Roma Kabanata 5, 6, 7 at 8

KABANATA 5

KUNG GAYON na mga inaaring-ganap ng pananampalataya, tayo ay may kapayapaang kasama ng Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesus Kristo:
2 Na sa pamamagitan din naman niya tayo ay may karapatang-pumasok sa pamamagitan ng pananampalataya patungo sa biyayang ito na kung saan ay nakatayo tayo, at nagagalak sa pag-asa ng kaluwalhatian ng Diyos.
3 At hindi lamang gayon, kundi nagmamapuri din naman tayo sa mga kagipitan: na nalalamang ang kagipitan ay nagsasagawa ng pagtitiyaga;
4 At ang pagtitiyaga, ng karanasan; at ang karanasan,  ng pag-asa:
5 At ang pag-asa ay hindi nanghihiya; dahil ang pagmamahal ng Diyos ay ibinubuhos sa mga puso natin sa pamamagitan ng Banal na Diwa na ibinibigay sa atin.
6 Pagkat noong mga wala pa tayong lakas, sa takdang panahon si Kristo ay namatay dahil sa mga di-makadiyos.
7 Pagkat bihira na dahil sa isang taong matuwid ay mamamatay ang isa: gayunman sakali dahil sa isang mabuting tao ang ilan ay maaaring mangahas na mamatay.
8 Ngunit ipinapakita ng Diyos ang pagmamahal niya tungo sa atin, nang, habang mga makasalanan pa tayo, si Kristo ay namatay dahil sa atin.
9 Lalong higit nga, na ngayon ay inaaring-ganap ng kanyang dugo, ay maliligtas tayo mula sa pagkapoot sa pamamagitan niya.
10 Pagkat kung, noong mga kaaway pa tayo, ay ipinagkasundo tayo sa Diyos sa pamamagitan ng kamatayan ng kanyang Anak, lalong higit, samantalang ipinagkasundo na, ay maliligtas tayo sa pamamagitan ng kanyang buhay.
11 At hindi lamang gayon, kundi nagagalak din naman tayo sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesus Kristo, na sa pamamagitan niya ay tinanggap na natin ngayon ang pagbabayad-pinsala.
12 Kaya nga, kung paanong sa pamamagitan ng iisang tao ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan, at ang kamatayan ay sa pamamagitan ng kasalanan; at sa gayon ang kamatayan ay dumaan sa lahat ng tao, pagkat doon ang lahat ay nagkasala:
13 (Pagkat ang kasalanan ay nasa sanlibutan hanggang sa batas: ngunit ang kasalanan ay hindi ibinibilang kung walang batas.
14 Gayon pa man ang kamatayan ay naghari mula kay Adam hanggang kay Moses, maging sa ibabaw nilang hindi nagkasala alinsunod sa pagkakawangis ng paglabag ni Adam, na siyang kahawig niya na paparating.
15 Ngunit hindi gaya ng pagsuway, ay gayon din ang walang bayad na kaloob. Pagkat kung sa pamamagitan ng pagsuway ng iisa ay marami ang namatay, lalong higit ang biyaya ng Diyos, at ang kaloob sa pamamagitan ng biyaya, na ito ay sa pamamagitan ng iisang tao, si Jesus Kristo, ay sumagana na sa marami.
16 At hindi gaya ng sa pamamagitan ng iisang nagkasala, ay gayon ang kaloob: pagkat ang paghuhukom ay sa pamamagitan ng iisa sa kahatulan, ngunit ang walang-bayad na kaloob ay sa ikaaaring-ganap sa maraming pagsuway.
17 Pagkat kung sa pamamagitan ng pagsuway ng iisang tao ang kamatayan ay naghari sa pamamagitan ng iisa; lalong higit silang tumatanggap ng kasaganaan ng biyaya at ng kaloob ng katuwiran ay maghahari sa buhay sa pamamagitan ng iisa, si Jesus Kristo.)
18 Kung gayon kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng iisa ay dumating ang paghuhukom sa lahat ng tao sa kahatulan;  maging gayon din sa pamamagitan ng katuwiran ng iisa ay dumating ang walang-bayad na kaloob sa lahat ng tao sa ikaaaring-ganap ng buhay.
19 Pagkat kung paanong sa pamamagitan ng di-pagtalima ng isang tao ang marami ay ginawang mga makasalanan, sa gayon sa pamamagitan ng pagtalima ng iisa ang marami ay gagawing matuwid.
20 Bukod dito ay pumasok ang batas, upang sumagana ang pagsuway. Ngunit kung saan sumagana ang kasalanan, ay lalong higit na sumagana ang biyaya:
21 Upang kung paanong ang kasalanan ay naghari sa ikamamatay, maging gayon din ang biyaya ay maghahari sa pamamagitan ng katuwiran sa ikabubuhay na walang-hanggan sa pamamagitan ni Jesus Kristo na Panginoon natin.

