Hebreo Kabanata 1, 2 at 3

ANG SULAT NI PAULONG APOSTOL SA
MGA HEBREO


KABANATA 1

ANG DIYOS, na sa magkakaibang panahon at sa iba’t ibang pamamaraan ay nagsalita sa panahong nakalipas sa mga ama sa pamamagitan ng mga propeta,
2 Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan ng kanyang Anak, na siyang itinakda niyang tagapagmana ng lahat ng bagay, na sa pamamagitan din naman niya ay ginawa niya ang mga sanlibutan;
3 Na siyang kaningningan ng kaluwalhatian niya, at ang katulad-na-katulad na larawan ng persona niya, at umaalalay sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng salita ng kapangyarihan niya, nang siya sa pamamagitan ng kanyang sarili ay naglinis sa mga kasalanan natin, ay umupo sa kanang kamay ng Kamahalan sa kaitaasan;
4 Na ginawang higit na mas mabuti kaysa sa mga anghel, gaya ng sa pamamagitan ng pamana ay nakamtan niya ang isang mas magaling na pangalan kaysa sa kanila.
5 Pagkat sino ba sa mga anghel ang sinabihan niya sa anumang panahon, Ikaw ang Anak ko, sa araw na ito ay isinilang kita? At muli, ako ay magiging isang Ama sa kanya, at siya ay magiging isang Anak sa akin?
6 At muli, nang dinadala na niya ang unang-isinilang patungo sa sanlibutan, ay sinasabi niya, At hayaang ang lahat ng anghel ng Diyos ay sumamba sa kanya.
7 At tungkol sa mga anghel ay sinasabi niya, Siyang gumagawa sa mga anghel niya na mga espiritu, at sa mga ministro niya na isang ningas ng apoy.
8 Ngunit sa Anak ay sinasabi niya, Ang luklukan mo, O Diyos, ay magpakailan at kailan man: ang isang setro ng katuwiran ay ang setro ng kaharian mo.
9 Minahal mo ang katuwiran, at kinamuhian ang kawalang-katarungan; kung gayon ang Diyos, samakatuwid ay ang Diyos mo, ay nagpahid sa iyo ng langis ng katuwaan nang higit sa mga kasama mo.
10 At, Ikaw, Panginoon, sa pasimula ang naglagay sa kinasasaligan ng lupa; at ang mga langit ay mga gawa ng mga kamay mo:
11 Sila ay mawawasak; ngunit ikaw ay natitira; at silang lahat ay magiging luma gaya ng isang kasuotan;
12 At gaya ng isang pananamit ay titiklupin mo sila, at mapapalitan sila: ngunit ikaw ay gayon pa rin, at ang mga taon mo ay hindi matatapos.
13 Ngunit sino ba sa mga anghel ang  sinabihan niya sa anumang panahon, Umupo sa kanang kamay ko, hanggang sa magawa kong tuntungan mo ang mga kaaway mo?
14 Hindi ba silang lahat ay mga espiritung nagmiministeryo, na isinugo upang magministeryo ukol sa kanilang magmamana ng kaligtasan?

