HINDI ba ako isang apostol? hindi ba
ako malaya? hindi ko ba nakita si Jesus Kristo na Panginoon natin? hindi ba
kayo ang gawa ko sa Panginoon?
2 Kung hindi ako isang apostol sa mga
iba, gayunman walang-alinlangan ako ay sa inyo: pagkat ang tatak ng
pagka-apostol ko ay kayo sa Panginoon.
3 Ang sagot ko sa kanila na nagsusuri
sa akin ay ito,
4 Wala ba kaming kapangyarihan upang
kumain at upang uminom?
5 Wala ba kaming kapangyarihan upang magsama ng isang babaeng-kapatid, isang asawa,
na gaya ng ibang mga apostol, at gaya ng mga kapatid ng Panginoon, at ni Sefas?
6 O ako lamang ba at si Barnabas, wala
ba kaming kapangyarihang tumigil sa paggawa?
7 Sino ba ang pumaparoon sa isang
digmaan sa anumang panahon sa sarili niyang mga gugol? sino ba ang nagtatanim
ng isang ubasan, at hindi kumakain ng bunga niyon? o sino ba ang nagpapakain ng
isang kawan, at hindi kumakain mula sa gatas ng kawan?
8 Sinasabi ko ba
ang mga bagay na ito gaya ng isang tao? o hindi ba sinasabi ng batas ang gayon
din?
9 Pagkat nasusulat ito sa batas ni
Moses, Huwag mong bubusalan ang bibig ng baka na gumigiik ng mais. Ang Diyos ba
ay nangangalaga patungkol sa mga baka?
10 O sinasabi kaya niya ito sa
kalahatan alang-alang sa atin? Alang-alang sa atin, walang alinlangan, ito ay
nasusulat: upang siyang nag-aararo ay mag-araro sa pag-asa; at upang siyang gumigiik
sa pag-asa ay maging kabahagi ng pag-asa niya.
11 Kung naghasik kami sa inyo ng mga
espirituwal na bagay, isa ba itong malaking bagay kung aanihin namin ang mga bagay
ninyong ayon-sa-laman?
12 Kung ang mga iba ay mga kabahagi ng
kapangyarihang ito sa ibabaw ninyo, hindi ba kami bagkus? Gayon pa man ay hindi
namin ginamit ang kapangyarihang ito; kundi tinitiis ang lahat ng bagay, baka
makahadlang kami sa mabuting-balita ni Kristo.
13 Hindi ba ninyo nalalaman na silang
nagmiministeryo tungkol sa mga banal na bagay ay nabubuhay mula sa mga bagay ng
templo? at silang nagsisilbi sa dambana ay mga kabahagi ng dambana?
14 Maging gayon din ay ipinag-utos ng
Panginoon na silang nangangaral ng mabuting-balita ay mabubuhay mula sa
mabuting-balita.
15 Ngunit wala akong ginamit sa mga
bagay na ito: ni isinusulat ko ang mga bagay na ito, upang sa gayon ay magawa
ninyo sa akin: pagkat mas mabuti ito sa ganang akin na mamatay, kaysa pawalang-saysay
ng sinumang tao ang pagmamapuri ko.
16 Pagkat kahit nangangaral ako ng mabuting-balita, ay wala
akong maipagmamapuri: pagkat ang pangangailangan ay iniaatang sa akin; oo, sa
aba ko, kung hindi ko ipangaral ang mabuting-balita!
17 Pagkat kung ginagawa ko ang bagay na
ito nang kusang-loob, mayroon akong isang gantimpala: ngunit kung laban sa
kalooban ko, isang pagkabandahali ng mabuting-balita ay ipinagkakatiwala sa
akin.
18 Ano nga ba ang
gantimpala ko? Sa katotohanan na, kapag ipinapangaral ko ang mabuting-balita,
ay magawa kong walang kabayaran ang mabuting-balita ni Kristo, nang hindi ko magamit
nang labis ang kapangyarihan ko sa mabuting-balita.
19 Pagkat kahit na
malaya pa ako mula sa lahat ng tao, gayunman ay ginawa ko ang sarili ko na
lingkod ukol sa lahat, upang mahikayat ko ang mas marami.