5
7

KABANATA 6
ANO nga ba ang sasabihin natin? Magpapatuloy ba tayo sa kasalanan, nang sumagana ang biyaya?
2 Ipagbawal nawa ng Diyos. Paano ba tayo, na mga patay na sa kasalanan, ay mabubuhay pa nang matagal doon?
3 Hindi ba ninyo nalalaman, na ang napakarami sa atin na nabinyagan patungo kay Jesus Kristo ay nabinyagan patungo sa kamatayan niya?
4 Kung gayon ay nakalibing tayong kasama niya sa pamamagitan ng binyag patungo sa kamatayan: upang katulad ni Kristo na ibinangon mula sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, maging sa gayon tayo rin naman ay lumakad sa kabaguhan ng buhay.
5 Pagkat kung itinanim na tayo nang sama-sama sa wangis ng kamatayan niya, ay magiging sa wangis din naman tayo ng pagkabuhay niyang muli:
6 Na nalalaman ito, na ang lumang tao natin ay nakapako sa kurus na kasama niya, upang ang katawan ng kasalanan ay mapuksa, upang simula ngayon ay hindi na tayo maglingkod pa  sa kasalanan.
7 Pagkat siya na patay na ay pinalaya na mula sa kasalanan.
8 Ngayon kung namatay na tayong kasama ni Kristo, ay nananalig tayong mabubuhay rin naman tayong kasama niya:
9 Na nalalamang si Kristo na binubuhay mula sa mga patay ay hindi na namamatay pa; ang kamatayan ay wala nang pamamanginoon sa ibabaw niya.
10 Pagkat doon sa ikinamatay niya, ay ikinamatay niya patungo sa kasalanan nang minsan: ngunit doon sa ikinabubuhay niya, ay ikinabubuhay niya patungo sa Diyos.
11 Sa katulad na paraan ay ituring ninyo ang sarili ninyo na mga patay na talaga patungo sa kasalanan, ngunit mga buhay patungo sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus Kristo na Panginoon natin.
12 Huwag hayaan kung gayon na maghari ang kasalanan sa may-kamatayan ninyong katawan, upang talimahin ninyo ito sa mga pita nito.
13 Ni isuko ninyo ang mga sangkap ninyo gaya ng mga kasangkapan ng kalikuan patungo sa kasalanan: kundi isuko ang sarili ninyo patungo sa Diyos, gaya ng mga iyon na nabuhay mula sa mga patay, at ang mga sangkap ninyo gaya ng mga kasangkapan ng katuwiran patungo sa Diyos.
14 Pagkat ang kasalanan ay hindi magkakaroon ng pamamanginoon sa ibabaw ninyo: pagkat wala kayo sa ilalim ng batas, kundi nasa ilalim ng biyaya.
15 Ano nga ba? magkakasala ba tayo, dahil wala tayo sa ilalim ng batas, kundi nasa ilalim ng biyaya? Ipagbawal nawa ng Diyos.
16 Hindi ba ninyo nalalaman, na kung kanino ninyo isinusuko ang inyong sarili na mga lingkod upang talimahin, kayo ay mga lingkod niya kung kanino kayo tumatalima; maging ng kasalanan sa ikamamatay, o ng pagtalima sa ikatutuwid?
17 Ngunit pasalamat sa Diyos, na naging mga lingkod kayo ng kasalanan, ngunit tumalima kayo mula sa puso doon sa anyo ng turong ibinigay sa inyo.  
18 Samantalang pinapalaya na nga mula sa kasalanan, ay naging mga lingkod kayo ng katuwiran.
19 Nagsasalita ako alinsunod sa pamamaraan ng mga tao dahil sa karamdaman ng laman ninyo: pagkat kung paanong isinuko na ninyo ang mga sangkap ninyo patungo sa karumihan at sa kawalang-katarungan hanggang sa kawalang-katarungan; maging gayon ngayon ay isuko ang mga sangkap ninyo na mga lingkod patungo sa katuwiran sa ikababanal.
20 Pagkat noong mga lingkod pa kayo ng kasalanan, ay malaya  kayo mula sa katuwiran.
21 Anong bunga ba kayo mayroon noon sa mga bagay na iyon na ngayon ay ikinahihiya ninyo? pagkat ang katapusan ng mga bagay na iyon ay kamatayan.
22 Ngunit ngayon na pinapalaya na mula sa kasalanan, at naging mga lingkod patungo sa Diyos, ay may bunga kayo sa ikababanal, at ang katapusan ay buhay na panghabang-panahon.
23 Pagkat ang pasahod ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang-hanggan sa pamamagitan ni Jesus Kristo na Panginoon natin.

