SINASABI ko ang
katotohanan kay Kristo, hindi ako nagsisinungaling, ang budhi ko rin naman ay nakikisaksi
sa akin sa Banal na Diwa,
2 Na mayroon akong malaking
kabigatan at patuloy na kalumbayan sa puso ko.
3 Pagkat maaari kong mithiin na ako
mismo ay masumpa mula kay Kristo dahil sa mga kapatid ko, na mga kamag-anak ko
alinsunod sa laman:
4 Na sila ay mga Israelita; na sa
kanila ay nauukol ang pagkukupkop, at ang kaluwalhatian, at ang mga kasunduan,
at ang pagbibigay ng batas, at ang paglilingkod ng Diyos, at ang mga pangako;
5 Na sa kanila ang mga ama, at mula
sa kanila tungkol sa laman ay dumating si Kristo, na siyang higit sa lahat ay,
Diyos na pinagpala magpakailan man. Amen.
6 Hindi sa tila ang salita ng Diyos
ay naging walang bisa. Pagkat hindi silang lahat ay Israel, na mga mula sa
Israel:
7 Ni, dahil
sila ay binhi ni Abraham, ay mga anak silang lahat: kundi, Kay Isaak ay
tatawagin ang binhi mo.
8 Iyon ay, Silang
mga anak ng laman, ang mga ito ay hindi mga anak ng Diyos: kundi ang mga anak
ng pangako ay ibinibilang na binhi.
9 Pagkat ito ang salita ng pangako,
Sa panahong ito ay darating ako, at si Sara ay magkakaroon ng isang
lalaking-anak.
10 At hindi lamang ito; kundi nang
si Rebeka rin naman ay naglihi sa pamamagitan ng iisa, samakatuwid ay sa
pamamagitan ng ama nating si Isaak;
11 (Pagkat ang mga anak samantalang hindi
pa ipinapanganak, ni nakagawa na ng anumang mabuti o masama, upang ang layunin
ng Diyos ayon sa paghirang ay tumayo, hindi mula sa mga gawa, kundi mula sa
kanya na tumatawag;)
12 Sinabi ito
sa kanya, Ang mas matanda ay maglilingkod sa mas bata,
13 Gaya ng
nasusulat, si Jakob ay minahal ko, ngunit si Esau ay kinamuhian ko.
14 Ano nga ba
ang sasabihin natin? May kalikuan ba sa Diyos? Ipagbawal nawa ng Diyos.
15 Pagkat
sinasabi niya kay Moses, Maaawa ako sa kanyang ibig kong kaawaan, at mahahabag ako
sa kanyang ibig kong kahabagan.
16 Sa gayon nga
ay hindi ito sa kanya na may-ibig, ni sa kanya na tumatakbo, kundi sa Diyos na
nagpapakita ng awa.
17 Pagkat
sinasabi ng kasulatan kay Paraon, Maging dahil sa gayon ding layunin ay itinaas
kita, upang maipakita ko ang kapangyarihan ko sa iyo, at upang maisaysay ang
pangalan ko sa bawa’t bahagi ng buong lupa.
18 Kung gayon
ay naaawa siya sa kanyang ibig niyang kaawaan, at sa kanya na ibig niya ay
pinapatigas niya.
19 Sasabihin mo
nga sa akin, Bakit pa ba siya naghahanap ng pagkukulang? Pagkat sino ba ang
nakalaban na sa kalooban niya?
20 Hindi ngunit,
O tao, sino ka bang sumasagot laban sa Diyos?
Ang
bagay bang inanyuan ay magsasabi sa kanyang umanyo rito, Bakit mo ba ako ginawang ganito?
21 Wala bang kapangyarihan sa putik
ang magpapalayok, na sa gayon ding limpak ay gumawa ng isang sisidlan sa
ikararangal, at iba patungkol sa di-ikararangal?
22 Ano ba kung ang Diyos, na
nag-iibig na ipakita ang pagkapoot niya, at ipaalam ang kapangyarihan niya, ay nagtiis
nang may labis na pagbabata sa mga sisidlan ng pagkapoot na nababagay sa
pagkapuksa:
23 At upang maipaalam niya ang mga
kayamanan ng kaluwalhatian niya sa mga sisidlan ng awa, na una na niyang
inihanda sa ikaluluwalhati,
24 Maging tayo,
na tinawag niya, hindi mula sa mga Judeo lamang, kundi mula rin naman sa mga
Hentil?
