PAGKAT itong si
Melkisedek, na hari ng Salem, pari ng kataas-taasang Diyos, na siyang sumalubong kay Abraham sa
pagbabalik na galing sa paglipol sa mga
hari, at pinagpala siya;
2 Na sa kanya
rin naman si Abraham ay nagbigay ng isang ikasampung bahagi ng lahat; una sa
pagpapakahulugan ay Hari ng katuwiran, at pagkatapos niyon din naman ay Hari ng
Salem, na ito ay, Hari ng kapayapaan;
3 Na walang
ama, walang ina, walang talaangkanan, ni walang pasimula ng mga araw, ni katapusan
ng buhay; kundi ginawang tulad sa Anak ng Diyos; ay nananatiling isang pari
nang patuloy.
4 Ngayon ay
isaalang-alang kung gaano kadakila ang taong ito, na sa kanya maging ang
patriyarkang si Abraham ay nagbigay ng ikasampu ng mga samsam.
5 At sa katotohanan
silang mula sa mga anak ni Levi, na tumatanggap ng katungkulan ng pagkapari, ay
may isang kautusan na kumuha ng mga
ikapu mula sa bayan ayon sa batas, iyon ay, mula sa kanilang mga kapatid, kahit
sila ay lumabas mula sa mga balakang ni Abraham:
6 Ngunit siyang
ang talaangkanan ay hindi ibinibilang sa kanila ay tumanggap ng mga ikapu ni
Abraham, at pinagpala siyang nagtaglay ng mga pangako.
7 At wala ang
buong pagsalungat ang mas mababa ay pinagpapala ng mas nakahihigit.
8 At dito ang
mga taong namamatay ay tumatanggap ng mga ikapu; ngunit doon ay tinatanggap
niya sila, na tungkol sa kanya ay sinasaksihang siya ay nabubuhay.
9 At gaya ng
maaari kong sabihin sa gayon, si Levi rin naman, na tumatanggap ng mga ikapu,
ay nagbayad ng mga ikapu na nakay Abraham.
10 Pagkat siya
ay nasa mga balakang pa ng kanyang ama, nang masalubong siya ni Melkisedek.
11 Kung ang
kasakdalan kung gayon ay sa pamamagitan ng pagkaparing Levitiko, (pagkat sa
ilalim nito ang bayan ay tumanggap ng batas,) ano pa bang ibayong
pangangailangan ang naroon upang may
ibang paring bumangon alinsunod sa hanay ni Melkisedek, at hindi tinawag
alinsunod sa hanay ni Aaron?
12 Pagkat kung ang pagkapari ay pinalitan,
ay kailangan din namang gumawa ng isang pagpapalit
sa batas.
13 Pagkat siyang tungkol kanino ang
mga bagay na ito ay sinasalita ay patungkol sa ibang angkan, na mula roon ay
walang taong nagbigay ng pag-aasikaso sa dambana.
14 Pagkat malinaw ito na ang Panginoon
natin ay lumitaw buhat sa Juda; na tungkol sa angkang ito ay walang sinalita si
Moses tungkol sa pagkapari.
15 At higit pang mas malinaw ito: pagkat
alinsunod sa pagkakawangis ni Melkisedek ay may lumilitaw na ibang pari,
16 Na siyang ginawa, hindi alinsunod
sa batas ng isang kautusang ayon-sa-laman, kundi alinsunod sa kapangyarihan ng
isang buhay na di-natatapos.
17 Pagkat pinapatotohanan niya, Ikaw
ay isang pari magpakailan man alinsunod sa hanay ni Melkisedek.
18 Pagkat sa katotohanan ay may
isang pagpapawalang-bisa ng kautusan na nauna dahil sa kahinaan at
kawalang-kapakinabangan nito.
19 Pagkat walang ginawang sakdal ang
batas, kundi ang pagdadala papasok ng isang mas mabuting pag-asa ang gumawa; na
sa pamamagitan nito ay lumalapit tayo sa Diyos.