6
8

KABANATA 7
HINDI ba ninyo nalalaman, mga kapatid, (pagkat nagsasalita ako sa kanilang nakakaalam ng batas,) kung paanong ang batas ay may pamamanginoon sa ibabaw ng isang tao habang nabubuhay siya?
2 Pagkat ang babaeng may isang bana[1] ay natatalian ng batas sa kanyang bana habang nabubuhay ito; ngunit kung patay na ang bana, siya ay kalag na mula sa batas ng kanyang bana.
3 Sa gayon nga kung, habang nabubuhay pa ang kanyang bana, na mag-asawa siya ng ibang lalaki, ay tatawagin siyang isang babaeng-mapangalunya: ngunit kung patay na ang kanyang bana, ay malaya na siya mula sa batas; anupa’t hindi siya isang babaeng-mapangalunya, kahit na mag-asawa pa siya ng ibang lalaki.
4 Kaya nga, mga kapatid ko, naging mga patay rin naman kayo sa batas sa pamamagitan ng katawan ni Kristo; upang makapag-asawa kayo ng iba, maging sa kanya na ibinangon mula sa mga patay, nang magbunga tayo ng bunga patungo sa Diyos.
5 Pagkat noong nasa laman tayo, ang mga pasakit ng mga kasalanan, na ang mga ito ay sa pamamagitan ng batas, ay gumawa sa mga sangkap natin upang magbunga ng bunga sa ikamamatay.
6 Ngunit ngayon ay sinasagip tayo mula sa batas, na mga patay na doon sa nagtali sa atin; upang maglingkod tayo sa kabaguhan ng espiritu, at hindi sa kalumaan ng titik.
7 Ano nga ba ang sasabihin natin? Ang batas ba ay kasalanan? Ipagbawal nawa ng Diyos. Hindi, hindi ko nalaman ang kasalanan, kundi sa pamamagitan ng batas: pagkat hindi ko nalaman ang pita, malibang sinabi ng batas, Huwag kang mag-iimbot.
8 Ngunit ang kasalanan, na kumukuha ng kadahilanan sa pamamagitan ng kautusan, ay nagsagawa sa akin ng lahat ng pamamaraan ng pagnanasa. Pagkat kung walang batas ay patay ang kasalanan.
9 Pagkat minsan akong nabuhay na hiwalay sa batas: ngunit nang dumating ang kautusan, ay muling binuhay ang kasalanan, at ako ay namatay.
10 At ang kautusan, na siyang itinalaga sa ikabubuhay, ay natagpuan kong sa ikamamatay.
11 Pagkat ang kasalanan, na kumukuha ng kadahilanan sa pamamagitan ng kautusan, ay luminlang sa akin, at sa pamamagitan nito ay pumatay sa akin.
12 Kaya nga ang batas ay banal, at ang kautusan ay banal, at makatarungan, at mabuti.
13 Iyon nga bang mabuti ang gumawa ng kamatayan patungo sa akin? Ipagbawal nawa ng Diyos. Ngunit ang kasalanan, upang ito ay maipakitang kasalanan, ay gumagawa ng kamatayan sa akin sa pamamagitan ng kung alin ang mabuti; upang ang kasalanan sa pamamagitan ng kautusan ay maging labis na makasalanan.
14 Pagkat nalalaman natin na ang batas ay espirituwal: ngunit ako ay ayon-sa-laman, na ipinagbili sa ilalim ng kasalanan.
15 Pagkat kung ano ang ginagawa ko ay hindi ko pinapahintulutan: pagkat kung ano ang nais ko, ay hindi ko iyon ginagawa; kundi kung ano ang kinamumuhian ko, iyon ang ginagawa ko.
16 Kung ginagawa ko nga ang hindi ko nais, ay sumasang-ayon ako sa batas na ito ay mabuti.
17 Ngayon nga ay hindi na ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang nananahan sa akin.
18 Pagkat nalalaman kong sa akin (iyon ay, sa laman ko,) ay walang mabuting bagay na nananahan: pagkat ang mag-ibig ay narito sa akin; ngunit kung paano isasagawa ang mabuti ay hindi ko matagpuan.
19 Pagkat ang mabuti na nais ko ay hindi ko ginagawa: kundi ang masama na hindi ko nais, iyon ang ginagawa ko.
20 Ngayon kung ginagawa ko ang hindi ko nais, hindi na ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang nananahan sa akin.
21 Natatagpuan ko nga ang isang batas, na, kapag nais kong gumawa ng mabuti, ang masama ay narito sa akin.
22 Pagkat nasisiyahan ako sa batas ng Diyos alinsunod sa panloob na tao:
23 Ngunit may nakikita akong ibang batas sa mga sangkap ko, na nakikipagdigma laban sa batas ng pag-iisip ko, at dinadala ako patungo sa pagkabihag sa batas ng kasalanang nasa mga sangkap ko.
24 O kahabag-habag na tao ako! sino ang sasagip sa akin mula sa katawan ng kamatayang ito?
25 Nagpapasalamat ako sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus Kristo na Panginoon natin. Sa gayon nga sa pag-iisip ako mismo ay naglilingkod sa batas ng Diyos; ngunit sa laman ay sa batas ng kasalanan.

