SI PAULO, at si Silvanus, at si Timoteus, sa
simbahan ng mga taga-Tesalonika na ito ay nasa Diyos Ama at nasa Panginoong Jesus
Kristo: Ang biyaya nawa ay sumainyo, at ang kapayapaan, mula sa Diyos na Ama
natin, at sa Panginoong Jesus Kristo.
2 Nagbibigay pasalamat kami sa Diyos nang
palagi patungkol sa inyong lahat, na gumagawa ng pagbanggit sa inyo sa mga
panalangin namin;
3 Na inaalala nang walang tigil ang inyong gawa
ng pananampalataya, at pagpapagal ng
pagmamahal, at pagtitiyaga ng pag-asa sa ating Panginoong Jesus Kristo, sa
paningin ng Diyos at Ama natin;
4 Na nalalaman, mga kapatid na minamahal, ang inyong
pagkahirang ng Diyos.
5 Pagkat ang mabuting-balita namin ay hindi
dumating sa inyo sa salita lamang, kundi sa kapangyarihan din naman, at sa
Banal na Diwa, at sa lubha pang katiyakan; gaya ng nalalaman ninyo kung anong
uri ng mga tao kami sa gitna ninyo alang-alang sa inyo.
6
At naging mga tagasunod namin kayo, at ng Panginoon, na tinatanggap ang salita
sa lubhang paghihirap, na may kagalakan ng Banal na Diwa:
7
Anupa’t naging mga uliran kayo ng lahat ng nananalig na nasa Masedonya at
Akaya.
8
Pagkat galing sa inyo ay tumunog ang salita ng Panginoon hindi lamang sa Masedonya
at Akaya, kundi sa bawa’t dako rin naman na ang pananampalataya ninyo tungo sa
Diyos ay lumalaganap; anupa’t hindi na namin kailangang magsalita ng anumang
bagay.
9
Pagkat sila mismo ang nagpakita sa amin kung anong uri ang naging pagpasok
namin sa loob sa inyo, at kung paanong bumaling kayo patungo sa Diyos galing sa mga diyusdiyosan upang
paglingkuran ang buhay at totoong Diyos;
10
At upang hintayin ang Anak niya galing sa langit, na siyang binuhay niya mula
sa mga patay, samakatuwid ay si Jesus, na sumagip sa atin mula sa pagkapoot na
darating.
PAGKAT kayo mismo, mga kapatid, ang nakakaalam
ng pagpasok namin sa loob sa inyo, na ito ay hindi walang-kabuluhan:
2 Ngunit maging pagkatapos na nagtiis kami
noong una, at nakakahiyang tinarato, gaya ng nalalaman ninyo, sa Filipos, ay matapang
kaming nasa Diyos namin na salitain sa inyo ang mabuting-balita ng Diyos nang
may lubhang pagtatalo.
3 Pagkat ang
pagtatagubilin namin ay hindi mula sa panlilinlang, ni mula sa karumihan, ni sa
pandaraya:
4 Kundi gaya ng
pinahintulutan kami ng Diyos upang mapagkatiwalaan ng mabuting-balita, maging
sa gayon ay nagsasalita kami; hindi gaya ng nagbibigay-lugod sa mga tao, kundi
sa Diyos, na siyang sumusubok sa mga puso namin.
5 Pagkat hindi sa anumang
panahon ay gumamit kami ng mga salitang pakunwaring-papuri, gaya ng nalalaman
ninyo, ni ng isang balabal ng kasakiman; ang Diyos ay saksi:
6 Ni naghanap man kami ng
kaluwalhatian mula sa mga tao, ni mula sa inyo, ni mula sa mga iba pa man, noong
kami ay maaaring maging pabigat, gaya ng mga apostol ni Kristo.
7 Kundi kami ay naging
malumanay sa gitna ninyo, maging gaya ng isang sisiwa na kumakandili sa mga
anak niya:
8 Kaya samantalang
magiliw na naghahangad sa inyo, iniibig naming maibahagi sa inyo, hindi lamang
ang mabuting-balita ng Diyos, kundi maging ang sarili naming mga kaluluwa,
dahil kayo ay mahal sa amin.
9 Pagkat naaalala ninyo,
mga kapatid, ang pagpapagal at pagdaramdam namin: dahil sa pagpapagal gabi at
araw, dahil hindi namin nais na maging pasanin sa kaninuman sa inyo, na
ipinangaral namin sa inyo ang mabuting-balita ng Diyos.
10 Kayo ay mga saksi, at
ang Diyos din naman, kung gaano kabanal at kaganap at di-mapipintasan naming
inasal ang sarili namin sa gitna ninyong nananalig:
11 Gaya ng nalalaman ninyo
kung paano namin tinagubilinan at inaliw at inatasan ang bawa’t isa sa inyo,
gaya ng ginagawa ng isang ama sa mga anak niya,
12 Upang makalakad kayong
karapat-dapat sa Diyos, na siya ang tumawag sa inyo patungo sa kaharian at
kaluwalhatian niya.
13 Sa dahilang ito rin
naman ay nagpapasalamat kami sa Diyos nang walang tigil, dahil, nang tinanggap
ninyo ang salita ng Diyos na narinig ninyo mula sa amin, ay tinanggap ninyo ito
hindi gaya ng salita ng mga tao, kundi gaya ng ito ay sa katotohanan, ang salita
ng Diyos, na ito ay mabisang gumagawa rin naman sa inyong nananalig.
14 Pagkat kayo, mga
kapatid, ay naging mga tagasunod ng mga simbahan ng Diyos na ang mga ito sa Judea
ay nakay Kristo Jesus: pagkat kayo rin naman ay nagtiis na ng katulad ring mga
bagay mula sarili ninyong mga kababayan, maging gaya naman nila mula sa mga Judeo:
15 Na sila ang kapuwa
pumatay sa Panginoong Jesus, at sa sarili nilang mga propeta, at nag-usig sa
amin; at hindi sila nagbibigay-lugod sa Diyos, at mga salungat sa lahat ng tao:
16 Na pinagbabawalan
kaming magsalita sa mga Hentil upang maligtas ang mga ito, upang mapuno ang mga
kasalanan nila nang tuluy-tuloy: pagkat ang pagkapoot ay dumarating sa ibabaw
nila hanggang sa sukdulan.
17 Ngunit kami, mga
kapatid, na mga nahihiwalay sa inyo sa isang maiksing panahon sa harapan, hindi
sa puso, ay nagsumikap nang mas masagana pa na makita ang mukha ninyo nang may
masidhing paghahangad.
18 Kaya nga nais naming makarating sa inyo, maging
akong si Paulo, minsan at muli; ngunit hinadlangan kami ng Satanas.
19 Pagkat ano ba ang pag-asa namin, o
kagalakan, o putong ng pagkakagalak? Hindi ba samakatuwid ay kayo sa harapan ng
ating Panginoong Jesus Kristo sa pagdating niya?
20 Pagkat kayo ang aming kaluwalhatian at
kagalakan.
No comments:
Post a Comment