20 At yamang hindi sa kawalan ng
isang panunumpa ay ginawa siyang pari:
21 (Pagkat ang mga paring iyon ay
ginawa na walang isang panunumpa; ngunit ito ay may isang panunumpa niyang
nagsabi sa kanya, Ang Panginoon ay sumumpa at hindi magsisisi, Ikaw ay isang
pari magpakailan man alinsunod sa hanay ni Melkisedek:)
22 Sa ganitong kadakila si Jesus ay
ginawang isang tagapanagot ng isang mas mabuting tipan.
23 At tunay na sila ay maraming
pari, dahil hindi sila pinayagang magpatuloy dahil sa kamatayan:
24 Ngunit ang taong ito, dahil
nagpapatuloy siya kailan man, ay mayroong isang di-napapalitang pagkapari.
25 Kaya nga kaya rin naman niyang
iligtas sila hanggang sa sukdulan na pumaparoon sa Diyos sa pamamagitan niya,
na nakikitang nabubuhay siya kailan man upang gumawa ng pamamagitan patungkol
sa kanila.
26 Pagkat ang isang paring ganoon
ang nababagay sa atin, na siyang banal, di-nakakasakit, di-nadungisan, hiwalay
mula sa mga makasalanan, at ginawang mas mataas kaysa sa mga langit;
27 Na siyang hindi nangangailangan
araw-araw, gaya ng matataas na paring iyon, na maghandog ng mga hain, una dahil
sa sarili niyang mga kasalanan, at saka dahil sa mga sa bayan: pagkat ginawa
niya ito nang minsanan, nang inihandog niya ang kanyang sarili.
28 Pagkat ang batas ay gumagawa sa
mga tao na matataas na pari na may karamdaman; ngunit ang salita ng panunumpa,
na ito ay pagkatapos ng batas, ay gumagawa sa Anak, na itinalagang-ganap
magpakailan man.
NGAYON tungkol sa mga bagay na
sinalita namin ay ito ang kabuuan: Mayroon tayong isang paring ganoon, na
nakaupo sa kanang kamay ng luklukan ng Kamahalan sa mga langit;
2 Isang ministro ng dakong-banal, at
ng tunay na tabernakulo, na ang Panginoon ang nagtayo, at hindi ang tao.
3 Pagkat ang bawa’t mataas na pari
ay itinatalaga upang maghandog ng mga kaloob at mga hain: kaya nga
kinakailangan ito na ang taong ito ay may anuman din namang ihahandog.
4 Pagkat kung siya ay nasa ibabaw ng
lupa, ay hindi siya magiging isang pari, na nakikitang may mga paring
naghahandog ng mga kaloob ayon sa batas:
5 Na naglilingkod sa halimbawa at
anino ng mga makalangit na bagay, gaya nang si Moses ay pinaalalahanan ng Diyos
nang malapit na niyang gawin ang tabernakulo: pagkat, Tiyakin, sinasabi niya,
na gagawin mo ang lahat ng bagay ayon sa huwaran na ipinakita sa iyo sa bundok.
6 Ngunit ngayon ay nagkamit siya ng
isang mas magaling na ministeryo, yamang siya rin naman ang tagapamagitan ng
isang mas mabuting kasunduan, na ito ay itinatag sa ibabaw ng mabubuting
pangako.
7 Pagkat kung iyong unang kasunduan
ay naging walang-kamalian, ay wala na nga sanang dakong hinanap pa patungkol sa
ikalawa.