25 Gaya ng
sinasabi niya kay Oseas, Tatawagin ko silang bayan ko, na hindi ko naging bayan;
at minamahal niya, na hindi naging minamahal.
26 At
mangyayari ito, na sa dako kung saan ay sinabi sa kanila, Hindi ko kayo bayan;
doon ay tatawagin silang mga anak ng buhay na Diyos.
27 Si Esayas din
naman ay sumisigaw tungkol sa Israel, Kahit na ang bilang ng mga anak ni Israel
ay maging gaya pa ng buhangin sa dagat, ay maliligtas ang isang nalalabi:
28 Pagkat
tatapusin niya ang gawa, at puputulin ito nang maikli sa katuwiran: dahil gagawin
ng Panginoon ang isang maikling gawa sa ibabaw ng lupa.
29 At gaya ng
sinabi ni Esayas noong una, Malibang ang Panginoon ng Sabaot ay mag-iwan sa
atin ng isang binhi, ay naging gaya na tayo ng Sodoma, at nagawang katulad ng
Gomora.
30 Ano nga ba
ang sasabihin natin? Na ang mga Hentil, na hindi sumunod alinsunod sa
katuwiran, ay nakatamo sa katuwiran, samakatuwid ay ang katuwirang mula sa
pananampalataya.
31 Ngunit ang
Israel, na sinundan ang batas ng katuwiran, ay hindi nakatamo sa batas ng
katuwiran.
32 Bakit? Dahil
hindi nila ito hinanap sa pamamagitan ng pananampalataya, kundi gaya ng ito ay
sa pamamagitan ng mga gawa ng batas. Pagkat napatid sila sa batong-kapapatirang
iyon;
33 Gaya ng
nasusulat, Masdan, inilalagay ko sa Siyon ang isang batong-kapapatiran at bato
ng katitisuran: at ang sinumang manalig sa kanya ay hindi mapapahiya.
MGA KAPATID,
ang hangad ng puso ko at panalangin sa Diyos patungkol sa Israel ay, ang
maligtas sila.
2 Pagkat sinasaksihan
kong sila ay may isang sigasig ng Diyos, ngunit hindi ayon sa kaalaman.
3 Pagkat sila sa
pagkamangmang sa katuwiran ng Diyos, at sa pagsisikap na itatag ang sarili
nilang katuwiran, ay hindi nagpasakop ng kanilang sarili sa katuwiran ng Diyos.
4 Pagkat si
Kristo ang katapusan ng batas ukol sa katuwiran sa bawa’t isang nananalig.
5 Pagkat isinalarawan
ni Moses ang katuwirang mula sa batas, Na ang taong gumagawa ng mga bagay na
iyon ay mabubuhay sa pamamagitan nila.
6 Ngunit ang
katuwirang mula sa pananampalataya ay nagsasalita sa ganitong paraan, Huwag
mong sabihin sa puso mo, Sino ba ang aakyat patungo sa langit? (iyon ay, upang
dalhin si Kristo pababa mula sa itaas:)
7 O, Sino ba
ang bababa patungo sa kalaliman? (iyon ay, upang dalhin si Kristo pataas muli
mula sa mga patay.)
8 Ngunit ano ba
ang sinasabi nito? Ang salita ay malapit sa iyo, maging sa bibig mo, at sa puso
mo: iyon ay, ang salita ng pananampalataya, na ipinangangaral namin;
9 Na kung ipapahayag
mo ng bibig mo ang Panginoong Jesus, at mananalig sa puso mo na binuhay siya ng
Diyos mula sa mga patay, ay maliligtas ka.
10 Pagkat sa
pamamagitan ng puso ay nananalig ang tao sa ikatutuwid; at sa pamamagitan ng bibig
ang pagpapahayag ay ginagawa sa ikaliligtas.
11 Pagkat
sinasabi ng kasulatan, Ang sinumang nananalig sa kanya ay hindi mapapahiya.
12 Pagkat
walang kaibahan sa pagitan ng Judeo at ng Griyego: pagkat ang gayon ding
Panginoon sa ibabaw ng lahat ay mayaman sa lahat na tumatawag sa kanya.
13 Pagkat ang sinumang tatawag sa
pangalan ng Panginoon ay maliligtas.
