KAYA nga nang hindi na namin kayang
tiisin pa, inisip naming mabuti ito na maiwan sa Atenas nang mag-isa;
2 At isinugo si Timoteus, na kapatid
natin, at ministro ng Diyos, at kasamang-nagpapagal namin sa mabuting-balita ni Kristo, upang patatagin
kayo, at upang aliwin kayo tungkol sa pananampalataya ninyo:
3 Upang walang taong makilos ng mga
paghihirap na ito: pagkat kayo mismo ay nakakaalam na itinakda kami ukol roon.
4 Pagkat sa katotohanan, noong kasama
ninyo kami, ay sinabi namin sa inyo noong una na magtitiis kami ng kagipitan;
maging gaya ng ito ay nangyari, at nalalaman ninyo.
5 Sa dahilang ito, nang hindi ko na
kayang tiisin pa, ay nagsugo ako upang malaman ang pananampalataya ninyo, baka
sa ilang paraan ay matukso kayo ng manunukso, at mapawalang kabuluhan ang
pagpapagal namin.
6 Ngunit ngayon nang dumating sa amin si
Timoteus galing sa inyo, at nagdala ng mabubuting balita ng pananampalataya at
pagsinta ninyo, at ang kayo ay may mabuting pag-alala sa amin palagi, na
masidhing naghahangad na makita kami, gaya naman namin na makita kayo:
7 Kung gayon, mga kapatid, ay naaliw kami
sa inyo sa buo naming paghihirap at kahapisan sa pamamagitan ng pananampalataya
ninyo:
8 Pagkat ngayon ay nabubuhay kami, kung
tatayo kayong matatag sa Panginoon.
9 Pagkat ano bang mga pasasalamat ang maaari
naming maiganting muli sa Diyos dahil sa inyo, dahil sa buong kagalakan na kung
saan ay nagagalak kami alang-alang sa inyo sa harapan ng Diyos natin;
10 Gabi at araw na dumadalangin nang
labis na makita namin ang mukha ninyo, at mapasakdal ang nagkukulang sa
pananampalataya ninyo?
11 Ngayon ang Diyos mismo at Ama natin,
at ang ating Panginoong Jesus Kristo, ay pumatnubay nawa sa daan namin patungo
sa inyo.
12 At ang Panginoon nawa ay magpalago
sa inyo at magpasagana sa pagmamahal tungo sa isa’t isa, at tungo sa lahat ng
tao, maging gaya ng ginagawa namin tungo sa inyo:
13 Hanggang sa katapusan nawa ay
mapatatag niya ang mga puso ninyo na di-mapipintasan sa kabanalan sa harapan ng
Diyos, samakatuwid ay ang Ama natin, sa pagdating ng ating Panginoong Jesus
Kristo kasama ng lahat ng mga banal niya.
BUKOD dito nga ay namamanhik kami sa
inyo, mga kapatid, at nagtatagubilin sa inyo sa pamamagitan ng Panginoong Jesus,
na gaya ng pagtanggap ninyo mula sa amin ng kung paano kayo nararapat na
lumakad at magbigay-lugod sa Diyos, sa gayon ay sumagana kayo nang higit at
higit pa.
2 Pagkat nalalaman ninyo kung anong mga
kautusan ang ibinigay namin sa inyo sa pamamagitan ng Panginoong Jesus.
3 Pagkat ito ang kalooban ng Diyos,
samakatuwid ay ang pagpapakabanal ninyo, na umiwas kayo mula sa pakikiapid:
4 Na malaman ng bawa’t isa sa inyo kung
paanong taglayin ang sisidlan niya sa pagpapakabanal at karangalan;
5 Hindi sa pita ng pagnanasa, maging
gaya ng mga Hentil na hindi nakakakilala sa Diyos:
6 Na walang taong lalampas at mandaraya
sa kapatid niya sa anumang bagay: dahil sa ang Panginoon ang tagapaghiganti ng
lahat ng ganoon, gaya ng pagbababala rin naman namin nang una sa inyo at
pinatotohanan.
7 Pagkat hindi tayo tinawag ng Diyos patungo
sa karumihan, kundi patungo sa kabanalan.
8 Siya kung gayon na humahamak, ay
hindi tao ang hinahamak, kundi ang Diyos, na siyang nagbigay rin naman sa atin
ng banal na Espiritu niya.
9 Ngunit patungkol sa pagmamahalang
magkakapatid ay hindi ninyo kailangang isulat ko pa sa inyo: pagkat kayo mismo
ay tinuturuan ng Diyos na mahalin ang isa’t isa.
10 At talagang ginagawa ninyo ito tungo
sa lahat ng kapatid na nasa buong Masedonya: ngunit namamanhik kami sa inyo,
mga kapatid, na lumago kayo nang higit at higit pa;
11 At nang mag-aral kayong maging
tahimik, at gawin ang sarili ninyong kaabalahan, at gumawa sa sarili ninyong
mga kamay, gaya ng iniutos namin sa inyo;
12 Upang makalakad kayo nang tapat
tungo sa kanila na nasa labas, at nang magkaroon kayo ng kakulangan sa wala.
13 Ngunit hindi ko nais na maging
mangmang kayo, mga kapatid, tungkol sa kanilang natutulog, upang huwag kayong
malumbay, maging gaya ng mga ibang walang pag-asa.