20 At sa mga Judeo
ako ay naging gaya ng isang Judeo, upang mahikayat ko ang mga Judeo; sa
kanilang nasa ilalim ng batas, ay gaya ng nasa ilalim ng batas, upang mahikayat
ko silang nasa ilalim ng batas;
21 Sa kanilang
walang batas, ay gaya ng walang batas, (hindi bilang walang batas sa Diyos,
kundi nasa ilalim ng batas patungo kay Kristo,) upang mahikayat ko silang
walang batas.
22 Sa mahihina ay
naging gaya ako ng mahihina, upang mahikayat ko ang mahihina: ginawa akong lahat
ng bagay patungo sa lahat ng tao, upang sa lahat ng pamamaraan ay mailigtas ko
ang ilan.
23 At ginagawa ko ito alang-alang sa
mabuting-balita, upang maging kabahagi ako nito na kasama kayo.
24 Hindi ba ninyo nalalaman na silang
tumatakbo sa isang takbuhan ay tumatakbong lahat, ngunit iisa ang tumatanggap
ng ganting-pala? Tumakbo nang gayon, nang magkamit kayo.
25 At ang bawa’t tao na nakikipaglaban
sa laro ay mapagtimpi sa lahat ng bagay. Ngayon ay ginagawa nila ito upang
magkamit ng isang nasisirang putong; ngunit tayo ay ng isang di-nasisira.
26 Ako kung gayon ay tumatakbo nang
gayon, hindi gaya ng di-nakatitiyak; lumalaban ako nang gayon, hindi gaya ng
isang sumusuntok sa hangin:
27 Ngunit pinapahirapan ko ang katawan
ko, at dinadala ito sa pagpapailalim: baka sa anumang paraan, kapag
nakapangaral na ako sa mga iba, ay ako mismo ay maging isang itinakuwil.
KABANATA 10
BUKOD dito, mga kapatid, ay hindi ko nais
na maging mangmang kayo, kung paanong ang lahat ng ama natin ay napasa ilalim
ng ulap, at ang lahat ay tumawid sa dagat;
2 At ang lahat ay nabinyagan patungo
kay Moses sa ulap at sa dagat;
3 At ang lahat ay kumain ng gayon ding
espirituwal na pagkain;
4 At ang lahat ay uminom ng gayon ding
espirituwal na inumin: pagkat uminom sila mula sa espirituwal na Bato na
sumunod sa kanila: at ang Batong iyon ay si Kristo.
5 Ngunit sa marami sa kanila ay hindi
lubhang nalugod ang Diyos: pagkat sila ay ibinagsak sa ilang.
6 Ngayon ang mga bagay na ito ay naging
mga halimbawa natin, sa hangarin na hindi tayo magnasa sa masasamang bagay, na
gaya rin nila na nagnasa.
7 Ni maging mga mapagsamba sa
diyusdiyosan kayo, gaya ng ilan sa kanila; gaya ng nasusulat, Ang bayan ay
naupo upang kumain at uminom, at tumindig upang maglaro.
8 Ni makiapid tayo, gaya ng ginawa ng
ilan sa kanila, at ang nabuwal sa isang araw ay tatlo at dalawampung libo.
9 Ni tuksuhin natin si Kristo, gaya rin
ng ilan sa kanila na nanukso, at pinuksa ng mga ahas.
10 Ni magbulung-bulungan kayo, gaya ng
ilan sa kanila na nagbulung-bulungan din naman, at pinuksa ng mamumuksa.
11 Ngayon ang lahat ng bagay na ito ay
nangyari sa kanila bilang mga uliran: at nasusulat ang mga ito patungkol sa
ating pagpapaalala, na kung kanino ay dumarating ang mga katapusan ng sanlibutan.
12 Kaya nga hayaan siyang nag-iisip
na nakatayo siya ay mag-ingat na baka
siya mabuwal.