14 Paano nga ba silang tatawag sa
kanya na hindi nila pinanaligan? at paano ba silang mananalig sa kanya na hindi
nila narinig? at paano silang makakarinig kung walang isang mangangaral?
15 At paano ba silang mangangaral,
malibang isinugo sila? gaya ng nasusulat, Kay ganda ng mga paa nilang
nangangaral ng mabuting-balita ng kapayapaan, at nagdadala ng nakakatuwang mga
balita ng mabubuting bagay!
16 Ngunit hindi silang lahat ay tumalima
sa mabuting-balita. Pagkat sinasabi ni Esayas, Panginoon, sino ba ang nanalig
sa ulat namin?
17 Sa gayon nga
ang pananampalataya ay dumarating sa pamamagitan ng pakikinig, at ang pakikinig
sa pamamagitan ng salita ng Diyos.
18 Ngunit sinasabi ko, Hindi ba sila
nakarinig? Oo sa katotohanan, ang tunog nila ay pumaroon sa buong lupa, at ang
mga salita nila hanggang sa mga katapusan ng sanlibutan.
19 Ngunit
sinasabi ko, Hindi ba nalaman ng Israel? Una ay sinasabi ni Moses, Uudyukan ko
kayo sa paninibugho sa pamamagitan nila na hindi ko bayan, at sa pamamagitan ng
isang hangal na bansa ay gagalitin ko kayo.
20 Ngunit si Esayas
ay napakatapang, at nagsasabing, Natagpuan ako nilang hindi naghanap sa akin; nalantad
ako sa kanilang hindi nagtanong tungkol sa akin.
21 Ngunit sa
Israel ay sinasabi niya, Sa buong araw ay iniunat ko ang mga kamay ko patungo sa
isang di-matalimahin at matutol na bayan.
SINASABI ko
nga, Itinakuwil ba ng Diyos ang bayan niya? Ipagbawal nawa ng Diyos. Pagkat isa
rin akong Israelita, mula sa binhi ni Abraham, mula sa angkan ni Benjamin.
2 Hindi
itinakuwil ng Diyos ang bayan niya na nakilala na niya nang una. Hindi ba ninyo
alam ang sinasabi ng kasulatan tungkol kay Elyas? kung paano siyang gumagawa ng
pamamagitan sa Diyos laban sa Israel, na nagsasabing,
3 Panginoon, pinatay nila ang mga
propeta mo, at giniba ang mga dambana mo; at naiwan akong mag-isa, at hinahanap
nila ang buhay ko.
4 Ngunit ano ba ang sinasabi ng
sagot ng Diyos sa kanya? Nagreserba na ako sa aking sarili ng pitong libong
lalaki, na hindi lumuhod ang tuhod sa larawan ni Baal.
5 Maging sa gayon nga sa
kasalukuyang panahon din naman ay may isang nalalabi ayon sa paghirang ng
biyaya.
6 At kung sa biyaya, ay hindi na nga
ito mula sa mga gawa: kung hindi ganoon ang biyaya ay hindi na biyaya. Ngunit kung
ito ay mula sa mga gawa, hindi na nga ito biyaya: kung hindi ganoon ang gawa ay
hindi na gawa.
7 Ano nga ba? Hindi nakamtan ng
Israel ang hinahanap niya; ngunit nakamtan ito ng paghirang, at ang natira ay
binulag
8 (Kagaya ng nasusulat, Binigyan
sila ng Diyos ng espiritu ng pagkakatulog, mga mata upang hindi sila makakita,
at mga tainga upang hindi sila makarinig;) hanggang sa araw na ito.
9 At sinasabi ni David, Hayaang ang dulang
nila ay magawang isang bitag, at isang patibong, at isang batong katitisuran,
at isang kabayaran sa kanila:
10 Hayaang magdilim ang mga mata
nila, nang hindi sila makakita, at iyukod ang likod nila nang tuluy-tuloy.
11 Sinasabi ko
nga, Napatid ba sila upang bumagsak sila?
Ipagbawal nawa ng Diyos: kundi bagkus sa pamamagitan ng pagbagsak nila ay
dumarating ang kaligtasan patungo sa mga Hentil, upang udyukan sila sa
paninibugho.