14 Pagkat kung nananalig tayong si Jesus
ay namatay at nabuhay na muli, maging gayon din naman silang natutulog kay Jesus
ay dadalhin ng Diyos na kasama niya.
15 Pagkat ito ang ang sinasabi namin sa
inyo sa pamamagitan ng salita ng Panginoon, na tayong nabubuhay at natitira
hanggang sa pagdating ng Panginoon ay hindi mauuna sa kanilang natutulog.
16 Pagkat ang Panginoon mismo ay bababang
galing sa langit na may isang sigaw, na may tinig ng arkanghel, at nang may
tambuli ng Diyos: at ang mga patay kay Kristo ay unang mabubuhay:
17 Saka tayong nabubuhay at natitira ay
aagawing pataas nang sama-sama na kasama nila sa mga ulap, upang salubungin ang
Panginoon sa hangin: at makakasama natin nang gayon kailanman ang Panginoon
18 Kaya nga aliwin
ang isa’t isa ng mga salitang ito.
NGUNIT tungkol sa
mga panahon at mga kapanahunan, mga kapatid, ay hindi ninyo kailangang isulat
ko pa sa inyo.
2 Pagkat kayo
mismo ay nakakaalam nang ganap na ang araw ng Panginoon ay dumarating nang
gayon na gaya ng isang magnanakaw sa gabi.
3 Pagkat kapag
sinasabi nilang, Kapayapaan at katiwasayan; kung magkagayon ang biglang
pagkapuksa ay dumarating sa kanila, gaya ng pagdaramdam ng isang babaeng
nagdadalantao; at hindi sila makakawala.
4 Ngunit kayo, mga
kapatid, ay wala sa dilim, upang maabutan kayo ng araw na iyon gaya ng isang
magnanakaw.
5 Kayong lahat ay
mga anak ng liwanag, at mga anak ng araw: hindi tayo sa gabi, o sa dilim.
6 Kung gayon ay huwag tayong matulog, gaya ng
ginagawa ng mga iba; kundi magbantay tayo at magpakahinahon.
7 Pagkat silang natutulog ay natutulog
sa gabi; at silang naglalasing ay naglalasing sa gabi.
8 Ngunit tayo, na mga sa araw, ay
magpakahinahon, na isinusuot ang baluting-pandibdib ng pananampalataya at
pagmamahal; at bilang isang helmet, ang pag-asa ng kaligtasan.
9 Pagkat hindi tayo itinakda ng Diyos sa
pagkapoot, kundi upang magkamit ng kaligtasan sa pamamagitan ng ating
Panginoong Jesus Kristo,
10 Na siyang namatay dahil sa atin,
upang, maging gising o tulog man tayo, ay sama-sama tayong mabuhay na kasama
niya.
11 Kaya nga aliwin ang inyong sarili
nang sama-sama, at magpatibayan isa’t
isa, maging gaya ng ginagawa na rin naman ninyo.
12 At namamanhik kami sa inyo, mga
kapatid, na kilalanin silang nagpapagal sa gitna ninyo, at nasa ibabaw ninyo sa
Panginoon, at nagpapaalala sa inyo;
13 At pahalagahan sila nang napakataas sa
pagmamahal alang-alang sa gawa nila. At maging mapayapa sa gitna ng inyong
sarili.
14 Ngayon ay nagtatagubilin kami sa
inyo, mga kapatid, na balaan silang di-nagpapasakop, aliwin ang
mahihinang-isip, suportahan ang mahihina, maging matiyaga tungo sa lahat ng
tao.
15 Tiyaking walang gaganti ng masama dahil
sa masama sa kaninumang tao; kundi kailanman ay sundan ang mabuti, kapuwa sa
gitna ng inyong sarili, at sa lahat ng tao.
16 Magalak kailanman.
17 Manalangin nang walang tigil.
18 Sa bawa’t bagay ay magbigay pasalamat:
pagkat ito ang kalooban ng Diyos kay Kristo Jesus tungkol sa inyo.
19 Huwag apulain ang Espiritu.
20 Huwag hamakin ang panghuhula.
21 Patunayan ang lahat ng bagay;
panghawakang mahigpit ang mabuti.
22 Iwasan ang buong hitsura ng
kasamaan.
23 At ang mismong Diyos ng kapayapaan
ay magpapabanal sa inyo nang lubos; at dumadalangin ako sa Diyos na ang buo ninyong
espiritu at kaluluwa at katawan ay mapanatiling walang-kapintasan hanggang sa
pagdating ng ating Panginoong Jesus Kristo.
24 Matapat siya na tumatawag sa inyo,
na siya rin namang gagawa nito.
25 Mga kapatid, manalangin patungkol sa
amin.
26 Batiin ang lahat ng kapatid nang may
isang banal na halik.
27 Inaatasan ko
kayo sa pamamagitan ng Panginoon na ipabasa ang sulat na ito sa lahat ng banal
na kapatid.
28 Ang biyaya ng ating Panginoong Jesus
Kristo nawa ay makasama ninyo. Amen.
Ang
unang sulat sa mga taga-Tesalonika
ay
isinulat ni Paulo mula sa Korinto noong A.D. 52
No comments:
Post a Comment