13 Walang tuksong nakarating sa inyo
kundi ang ganoong gaya ng karaniwan sa tao: ngunit matapat ang Diyos, na hindi niya
kayo papayagang tuksuhin nang higit sa kaya ninyo; kundi kasama ng tukso ay
gagawa rin naman ng isang daan upang makawala, upang makaya ninyong tiisin ito.
14 Kaya nga, mga pinakamamahal kong
kapatid, tumakas mula sa pagsamba sa diyusdiyosan.
15 Nagsasalita akong gaya ng sa
marurunong na tao; hukuman ninyo ang sinasabi ko.
16 Ang saro
ng pagpapala na pinagpapala natin, hindi ba ito ang pakikipag-isa ng dugo ni
Kristo? Ang tinapay na pinagpuputul-putol natin, hindi ba ito ang
pakikipag-isa ng katawan ni Kristo?
17 Pagkat tayo na
marami ay iisang tinapay, at iisang katawan: pagkat tayong lahat ay mga
kabahagi ng iisang tinapay na iyon.
18 Masdan ang Israel
na alinsunod sa laman: hindi ba silang kumakain mula sa mga hain ay mga
kabahagi ng dambana?
19 Ano nga ba ang
sinasabi ko? na ang diyusdiyosan ay anumang bagay, o ang inihahandog na hain sa
mga diyusdiyosan ay anumang bagay?
20 Ngunit sinasabi
ko, na ang mga bagay na inihahain ng mga Hentil, ay inihahain nila sa mga
diyablo, at hindi sa Diyos: at hindi ko nais na magkaroon kayo ng pakikisama sa
mga diyablo.
21 Hindi kayo maaaring
uminom sa saro ng Panginoon, at sa saro ng mga diyablo: hindi kayo maaaring
maging mga kabahagi ng dulang ng Panginoon, at ng dulang ng mga diyablo.
22 Inuudyukan ba natin ang Panginoon sa
paninibugho? mas malakas ba tayo sa kanya?
23 Ang lahat ng bagay ay makatuwiran sa
ganang akin, ngunit ang lahat ng bagay ay hindi naaangkop: ang lahat ng bagay
ay makatuwiran sa ganang akin, ngunit
ang lahat ng bagay ay hindi nagpapatibay.
24 Hayaang walang taong maghanap ng sa
kanyang sarili, kundi ang bawa’t tao sa ikabubuti ng iba.
25 Anuman ang ipinagbibili sa pamilihan
ng hayop, kainin iyon, na hindi nagtatanong ng anumang katanungan alang-alang
sa budhi:
26 Pagkat ang lupa ay sa Panginoon, at
ang kalubusan nito.
27 Kung ang sinuman sa kanilang hindi nananalig
ay mag-anyaya sa inyo patungo sa isang piging, at nakahanda kayong pumaroon;
anuman ang ihain sa harapan ninyo, ay kainin ninyo, na hindi nagtatanong ng
anumang katanungan alang-alang sa budhi.
28 Ngunit kung sabihin sa inyo ng
sinumang tao, Ito ay inihahandog na hain sa mga diyusdiyosan, huwag kumain
alang-alang sa kanyang nagpakita nito, at alang-alang sa budhi: pagkat ang lupa
ay sa Panginoon, at ang kalubusan nito:
29 Budhi, sinasabi ko, hindi ang sa
iyo, kundi ang sa iba: pagkat bakit ba hinuhukuman ang kamaharlikaan ko ng budhi
ng ibang tao?
30 Pagkat kung ako sa pamamagitan ng
biyaya ay maging isang kabahagi, bakit ba ako pinagsasalitaan ng masama dahil
doon sa binibigyang pasalamat ko?
31 Kung gayon kumakain man kayo, o
umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, ay gawin ang lahat sa ikaluluwalhati ng
Diyos.
32 Huwag magbigay ng anumang katitisuran,
sa mga Judeo, sa mga Hentil, o sa simbahan ng Diyos:
33 Maging gaya ko na nagbibigay-lugod
sa lahat ng tao sa lahat ng bagay, na hindi naghahanap ng sarili kong
pakinabang, kundi ng pakinabang ng marami, nang maligtas sila.
