panginoon.
40 Ngunit mas maligaya siya kung mananatili siya nang gayon, alinsunod sa paghukom ko: at iniisip ko rin naman na mayroon akong Espiritu ng Diyos.


KABANATA 8
NGAYON patungkol sa mga bagay na inihahandog sa mga diyusdiyosan, ay nalalaman nating tayong lahat ay may kaalaman. Ang kaalaman ay nagpapalalo, ngunit ang pagsinta ay nagpapatibay.
2 At kung iniisip ng sinumang tao na may nalalaman siyang anumang bagay, ay wala pa siyang nalalamang gaya ng nararapat niyang malaman.
3 Ngunit kung ang sinumang tao ay nagmamahal sa Diyos, ang gayon din ay nakikilala niya.
4 Patungkol kung gayon sa pagkain ng mga bagay na iyon na inihahandog na hain sa mga diyusdiyosan, ay nalalaman nating ang isang diyusdiyosan ay walang-anuman sa sanlibutan, at walang ibang Diyos kundi iisa lamang.
5 Pagkat kahit na may tinatawag pang mga diyos, maging sa langit o sa lupa, (gaya ng may mga diyos na marami, at mga panginoong marami,)
6 Ngunit sa atin ay may iisang Diyos lamang, ang Ama, na mula sa kanya ang lahat ng bagay, at tayo ay nasa kanya; at iisang Panginoong Jesus Kristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng bagay, at tayo ay sa pamamagitan niya.
7 Subali’t wala sa bawa’t tao ang kaalamang iyon: pagkat ang ilang may budhi ng  diyusdiyosan hanggang sa oras na ito ay kumakain nito gaya ng isang bagay na inihahandog sa isang diyusdiyosan; at ang budhi nila samantalang mahina ay nadungisan.
8 Ngunit ang pagkain ay hindi naglalapit sa atin sa Diyos: pagkat hindi, kung kumain man tayo, ay mas mabuti tayo; ni, kung hindi man tayo kumain, ay mas masama tayo.
9 Ngunit mag-ingat na baka sa pamamagitan ng anumang paraan ang kamaharlikaan ninyong ito ay maging isang katitisuran sa kanilang mahihina. 
10 Pagkat kung ikaw na nagtataglay ng kaalaman  ay makita ng sinumang tao na umupo sa kainan sa templo ng diyusdiyosan, hindi ba ang budhi niya na siyang mahina ay mapapatapang upang kumain ng mga bagay na iyon na inihahandog sa mga diyusdiyosan;
11 At sa pamamagitan ng kaalaman mo ay mawawasak ang mahinang kapatid, na dahil sa kanya ay namatay si Kristo?
 12 Ngunit kapag nagkakasala kayo nang gayon laban sa mga kapatid, at sinusugatan ang mahihina nilang budhi, ay nagkakasala kayo laban kay Kristo.
13 Kaya nga, kung ang pagkain ang makakapagpatisod sa kapatid ko, hindi ako kakain ng laman habang nakatayo ang sanlibutan, upang hindi ako makatisod sa kapatid ko.
  

No comments:

Post a Comment