ANG SULAT NI PAULONG APOSTOL KAY
SI PAULO, na isang bilanggo ni Jesus
Kristo, at si Timoteo na kapatid natin, kay Filemon na pinakamamahal namin, at
kasamang-nagpapagal,
2 At sa minamahal naming si Apfia, at
si Arkipus na kasamang-kawal namin, at sa simbahan sa bahay mo:
3 Ang biyaya nawa ay sumainyo, at ang kapayapaan,
mula sa Diyos na Ama natin at sa Panginoong Jesus Kristo.
4 Pinapasalamatan ko ang aking Diyos,
na palaging gumagawa ng pagbanggit sa iyo sa mga panalangin ko,
5 Na naririnig ang tungkol sa
pagmamahal at pananampalataya mo, na mayroon ka tungo sa Panginoong Jesus, at
tungo sa lahat ng banal;
6 Upang ang pakikipagtalastasan ng iyong
pananampalataya ay maging mabisa sa pamamagitan ng pagkilala ng bawa’t mabuting
bagay na nasa iyo kay Kristo Jesus.
7 Pagkat may malaking kagalakan at kagiliwan
kami sa pagmamahal mo, dahil ang mga kaloob-looban ng mga banal ay napaginhawa
mo, kapatid.
8 Kaya nga, kahit maging mas matapang
ako kay Kristo na iutos sa iyo ang naaangkop,
9 Gayunman alang-alang sa pagmamahal ay
namamanhik ako bagkus sa iyo, bilang ganoong may-gulang na si Paulo, at ngayon ay isa rin
namang bilanggo ni Jesus Kristo.
10 Namamanhik ako sa iyo dahil sa anak
kong si Onesimus, na isinilang ko sa mga tanikala ko:
11 Na siya sa panahong lumipas ay hindi
naging kapaki-pakinabang sa iyo, ngunit ngayon ay kapaki-pakinabang sa iyo at
sa akin:
12 Na siyang isinusugo kong muli: kung
gayon ay tanggapin mo siya, na siyang, sarili kong kaloob-looban:
13 Na siyang nais kong manatiling
kasama ko, nang sa paghalili sa iyo ay makapag-ministeryo siya sa akin sa mga
tanikala ng mabuting-balita:
14 Ngunit kung wala ang pasiya mo ay
wala akong magagawa; upang ang pakinabang mo ay huwag maging gaya ng ito ay mula
sa pangangailangan, kundi kusang-loob.
15 Pagkat marahil kung gayon ay umalis
siya sa isang kapanahunan, nang matanggap mo siya magpakailan man;
16 Hindi na ngayon gaya ng isang
lingkod, kundi higit pa sa isang lingkod,
isang kapatid na minamahal, lalo na sa akin, ngunit gaano pa kaya mas
higit sa iyo, kapuwa sa laman, at sa Panginoon?
17 Kung ibinibilang mo ako kung gayon
na isang katoto, tanggapin siyang gaya ng sarili ko rin.
18 Kung nakagawa siya ng mali sa iyo, o
may utang sa iyo, ilagay mo iyon sa pananagutan ko;
19 Akong si Paulo ang sumusulat nito sa
sarili kong kamay, babayaran ko ito: gayon man ay hindi ko sinasabi sa iyo kung
paanong ikaw ay may-utang sa akin maging ang sarili mo rin.
20 Oo, kapatid, hayaang magkaroon ako ng kagalakan sa iyo sa Panginoon:
paginhawahin mo ang mga kaloob-looban ko sa Panginoon.
21 Taglay ang pagkakatiwala sa
pagtalima mo ay sumulat ako sa iyo, na nalalamang gagawa ka rin naman ng higit
pa kaysa sa sinasabi ko.
22 Ngunit bukod dito ay ipaghanda rin naman
ako ng matutuluyan: pagkat nagtitiwala akong sa pamamagitan ng mga panalangin
ninyo ay maibibigay ako sa inyo.
23 Diyan ay nagpupugay sa iyo si
Epafras, ang kasamang-bilanggo ko kay Kristo Jesus;
24 Si Markus, si
Aristarkus, si Demas, si Lukas, na mga kasamang-nagpapagal ko.
25 Ang biyaya ng ating Panginoong Jesus
Kristo nawa ay makasama ng espiritu mo. Amen.
No comments:
Post a Comment