MAGING mga tagasunod ko kayo, maging
gaya ko rin naman ay kay Kristo.
2 Ngayon ay pinupuri ko kayo, mga
kapatid, na naaalala ninyo ako sa lahat ng bagay, at iniingatan ang mga palatuntunan,
gaya ng pagkabigay ko ng mga ito sa inyo.
3 Ngunit nais kong malaman ninyo, na
ang ulo ng bawa’t lalaki ay si Kristo; at ang ulo ng babae ay ang lalaki; at
ang ulo ni Kristo ay ang Diyos.
4 Ang bawa’t lalaking nananalangin o
nanghuhula, na ang ulo niya ay natatakpan, ay niwawalang-karangalan ang ulo
niya.
5 Ngunit ang bawa’t babaeng
nananalangin o nanghuhula na ang ulo niya ay di-natatakpan ay
niwawalang-karangalan ang ulo niya: pagkat iyon ay maging kagaya rin ng kung
inahitan siya.
6 Pagkat kung hindi natatakpan ang
isang babae, ay hayaan na rin siyang magpagupit: ngunit kung isa itong
kahihiyan patungkol sa isang babae na magpagupit o magpaahit, ay hayaan siyang
matakpan.
7 Pagkat ang isang lalaki talaga ay hindi
nararapat na magtakip ng ulo niya, yamang siya ang larawan at kaluwalhatian ng
Diyos: ngunit ang babae ang kaluwalhatian ng lalaki.
8 Pagkat ang lalaki ay hindi mula sa
babae; kundi ang babae ay mula sa lalaki.
9 Ni ang lalaki ay nilalang dahil sa
babae; kundi ang babae ay dahil sa lalaki.
10 Sa dahilang ito ay nararapat na
ang babae ay magkaroon ng kapangyarihan sa ibabaw ng ulo niya dahil sa mga
anghel.
11 Gayon pa man hindi ang lalaki ay
walang babae, ni ang babae ay walang lalaki, sa Panginoon.
12 Pagkat kung paanong ang babae ay mula
sa lalaki, ay maging gayon din naman ang lalaki ay sa pamamagitan ng babae; ngunit
ang lahat ng bagay ay mula sa Diyos.
13 Hukuman ninyo sa inyong sarili:
kaakit-akit ba ito na ang isang babae ay manalangin sa Diyos nang
di-natatakpan?
14 Hindi ba maging ang kalikasan
mismo ay nagtuturo sa inyo, na, kung ang isang lalaki ay may mahabang buhok, ay
isa itong kahihiyan sa kanya?
15 Ngunit kung ang isang babae ay
may mahabang buhok, isa itong kaluwalhatian sa kanya: pagkat ang buhok niya ay
ibinigay sa kanya bilang isang pantakip.
16 Ngunit kung ang sinumang tao ay
waring mahilig-makipagtalo, wala kaming ganoong kaugalian, ni ang mga simbahan
ng Diyos.
17 Ngayon dito ay isinasaysay ko sa
inyo na hindi ko kayo pinupuri, na nagkakasama-sama kayo hindi ukol sa mas
mabuti, kundi ukol sa mas masama.
18 Pagkat una sa lahat, kapag
nagkakasama-sama kayo sa simbahan, naririnig kong may mga pagkakahati-hati sa
gitna ninyo; at bahagya akong nananalig dito.
19 Pagkat dapat ring may mga
hidwang-paniniwala sa gitna ninyo, upang silang mga subok na ay malantad sa
gitna ninyo.
20 Kapag nagkakasama-sama kayo kung
gayon patungo sa iisang dako, hindi ito upang kumain ng hapunan ng Panginoon.
21 Pagkat sa pagkain ang bawa’t isa
ay kumukuha ng sarili niyang hapunan nang una sa iba: at ang isa ay gutom, at
ang iba ay lasing.
22 Ano ba? wala ba kayong mga bahay upang makainan at upang mainuman? o hinahamak ba ninyo ang simbahan ng
Diyos, at hinihiya silang mga wala ng anuman? Ano ba ang sasabihin ko sa inyo?
pupurihin ko ba kayo rito? hindi ko kayo pinupuri.