8 Pagkat sa pagkakita ng kamalian sa
kanila, ay sinasabi niya, Masdan, dumarating ang mga araw, sabi ng Panginoon,
na kung kailan ay gagawa ako ng isang bagong kasunduan kasama ng bahay ni
Israel at kasama ng bahay ni Judah:
9 Hindi ayon sa kasunduang ginawa ko
kasama ang mga ama nila sa araw nang kinuha ko sila sa pamamagitan ng kamay upang
pangunahan silang palabas buhat sa lupain ng Ehipto; dahil hindi sila
nagpatuloy sa kasunduan ko, at hindi ko sila pinahalagahan, sabi ng Panginoon.
10 Pagkat ito ang kasunduan na
gagawin ko kasama ng bahay ni Israel pagkatapos ng mga araw na iyon, sabi ng
Panginoon; ilalagay ko ang mga batas ko patungo sa pag-iisip nila, at isusulat ang
mga ito sa mga puso nila: at ako ay magiging isang Diyos sa kanila, at sila ay
magiging isang bayan sa akin:
11 At hindi sila magtuturo ang
bawa’t tao sa kanyang kapuwa, at bawa’t tao sa kanyang kapatid, na nagsasabing,
Kilalanin ang Panginoon: pagkat ang lahat ay makakikilala sa akin, mula sa
painakamaliit hanggang sa pinakamalaki.
12 Pagkat magiging maawain ako sa
kalikuan nila, at ang mga kasalanan nila at ang mga kawalang-katarungan nila ay
hindi ko na aalalahanin pa.
13 Na doon sa
sinasabi niya, Isang bagong kasunduan, ay ginawa na niyang luma ang una. Ngayon ang nabubulok at nagiging
luma ay nakahanda nang mawala.
SA KATOTOHANAN nga ang unang kasunduan
ay mayroon din namang mga palatuntunan ng
paglilingkod na ukol-sa-Diyos, at isang makasanlibutang dakong-banal.
2 Pagkat may isang tabernakulong
ginawa; ang una, kung saan ay naroon ang kandelero, at ang hapag, at ang
tinapay na handog; na ito ay tinatawag na dakong-banal.
3 At pagkatapos ng ikalawang tabing,
ang tabernakulong tinatawag na Pinakabanal sa lahat;
4 Na ito ay may ginintuang dambana
ng kamangyan, at ang kaban ng kasunduan na nababalutan sa paligid ng ginto,
kung saan naroon ang ginintuang sisidlang may mana, at ang tungkod ni Aaron na
umuusbong, at ang mga tapyas na bato ng kasunduan;
5 At sa ibabaw nito ay ang mga
kerubin ng kaluwalhatian na nilililiman ang upuan-ng-awa; na tungkol dito ay
hindi natin maaaring mapag-usapan nang isa-isa.
6 Ngayon kapag ang mga bagay na ito
ay naihanda na ng gayon, ang mga pari ay palaging pumaparoon sa unang tabernakulo,
na tinutupad ang paglilingkod ng Diyos.
7 Ngunit sa ikalawa ay pumaparoon
ang mataas na pari nang nag-iisa bawa’t taon, na hindi walang dalang dugo, na
inihandog niya patungkol sa kanyang sarili, at patungkol sa mga kamalian ng
bayan:
8 Ang Banal na Diwa ay
nagpapahiwatig nito, na ang daan patungo sa pinakabanal sa lahat ay hindi pa inilantad,
habang ang unang tabernakulo ay nakatayo pa:
9 Na ito ay isang kahawig noon ukol
sa panahong kasalukuyan, na doon ay inihandog kapuwa ang mga kaloob at mga hain,
na hindi makapagpasakdal sa kanya na gumawa ng paglilingkod, gaya ng tungkol sa
budhi;
10 Na ito ay tumayo lamang sa mga
pagkain at mga inumin, at iba’t ibang mga paghuhugas, at mga palatuntunang
ayon-sa-laman, na iniatang sa kanila hanggang sa panahon ng pagsasaayos.