12 Ngayon kung
ang pagbagsak nila ay ang mga kayamanan ng sanlibutan, at ang pagliit nila ang
mga kayamanan ng mga Hentil; gaano pa lalo ang kalubusan nila?
13 Pagkat
nagsasalita ako sa inyong mga Hentil, yamang ako ang apostol ng mga Hentil, ay
dinadakila ko ang katungkulan ko:
14 Kung sa anumang paraan ay
maudyukan ko sa pagparis silang laman ko, at mailigtas ang ilan sa kanila,
15 Pagkat kung ang pagtatakuwil sa
kanila ang pagkakasundo ng sanlibutan, ano ba ang magiging pagtanggap sa
kanila, kundi buhay mula sa mga patay?
16 Pagkat kung ang unang-bunga ay
banal, ang limpak din naman ay banal: at kung ang ugat ay banal, gayon din ang
mga sanga.
17 At kung mabali ang ilan sa mga
sanga, at ikaw, na isang ligaw na punong olibo, ay idinugtong sa gitna nila, at
kasama nilang nakikibahagi sa ugat at katabaan ng punong olibo;
18 Huwag
magmayabang laban sa mga sanga. Ngunit kung magmayabang ka, hindi ikaw ang
nagdadala sa ugat, kundi ang ugat sa iyo.
19 Sasabihin mo
nga, Ang mga sanga ay nabali, upang maidugtong ako.
20 Mabuti;
dahil sa di-pananalig ay nabali sila, at ikaw ay tumatayo sa pamamagitan ng
pananampalataya. Huwag magmataas sa pag-iisip, kundi matakot:
21 Pagkat kung hindi pinatawad ng Diyos ang mga likas na sanga, mag-ingat baka hindi ka rin niya patawarin.
21 Pagkat kung hindi pinatawad ng Diyos ang mga likas na sanga, mag-ingat baka hindi ka rin niya patawarin.
22 Masdan kung
gayon ang kabutihan at kahigpitan ng Diyos: sa kanila na bumagsak, ay
kahigpitan; ngunit tungo sa iyo, ay kabutihan, kung nagpapatuloy ka sa
kabutihan niya: kung hindi ganoon ay puputulin ka rin naman.
23 At sila rin
naman, kung hindi na sila mananahan pa sa di-pananalig, ay idurugtong: pagkat kaya
ng Diyos na idugtong silang muli.
24 Pagkat kung
pinutol ka mula sa punong olibo na ligaw sa kalikasan, at idinugtong na
salungat sa kalikasan sa isang mabuting punong olibo: gaano pa ba lalong higit
ang mga ito, na mga likas na sanga, ay maidurugtong sa sarili nilang punong
olibo?
25 Pagkat hindi
ko nais, mga kapatid, na maging mangmang kayo sa hiwagang ito, baka magpakarunong
kayo sa sarili ninyong mga kahambugan; na ang pagkabulag sa bahagi ay
nangyayari sa Israel, hanggang pumasok ang kalubusan ng mga Hentil.
26 At sa gayon ay
maliligtas ang buong Israel: gaya ng nasusulat, May lalabas na Tagasagip mula
sa Siyon, at ilalayo ang di-pagkamakadiyos mula kay Jakob:
27 Pagkat ito
ang kasunduan ko patungo sa kanila, kapag aalisin ko na ang mga kasalanan nila.
28 Tungkol sa
mabuting-balita, ay mga kaaway sila alang-alang sa inyo: ngunit patungkol sa
paghirang, ay mga minamahal sila alang-alang sa mga ama.
29 Pagkat ang mga kaloob at pagtawag
ng Diyos ay walang pagsisisi.
30 Pagkat gaya ng kayo sa mga
panahong nakalipas ay hindi nanalig sa Diyos, gayunman ngayon ay nagkamit ng
awa sa pamamagitan ng kanilang di-pananalig:
31 Maging sa gayon ang mga ito ay
hindi rin ngayon nanalig, upang sa pamamagitan ng awa ninyo sila rin naman ay
magkamit ng awa.
32 Pagkat kinulong silang lahat ng Diyos
sa di-pananalig, upang maawa siya sa lahat.
33 O ang kalaliman ng mga kayamanan kapuwa
ng karunungan at kaalaman ng Diyos! gaanong di-masaliksik ang mga paghuhukom
niya, at ang mga daan niya ay di-malirip!