23 Pagkat tinanggap ko mula sa
Panginoon kung alin rin naman ang ibinigay ko sa inyo, Na ang Panginoong Jesus
sa gabing iyon din na ipinagkanulo siya ay kumuha ng tinapay:
24 At nang nakapagbigay pasalamat na
siya, ay pinagputul-putol niya ito, at sinabi, Kumuha, kumain: ito ang katawan
ko, na pinagputul-putol dahil sa inyo: gawin ito sa pag-alaala sa akin.
25 Alinsunod sa gayon ding
pamamaraan ay kinuha rin naman niya ang saro, nang nakapaghapunan na siya, na
nagsasabing, Ang sarong ito ang bagong tipan sa dugo ko: gawin ninyo ito, kung
gaano kadalas na iniinom ninyo ito, sa pag-alaala sa akin.
26 Pagkat kung gaano kayo kalimit na
kumakain sa tinapay na ito, at umiinom sa sarong ito, ay ipinapakita ninyo ang
kamatayan ng Panginoon hanggang sa dumating siya.
27 Kaya nga ang sinumang kakain ng
tinapay na ito, at iinom sa sarong ito ng Panginoon, nang di-nararapat, ay
magiging may-sala sa katawan at dugo ng Panginoon.
28 Ngunit hayaang suriin ng isang
tao ang kanyang sarili, at sa gayon ay hayaan siyang kumain mula sa tinapay na
iyon, at uminom mula sa sarong iyon.
29 Pagkat siya na kumakain at
umiinom nang di-nararapat, ay kumakain at umiinom ng pagkasumpa patungo sa
kanyang sarili, na hindi nasisiyasat ang katawan ng Panginoon.
30 Sa dahilang ito ay marami ang
mahihina at masasakitin sa gitna ninyo, at marami ang natutulog.
31 Pagkat kung huhukuman natin ang
ating sarili, ay hindi na tayo mahuhukuman.
32 Ngunit kapag tayo ay hinuhukuman,
ay pinapalo tayo ng Panginoon, nang hindi tayo mahatulang kasama ng sanlibutan.
33 Kaya nga, mga kapatid, kapag
nagkakasama-sama kayo upang kumain, maghintayan kayo sa isa’t isa.
34 At kung nagugutom ang sinumang
tao, ay hayaang kumain siya sa tahanan; nang hindi kayo magkasama-sama sa kahatulan.
At ang iba pa ay isasaayos ko kapag pumariyan na ako.
NGAYON tungkol sa mga espirituwal na
kaloob, mga kapatid, ay hindi ko nais na maging mangmang kayo.
2 Nalalaman ninyong mga Hentil kayo
dati, na dinalang palayo patungo sa mga piping diyusdiyosang ito, maging gaya
ng pag-akay sa inyo.
3 Kaya nga ibinibigay ko sa inyo upang
maunawaan, na walang taong nagsasalita sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos ang
tumatawag kay Jesus na isinumpa: at walang taong maaaring magsabing si Jesus ay
ang Panginoon, kundi sa pamamagitan ng Banal na Diwa.
4 Ngayon ay may mga pagkakaiba ng
mga kaloob, ngunit ng gayon ring Espiritu.
5 At may mga kaibahan ng mga
pamamahala, ngunit ng gayon ring Panginoon.
6 At may mga pagkakaiba ng mga pamamalakad,
ngunit ng gayon ring Diyos na gumagawa ng lahat sa lahat.
7 Ngunit ang paglalantad ng Espiritu
ay ibinibigay sa bawa’t tao upang pakinabangang kasama ng lahat.
8 Pagkat sa isa ay ibinibigay ng
Espiritu ang salita ng karunungan; sa iba’y ang salita ng kaalaman ng gayon
ring Espiritu;
9 Sa iba’y pananampalataya ng gayon
ring Espiritu; sa iba’y ang mga kaloob ng pagpapagaling ng gayon ring Espiritu;
10 Sa iba’y ang paggawa ng mga
himala; sa iba’y hula; sa iba’y pagsisiyasat ng mga espiritu; sa iba’y ang
iba’t ibang uri ng mga wika; sa iba’y ang pagbibigay-kahulugan ng mga wika:
11 Ngunit ang lahat ng ito ay
ginagawa ng iisa at ng gayon-at-gayon ring Espiritu, na isa-isang ipinaghahati-hati
sa bawa’t tao gaya ng maibigan niya.
