MATAKOT tayo kung
gayon, baka sa isang pangakong iniwan sa atin tungkol sa pagpasok sa
kapahingahan niya, ang sinuman sa inyo ay hindi makaabot dito.
2 Pagkat sa atin
ay ipinangaral ang mabuting-balita, kung paano rin naman sa kanila: ngunit ang
salitang ipinangaral ay hindi nila pinakinabangan, na hindi hinahaluan ng
pananampalataya sa kanilang nakarinig nito.
3 Pagkat tayong nanalig
na ay pumapasok sa kapahingahan, gaya ng sinabi niya, Gaya ng isinumpa ko na sa
pagkapoot ko, kung papasok sila sa kapahingahan ko: bagaman ang mga gawa ay tinapos
mula pa sa pagkakatatag ng sanlibutan.
4 Pagkat sinalita
niya sa isang tiyak na dako tungkol sa ikapitong araw sa ganitong paraan, At
ang Diyos ay nagpahinga sa ikapitong araw mula sa mga gawa niya.
5 At sa dakong ito rin naman, Kung
papasok sila sa kapahingahan ko.
6 Na nakikita kung gayon na may
natitira na ang ilan ay dapat pumasok doon, at sila na kung kanino ito ay unang
ipinangaral ay hindi pumasok dahil sa di-pananalig:
7 Muli, siya ay naglimita ng isang
tiyak na araw, na sinasabi kay David, Sa kasalukuyang araw, pagkatapos ng isang
napakahabang panahon; gaya ng sinasabi, Sa kasalukuyang araw kung pakikinggan
ninyo ang tinig niya, huwag pagmatigasin ang mga puso ninyo.
8 Pagkat kung si Jesus ay nakapagbigay
sa kanila ng kapahingahan, ay hindi na nga sana siya nagsalita pa ng tungkol sa
ibang araw.
9 May natitira kung gayon na isang
kapahingahan sa bayan ng Diyos.
10 Pagkat siya na pumasok sa
kapahingahan niya, siya rin naman ay tumigil na mula sa sariling mga gawa niya,
gaya ng ginawa ng Diyos mula sa mga kanya.
11 Magpagal tayo kung gayon upang makapasok
sa kapahingahang iyon, baka ang sinumang tao ay bumagsak alinsunod sa gayon
ring halimbawa ng di-pananalig.
12 Pagkat ang salita ng Diyos ay
maliksi, at makapangyarihan, at mas matalas kaysa anumang may dalawang-talim na
tabak, na tumatagos maging sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, at ng mga
kasukasuan at utak sa buto, at isang tagasiyasat ng mga iniisip at mga hangarin
ng puso.
13 Ni may anumang nilalang na hindi lantad
sa paningin niya: kundi ang lahat ng bagay ay hubad at bukas sa mga mata niya
na kung kanino tayo ay magsusulit.
14 Na nakikita ngang tayo ay may isang
dakilang mataas na pari, na pumasok sa mga langit, si Jesus na Anak ng Diyos,
ay hawakan nating mahigpit ang pahayag natin.
15 Pagkat wala tayong isang mataas na
pari na hindi maaaring mahipo ng damdamin ng mga karamdaman natin; kundi sa
lahat ng puntos ay tinuksong tulad natin, gayunman ay walang kasalanan.
16 Kung gayon ay pumaroon tayo nang
matapang patungo sa luklukan ng biyaya, upang magkamit tayo ng awa, at
makatagpo ng biyayang tutulong sa panahon ng pangangailangan.
PAGKAT ang bawa’t mataas na pari na
kinukuha mula sa gitna ng mga tao ay itinatalaga dahil sa mga tao sa mga bagay
na tungkol sa Diyos, upang makapaghandog siya kapuwa ng mga kaloob at mga hain
patungkol sa mga kasalanan:
2 Na maaari siyang mahabag sa mga
mangmang, at sa kanilang wala sa daan; dahil siya mismo rin naman ay
napapalibutan ng karamdaman.
3 At sa dahilang ito siya ay
nararapat, gaya ng dahil sa bayan, sa gayon ay sa sarili rin naman niya, na
maghandog patungkol sa mga kasalanan.
4 At walang taong kumukuha ng
karangalang ito patungo sa kanyang sarili, kundi siyang tinatawag ng Diyos,
gaya ni Aaron.
5 Sa gayon din naman ay hindi
niluwalhati ni Kristo ang kanyang sarili upang magawang isang mataas na pari;
kundi siyang nagsabi sa kanya, Ikaw ang aking Anak, sa kasalukuyang araw ay
isinilang kita.
6 Gaya ng sinasabi rin naman niya sa
ibang dako, Ikaw ay isang pari magpakailan man alinsunod sa hanay ni
Melkisedek.
7 Na siya sa mga araw ng kanyang
laman, nang nakapaghandog siya ng mga panalangin at mga paghiling na may
malalakas na pagsigaw at mga luha sa kanyang kayang magligtas sa kanya mula sa
kamatayan, at pinakinggan dahil natakot siya;
8 Kahit siya ay isang Anak, gayunman
ay natuto siya ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na tiniis niya;
9 At samantalang pinasakdal, ay
naging maygawa siya ng walang-hanggang kaligtasan patungo sa kanilang lahat na tumatalima
sa kanya;
10 Na tinawag ng Diyos na isang mataas
na pari alinsunod sa hanay ni Melkisedek.