34 Pagkat sino ba ang nakaalam na ng
pag-iisip ng Panginoon? o sino na ba ang naging tagapayo niya?
35 O sino na ba ang unang nagbigay
sa kanya, at ibabayad itong muli sa kanya?
36 Pagkat mula sa kanya, at sa
pamamagitan niya, at patungo sa kanya, ang lahat ng bagay: sa kanya ang
kaluwalhatian magpakailan man. Amen.
NAMAMANHIK ako sa inyo kung gayon,
mga kapatid, sa pamamagitan ng mga awa ng Diyos, na iharap ninyo ang mga
katawan ninyo na isang buhay na hain, banal, katanggap-tanggap sa Diyos, na siya
ninyong makatuwirang paglilingkod.
2 At huwag tumulad sa sanlibutang
ito: kundi mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagpapanibago ng pag-iisip ninyo,
upang mapatunayan ninyo kung ano iyong mabuti, at katanggap-tanggap, at sakdal,
na kalooban ng Diyos.
3 Pagkat sinasabi ko, sa pamamagitan
ng biyayang ibinigay sa akin, sa bawa’t
taong nasa gitna ninyo, na huwag isipin ang sarili niya nang mas mataas kaysa
sa nararapat niyang isipin; kundi mag-isip nang mahinahon, kagaya ng sukat ng
pananampalataya na ibinahagi ng Diyos sa bawa’t tao.
4 Pagkat kung paanong marami tayong sangkap
sa iisang katawan, at ang lahat ng sangkap ay hindi magkatulad ang katungkulan:
5 Sa gayon tayo, na marami, ay
iisang katawan kay Kristo, at ang bawa’t isa ay mga sangkap ng isa’t isa.
6 Sa pagkakaroon nga ng mga kaloob
na nagkakaiba ayon sa biyayang ibinigay sa atin, maging hula, ay manghula tayo ayon
sa kasukatan ng pananampalataya;
7 O ministeryo,
ay maghintay tayo sa pagmiministeryo natin: o siya na nagtuturo, sa pagtuturo;
8 O siya na
nagtatagubilin, sa pagtatagubilin: siya na nagbibigay, hayaang gawin niya ito
sa kapayakan; siya na namumuno, nang may pagsisikap; siya na nagpapakita ng
awa, nang may pagkamasayahin.
9 Hayaang ang pagmamahal ay maging
walang pagpapanggap. Kasuklaman ang masama; dikitan ang mabuti.
10 Umibig nang mabait sa isa’t isa nang
may pagmamahalang magkakapatid; sa karangalan ay ipinagpapauna ang isa’t isa;
11 Hindi tamad sa kaabalahan;
mataimtim sa espiritu; naglilingkod sa Panginoon;
12 Nagagalak sa pag-asa; matiyaga sa
kagipitan; nagpapatuloy nang matatag sa panalangin;
13 Namamahagi sa pangangailangan ng
mga banal; mapagtanggap sa mga panauhin.
14 Pagpalain silang mga umuusig sa
inyo: pagpalain, at huwag sumpain.
15 Makigalak sa kanilang nagagalak,
at makitangis sa kanilang tumatangis.
16 Maging magkatulad ng pag-iisip
tungo sa isa’t isa. Huwag isipin ang mga matataas na bagay, kundi magpakababa
sa mga taong mababa ang kalagayan. Huwag magpakarunong sa sarili ninyong mga
kahambugan.
17 Huwag magbayad sa kaninumang tao
ng masama dahil sa masama. Maglaan ng
mga bagay na tapat sa paningin ng lahat ng tao.
18 Kung maaari ito, gaya ng abot ng
inyong makakaya, ay mamuhay nang mapayapa kasama ng lahat ng tao.
19 Mga pinakamamahal, huwag ninyong
ipaghiganti ang inyong sarili, kundi bagkus ay magbigay ng dako sa pagkapoot: pagkat
nasusulat, Sa akin ang paghihiganti; ako ang magbabayad, sabi ng Panginoon.
20 Kung gayon kung magutom ang
kaaway mo, pakainin mo siya; kung mauhaw siya, bigyan siya ng inumin: pagkat sa
paggawa ng gayon ay magbubunton ka ng mga baga ng apoy sa ulo niya.
21 Huwag magpadaig sa masama, kundi
daigin ng mabuti ang masama.
No comments:
Post a Comment