12 Pagkat kung paanong ang katawan
ay iisa, at may maraming sangkap, at ang lahat ng sangkap ng iisang katawang
iyon, na marami, ay iisang katawan: ay gayon din naman si Kristo.
13 Pagkat tayong lahat ay
binibinyagan ng iisang Espiritu patungo sa iisang katawan, maging tayo man ay
mga Judeo o mga Hentil, maging tayo man ay alipin o malaya; at pinainom tayong
lahat patungo sa iisang Espiritu.
14 Pagkat ang katawan ay hindi
iisang sangkap, kundi marami.
15 Kung sasabihin ng paa, Dahil
hindi ako ang kamay, ay hindi ako sa katawan; ito ba kung gayon ay hindi sa
katawan?
16 At kung sasabihin ng tainga,
Dahil hindi ako ang mata, ay hindi ako sa katawan; ito ba kung gayon ay hindi
sa katawan?
17 Kung ang buong katawan ay isang
mata, nasaan ang pandinig? Kung ang kabuuan ay pandinig, nasaan ang pang-amoy?
18 Ngunit ngayon ay inilagay ng
Diyos ang mga sangkap bawa’t isa sa kanila sa katawan, gaya ng nakalugod sa
kanya.
19 At kung sila ay iisang sangkap,
nasaan ang katawan?
20 Ngunit ngayon sila ay maraming sangkap,
gayunman ay iisang katawan lamang.
21 At hindi maaaring sabihin ng mata
sa kamay, wala akong kailangan sa iyo: ni muli ng ulo sa paa, wala akong
kailangan sa iyo.
22 Hindi, lalong higit iyong mga sangkap
ng katawan, na wari ay mas mahihina, ay kinakailangan:
23 At iyong mga sangkap ng katawan,
na iniisip nating mas kaunti ang karangalan, sa mga ito ay nagkakaloob tayo ng
mas masaganang karangalan; at ang mga pangit nating bahagi ay may mas
masaganang kaakitan.
24 Pagkat ang mga kaakit-akit nating
bahagi ay walang kailangan: ngunit tinimplahan ng Diyos ang katawan nang
sama-sama, na nagbibigay ng mas masaganang karangalan sa bahagi na nagkulang:
25 Upang huwag magkaroon ng
pagkakabaha-bahagi sa katawan; kundi upang ang mga sangkap ay magkaroon ng gayon
ring pagmamalasakit patungkol sa isa’t isa.
26 At kung ang isang sangkap ay
magdusa, ang lahat ng sangkap ay nagdurusang kasama nito; o kung ang isang sangkap
ay maparangalan, ang lahat ng sangkap ay nagagalak na kasama nito.
27 Ngayon kayo
ang katawan ni Kristo, at mga sangkap na isa-isa.
28 At ang Diyos
ay naglagay ng ilan sa simbahan, una ang mga apostol, ikalawa ang mga propeta,
ikatlo ang mga guro, pagkatapos niyon ang mga himala, saka ang mga kaloob ng
mga pagpapagaling, ang mga pagtulong, ang mga pamamahala, ang mga pagkakaiba ng
mga wika.
29 Ang lahat ba
ay mga apostol? ang lahat ba ay mga propeta? ang lahat ba ay mga guro? ang
lahat ba ay mga manggagawa ng mga himala?
30 Ang lahat ba
ay may mga kaloob ng pagpapagaling? ang lahat ba ay nagsasalita ng mga wika?
ang lahat ba ay nagbibigay-kahulugan?
31 Ngunit mithiing
masikap ang pinakamabuting mga kaloob: at gayunman ay ipapakita ko sa inyo ang
isang mas magaling na daan.
No comments:
Post a Comment