7
9

KABANATA 8

KUNG GAYON ngayon ay walang kahatulan sa kanilang nakay Kristo Jesus, na hindi lumalakad alinsunod sa laman, kundi alinsunod sa Espiritu.
2 Pagkat ang batas ng Espiritu ng buhay kay Kristo Jesus ang nagpalaya na sa akin mula sa batas ng kasalanan at kamatayan.
3 Pagkat kung ano ang hindi magawa ng batas, sa gayong ito ay mahina sa pamamagitan ng laman, ang Diyos sa pagsusugo ng kanyang sariling Anak na nasa wangis ng makasalanang laman, at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ang kasalanang nasa laman:
4 Upang ang katuwiran ng batas ay maganap sa atin, na hindi lumalakad alinsunod sa laman, kundi alinsunod sa Espiritu.
5 Pagkat silang alinsunod sa laman ay nag-iisip ng mga bagay ng laman; ngunit silang alinsunod sa Espiritu ay ng mga bagay ng Espiritu.
6 Pagkat ang maging mapag-isip nang ayon-sa-laman ay kamatayan; ngunit ang maging mapag-isip nang espirituwal ay buhay at kapayapaan.
7 Dahil ang pag-iisip na ayon-sa-laman ay pakikipag-away laban sa Diyos: kasi ito ay hindi nagpapailalim sa batas ng Diyos, ni talagang maaari.
8 Sa gayon nga silang nasa laman ay hindi maaaring makalugod sa Diyos.
9 Ngunit wala kayo sa laman, kundi nasa Espiritu, kung sa gayon na ang Espiritu ng Diyos ay nananahan sa inyo. Ngayon kung walang taglay na Espiritu ni Kristo ang sinumang tao, ay hindi siya sa kanya.
10 At kung si Kristo ay nasa inyo, ang katawan ay patay dahil sa kasalanan; ngunit ang Espiritu ay buhay dahil sa katuwiran.
11 Ngunit kung ang Espiritu niyang nagbangon kay Jesus mula sa mga patay ay nananahan sa inyo, siyang nagbangon kay Kristo mula sa mga patay ang bubuhay sa mga may-kamatayan ninyong katawan sa pamamagitan ng kanyang Espiritung nananahan sa inyo.
12 Kung gayon, mga kapatid, tayo ay mga may-utang, hindi sa laman, upang mabuhay alinsunod sa laman.
13 Pagkat kung nabubuhay kayo alinsunod sa laman, ay mamamatay kayo: ngunit kung kayo sa pamamagitan ng Espiritu ay pumapatay sa mga gawain ng katawan, ay mabubuhay kayo.
14 Pagkat ang maraming pinapangunahan ng Espiritu ng Diyos, sila ang mga lalaking-anak ng Diyos.
15 Pagkat hindi ninyo tinanggap ang espiritu ng pagkaalipin muli sa ikatatakot; kundi tinanggap ninyo ang Espiritu ng pagkukupkop, na sa pamamagitan nito ay humihiyaw tayo ng, Abba, Ama.
16 Ang Espiritu mismo ay nakikisaksing kasama ng espiritu natin, na tayo ay mga anak ng Diyos:
17 At kung mga anak, ay mga tagapagmana nga; mga tagapagmana ng Diyos, at mga kalakip-na-tagapagmana ni Kristo; kung sa gayon na tayo ay nakikipagtiis sa kanya, nang maluwalhati rin naman tayong sama-sama.
18 Pagkat itinuturing kong ang mga pagdurusa ng kasalukuyang panahong ito ay hindi karapat-dapat na ihambing sa kaluwalhatiang mabubunyag sa atin.
19 Pagkat ang masikap na pag-asam ng nilalang ay naghihintay sa paglalantad sa mga lalaking-anak ng Diyos.
20 Pagkat ang nilalang ay ipinailalim sa kawalang-kabuluhan, hindi kusang-loob, kundi dahil sa kanyang nagpailalim ng gayon din sa pag-asa,
21 Dahil ang mismong nilalang din naman ay sasagipin mula sa pagkaalipin ng kabulukan patungo sa maluwalhatiang kamaharlikaan [2] ng mga anak ng Diyos.