11 Na tungkol sa kanya ay maraming
bagay kaming masasabi, at mahirap bigkasin, na nakikitang kayo ay mapurol sa pakikinig.
12 Pagkat nang panahong kayo ay
nararapat nang maging mga guro, ay kailangan ninyong may isang magturo sa
inyong muli ng kung alin ang mga unang simulain ng mga aral ng Diyos; at naging
ganoon na gaya ng nangangailangan pa ng gatas, at hindi ng matigas na pagkain.
13 Pagkat ang bawa’t isang gumagamit
ng gatas ay di-bihasa sa salita ng katuwiran: pagkat isa siyang sanggol.
14 Ngunit ang matigas na pagkain ay
nabibilang sa kanilang nasa ganap na gulang na, samakatuwid ay sa kanilang sa dahil
sa paggamit ay sinanay ang mga pandama nila upang makasiyasat kapuwa ng mabuti
at masama.
KUNG GAYON sa pag-iwan sa mga
simulain ng turo ni Kristo, ay magpatuloy tayo sa kasakdalan; na hindi na muli
pang inilalagay ang kinasasaligan ng pagsisisi mula sa mga patay na gawa, at ng
pananampalataya tungo sa Diyos,
2 Ng turo ng mga binyag, at ng
pagpapatong ng mga kamay, at ng pagkabuhay na muli ng mga patay, at ng
walang-hanggang paghuhukom.
3 At ito ang gagawin natin, kung
ipahintulot ng Diyos.
4 Pagkat di-maaari ito patungkol
doon sa mga minsang naliwanagan, at nakatikim na ng makalangit na kaloob, at
ginawang mga kabahagi ng Banal na Diwa,
5 At nakatikim na ng mabuting salita
ng Diyos, at mga kapangyarihan ng sanlibutang darating,
6 Kung sila ay tatalikod, na
pagpanibaguhin silang muli patungo sa pagsisisi; na nakikitang muli nilang
ipinapako sa kurus sa kanilang sarili ang Anak ng Diyos, at inilalagay siya sa
isang lantad na kahihiyan.
7 Pagkat ang lupa na umiinom sa ulan
na dumarating na madalas sa ibabaw nito, at tinutubuan ng mga damong marapat dahil
sa kanilang kung kanino ito ay ibinukid, ay tumatanggap ng pagpapala mula sa
Diyos:
8 Ngunit iyong namumunga ng mga
tinik at mga dawag ay itinatakuwil, at malapit sa pagsumpa; na ang katapusan
nila ay ang masunog.
9 Ngunit, mga minamahal, naniniwala kami
sa mas mabubuting bagay tungkol sa inyo, at mga bagay na kalakip ng kaligtasan,
kahit kami ay gayon magsalita.
10 Pagkat ang Diyos ay hindi liko upang
kalimutan ang inyong gawa at pagpapagal ng pagmamahal, na ipinakita na ninyo
tungo sa kanyang pangalan, dahil kayo ay nagministeryo na sa mga banal, at nagmiministeryo.
11 At hinahangad namin na ang bawa’t
isa sa inyo ay magpakita ng gayon ring pagsisikap patungo sa lubos na katiyakan
ng pag-asa hanggang sa katapusan:
12 Na huwag kayong maging mga tamad,
kundi mga tagasunod nilang sa pamamagitan ng pananampalataya at pagtitiyaga ay
nagmamana ng mga pangako.
13 Pagkat nang gumawa ang Diyos ng
pangako kay Abraham, dahil hindi siya makasumpa sa pamamagitan ng mas dakila,
ay nanumpa siya sa pamamagitan ng kanyang sarili,
14 Na nagsasabing,
Tiyak sa pagpapala ay pagpapalain kita, at sa pagpaparami ay pararamihin kita.
15 At sa gayon,
pagkatapos na siya ay matiyagang nagtiis, ay nakamtan niya ang pangako.
16 Pagkat ang
mga tao sa katotohanan ay sumusumpa sa pamamagitan ng mas dakila: at ang isang
panunumpa ukol sa pagtitibay sa kanila ay isang katapusan ng lahat ng
sigalutan.
17 Kung saan
ang Diyos, sa pagkaibig nang higit na masagana na ipakita sa mga tagapagmana ng
pangako ang kawalang-pagbabago ng kanyang payo, ay pinagtibay ito sa
pamamagitan ng isang panunumpa:
18 Upang sa
pamamagitan ng dalawang di-nagbabagong bagay, na kung saan ay di-maaari ito sa
Diyos na magsinungaling, ay magkaroon tayo ng isang matibay na kagiliwan, tayong
tumakas dahil sa kanlungan upang manangan sa pag-asang nakalagay sa harapan
natin:
19 Na siyang
pag-asang taglay natin gaya ng isang angkla ng kaluluwa, kapuwa tiyak at
matatag, at siyang pumapasok doon sa loob ng tabing;
20 Kung
saan ang nauna ay pumasok dahil sa atin, samakatuwid ay si Jesus, na ginawang
isang mataas na pari magpakailan man alinsunod sa hanay ni Melkisedek.
No comments:
Post a Comment