11 Nguni’t si Kristo na dumating
bilang isang mataas na pari ng mabubuting bagay na darating, sa pamamagitan ng
isang mas dakila at mas sakdal na tabernakulo, na hindi ginawa ng mga kamay,
iyon ay kung sasabihin ay, hindi mula sa gusaling ito;
12 Ni sa pamamagitan ng dugo ng mga
kambing at mga guya, kundi sa pamamagitan ng sarili niyang dugo ay pumasok siya
minsan patungo sa banal na dako, na kinakamtan ang walang-hanggang katubusan dahil
sa atin.
13 Pagkat kung ang dugo ng mga lalaking-baka
at ng mga kambing, at ang mga abo ng isang dumalagang-baka na iwiniwisik sa
marumi, ay nagpapabanal sa ikadadalisay ng laman:
14 Gaano pa kaya lalo ang dugo ni
Kristo, na sa pamamagitan ng walang-hanggang Espiritu ay naghandog ng kanyang
sarili na walang-batik sa Diyos, ay maglilinis ng budhi ninyo mula sa mga patay
na gawa upang mapaglingkuran ang buhay na Diyos?
15 At sa dahilang ito siya ang
tagapamagitan ng bagong tipan, upang sa kaparaanan ng kamatayan, ukol sa
katubusan ng mga paglabag na nasa ilalim ng unang tipan, silang tinatawag ay
makatanggap ng pangako ng walang-hanggang pamana.
16 Pagkat kung saan may isang tipan,
ay dapat mayroon ding pangangailangan ng kamatayan ng gumawa ng tipan.
17 Pagkat ang isang tipan ay may
bisa pagkatapos mamatay ng mga tao: sa ibang paraan ay wala itong lakas na
anuman habang nabubuhay pa ang gumawa ng tipan.
18 Kung saan maging ang unang tipan
ay hindi inialay nang walang dugo.
19 Pagkat nang si Moses ay nagsalita
ng bawa’t alituntuntin sa buong bayan ayon sa batas, ay kinuha niya ang dugo ng
mga guya at ng mga kambing, na may tubig, at pulang lana, at isopo, at
winisikan kapuwa ang aklat, at ang buong bayan,
20 Na
nagsasabing, Ito ang dugo ng tipan na iniutos ng Diyos sa inyo.
21 Bukod doon ay winisikan niya ng
dugo kapuwa ang tabernakulo, at ang lahat ng mga sisidlan ng ministeryo.
22 At halos lahat ng bagay sa
pamamagitan ng batas ay nililinis ng dugo; at kung walang pagkabuhos ng dugo ay
walang pagkakalag.
23 Kung gayon ay kailangan ito na
ang mga huwaran ng mga bagay sa mga langit ay madalisay ng mga ito; ngunit ang
mga makalangit na bagay mismo ng mas mabubuting mga hain kaysa sa mga ito.
24 Pagkat si Kristo ay hindi pumasok
sa mga banal na dako na ginawa ng mga kamay, na mga kahawig ng totoo; kundi sa
langit mismo, ngayon upang magpakita sa harapan ng Diyos dahil sa atin:
25 Ni kailangan niyang ihandog ang
kanyang sarili nang malimit, gaya ng pagpasok ng mataas na pari sa banal na
dako bawa’t taon na may dugo ng mga iba;
26 Pagkat kung magkagayon ay dapat
siyang magdusa nang malimit simula pa sa pagkakatatag ng sanlibutan: ngunit
ngayon minsan sa katapusan ng sanlibutan ay nagpakita na siya upang alisin ang
kasalanan sa pamamagitan ng hain ng kanyang sarili.
27 At kung paanong itinakda sa mga
tao na mamatay na minsan, ngunit pagkatapos nito ay ang paghuhukom:
28 Sa gayon din ay minsang inihandog
si Kristo upang dalhin ang mga kasalanan ng marami; at sa kanila na umaasam sa
kanya ay magpapakita siya sa ikalawang pagkakataon na walang kasalanan sa
ikaliligtas.
No comments:
Post a Comment