22 Pagkat nalalaman natin na ang buong paglalang ay dumadaing at nagdaramdam sa pasakit nang sama-sama hanggang ngayon.
23 At hindi lamang sila, kundi tayo mismo rin naman, na may mga unang-bunga ng Espiritu, maging tayo mismo rin naman ay dumadaing sa loob ng ating sarili, na naghihintay sa pagkukupkop, sa katunayan, ang katubusan ng katawan natin.
24 Pagkat tayo ay ligtas sa pamamagitan ng pag-asa: ngunit ang pag-asang nakikita ay hindi pag-asa: pagkat kung nakikita ng isang tao, bakit pa niya ito aasahan?
25 Ngunit kung inaasahan natin ang hindi natin nakikita, ay hinihintay nga natin ito nang may pagtitiyaga.
26 Sa katulad na paraan ang Espiritu rin naman ay tumutulong sa mga karamdaman natin: pagkat hindi natin nalalaman kung ano ang idadalangin natin gaya ng nararapat: ngunit ang Espiritu mismo ay gumagawa ng pamamagitan dahil sa atin nang may mga pagdaing na hindi maaaring bigkasin.
27 At siya na sumasaliksik sa mga puso ay nakakaalam kung ano ang pag-iisip ng Espiritu, dahil gumagawa siya ng pamamagitan dahil sa mga banal ayon sa kalooban ng Diyos.
28 At nalalaman nating ang lahat ng bagay ay gumagawa nang sama-sama ukol sa mabuti sa kanilang nagmamahal sa Diyos, sa kanilang mga tinatawag ayon sa layunin niya.
29 Pagkat silang nakilala niya nang una, ay itinadhana rin naman niya nang pauna upang matulad sa larawan ng kanyang Anak, upang maging panganay siya sa gitna ng maraming kapatid.
30 Bukod dito silang itinadhana niya nang pauna, sila rin naman ay tinawag niya: at silang tinawag niya, sila rin naman ay inaring-ganap niya: at silang inaring-ganap niya, sila rin naman ay niluwalhati niya.
31 Ano nga ba ang sasabihin natin sa mga bagay na ito? Kung ang Diyos ay ukol sa atin, sino ang maaaring maging laban sa atin?
32 Siya na hindi ipinagkait ang sarili niyang Anak, kundi ibinigay siya dahil sa ating lahat, paanong hindi niya ibibigay sa atin na kasama rin naman niya nang walang-bayad ang lahat ng bagay?
33 Sino ba ang maglalagay ng anumang bagay sa ikapaparatang ng mga hinirang ng Diyos? Ang Diyos ang umaaring-ganap.
34 Sino ba siyang humahatol? Si Kristo na namatay, oo bagkus, na nabuhay muli, na siya rin namang nasa kanang kamay ng Diyos, na gumagawa rin naman ng pamamagitan dahil sa atin.
35 Sino ba ang maghihiwalay sa atin mula sa pagmamahal ni Kristo? ang kagipitan ba, o ang kahapisan ba, o ang pag-uusig ba, o ang taggutom ba, o ang kahubaran ba, o ang panganib ba, o ang tabak ba?
36 Gaya ng nasusulat, Alang-alang sa iyo ay pinapatay kami sa buong araw; ibinibilang kaming gaya ng mga tupang nauukol sa katayan.
37 Hindi, sa lahat ng bagay na ito ay higit pa tayo sa mga manlulupig sa pamamagitan niyang nagmamahal sa atin.
38 Pagkat naniniwala ako, na hindi ang kamatayan, ni ang buhay, ni ang mga anghel, ni ang mga pamunuan, ni ang mga kapangyarihan, ni ang mga bagay na kasalukuyan, ni ang mga bagay na darating,
39 Ni ang taas, ni ang lalim, ni anumang ibang nilalang, ang makakayang maghiwalay sa atin mula sa pagmamahal ng Diyos, na nakay Kristo Jesus na Panginoon natin.




[1] Sebuwano, bana; Tagalog,  asawang lalaki; Eng.  husband
[2]  Liberty; Freedom; Kamaharlikaan, mula sa “Maharlika” – free, noble

No comments:

Post a Comment