 
KABANATA 2
KUNG GAYON ay nararapat nating pag-ukulan nang mas masikap na pakikinig ang mga bagay na narinig na natin, baka sa anumang panahon ay mahayaan nating silang mawala.
2 Pagkat kung ang salitang sinalita ng mga anghel ay matatag, at ang bawa’t paglabag at di-pagtalima ay tumanggap ng isang makatarungang kabayaran ng gantimpala;
3 Paano tayong makakawala, kung pinababayaan natin ang napakadakilang kaligtasan; na sa una ay sinimulang salitain ng Panginoon, at pinagtibay sa atin nilang nakarinig sa kanya;
4 Ang Diyos din naman ay nakikisaksi sa kanila, kapuwa nang may mga tanda at mga kababalaghan, at nang may iba’t ibang himala, at mga kaloob ng Banal na Diwa, ayon sa kanyang sariling kalooban?
5 Pagkat sa mga anghel ay hindi niya ipinailalim ang sanlibutang darating, na tungkol dito ang sinasalita namin.
6 Ngunit ang isa sa isang tiyak na dako ay nagpatotoo, na nagsasabing, Ano ba ang tao, na ikaw ay maalalahanin sa kanya? o ang anak ng tao, na dinadalaw mo siya?
7 Ginawa mo siyang isang mas mababa nang kaunti kaysa sa mga anghel; pinutungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan, at inilagay siya sa ibabaw ng mga gawa ng mga kamay mo:
8 Inilagay mo ang lahat ng bagay sa pagpapailalim sa ilalim ng kanyang mga paa. Pagkat doon na inilagay niya ang lahat sa pagpapailalim sa ilalim niya, ay wala siyang iniwang hindi nailagay sa ilalim niya. Ngunit ngayon ay hindi pa natin nakikita na ang lahat ng bagay ay inilagay sa ilalim niya.
9 Ngunit nakikita natin si Jesus, na siyang ginawang isang mas mababa nang kaunti kaysa sa mga anghel dahil sa pagdurusa ng kamatayan, ay pinutungan ng kaluwalhatian at karangalan; upang siya sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos ay makatikim ng kamatayan dahil sa bawa’t tao.
10 Pagkat ito ay nababagay sa kanya, na ukol sa kanya ang lahat ng bagay, at sa pamamagitan niya ang lahat ng bagay, sa pagdadala ng maraming lalaking-anak sa kaluwalhatian, upang pasakdalin ang kapitan ng kanilang kaligtasan sa pamamagitan ng mga pagdurusa.
11 Pagkat kapuwa siya na nagpapabanal at sila na pinapabanal ay lahat sa iisa: pagkat sa dahilan nito ay hindi siya nahihiyang tawagin silang mga kapatid,
12 Na nagsasabing, Isasaysay ko ang pangalan mo sa mga kapatid ko, sa kalagitnaan ng simbahan ay aawit ako ng papuri sa iyo.
13 At muli, Ilalagay ko ang pagtitiwala ko sa kanya. At muli, Masdan ako at ang mga anak na ibinigay ng Diyos sa akin.
14 Yaman nga na ang mga anak ay mga kabahagi ng laman at dugo, siya rin naman sa katulad na paraan ay kumuha ng bahagi mula doon rin; upang sa pamamagitan ng kamatayan ay kanyang mapuksa siya na may kapangyarihan sa kamatayan, iyon ay, ang diyablo;
15 At sagipin sila na sa pamamagitan ng pagkatakot sa kamatayan ay napailalim sa pagkaalipin sa buong buhay nila.
16 Pagkat sa katotohanan hindi siya kumuha patungkol sa kanya ng kalikasan ng mga anghel; kundi kinuha niya patungkol sa kanya ang binhi ni Abraham.
17 Kaya nga sa lahat ng bagay ay kinailangan ito na siya ay maging katulad sa mga kapatid niya, upang siya ay maging isang maawain at matapat na mataas na pari sa mga bagay na patungkol sa Diyos, upang gumawa ng pagkakasundo patungkol sa mga kasalanan ng bayan.
18 Pagkat dahil siya mismo ay nagdusa na tinutukso, ay kaya niyang saklolohan silang mga tinutukso.

KABANATA 3
KAYA NGA, mga banal na kapatid, mga kabahagi ng makalangit na pagkakatawag, isaalang-alang ang Apostol at Mataas na Pari ng pahayag, si Kristo Jesus;
2 Na siyang naging matapat sa kanyang nagtakda sa kanya, gaya rin naman ni Moses na matapat sa buong bahay niya.
3 Pagkat ang taong ito ay ibinilang na karapatdapat sa higit na kaluwalhatian kaysa kay Moses, yamang siya na nagtayo ng bahay ay may higit na karangalan kaysa sa bahay.
4 Pagkat ang bawa’t bahay ay itinatayo ng isang tao; ngunit siya na nagtayo ng lahat ng bagay ay ang Diyos.
5 At si Moses sa katotohanan ay matapat sa buong bahay niya, gaya ng isang lingkod, bilang isang patotoo ng mga bagay na iyong sasalitain pagkatapos;
6 Ngunit si Kristo gaya ng isang lalaking-anak sa ibabaw ng sarili niyang bahay; na ang kanyang bahay ay tayo, kung pinanghahawakan nating mahigpit ang pagkakatiwala at ang pagkagalak ng pag-asa nang matatag hanggang sa katapusan.
7 Kaya nga (gaya ng sinasabi ng Banal na Diwa, Sa kasalukuyang araw kung pakikinggan ninyo ang tinig niya,
8 Huwag pagmatigasin ang mga puso ninyo, gaya ng sa pag-uudyok, sa araw ng pagtukso sa ilang:
9 Noong tinukso ako ng inyong mga ama, sinubok ako, at nakita ang mga gawa ko sa apatnapung taon.
10 Kaya nga napighati ako sa salinlahing iyon, at sinabi, Tuluy-tuloy silang naliligaw sa puso nila; at hindi na nila nalaman ang mga daan ko.
11 Sa gayon ay sumumpa ako sa pagkapoot ko, Hindi sila papasok sa kapahingahan ko.)
12 Mag-ingat, mga kapatid, na baka magkaroon ng sinuman sa inyo ng isang masamang puso ng di-pananalig, sa pag-alis mula sa buhay na Diyos.
13 Ngunit magtagubilinan sa isa’t isa araw-araw, habang ito ay tinatawag na Kasalukuyang araw; baka ang sinuman sa inyo ay mapatigas sa pamamagitan ng pagkamalinlangin ng kasalanan.
14 Pagkat nagiging mga kabahagi tayo ni Kristo, kung pinanghahawakan natin ang pasimula ng pagkakatiwala natin hanggang sa katapusan;
15 Habang sinasabi ito, Sa kasalukuyang araw kung diringgin mo ang tinig niya, huwag pagmatigasin ang mga puso ninyo, gaya ng sa pag-uudyok.
16 Pagkat ang ilan, nang nakarinig sila, ay nag-udyok: subali’t hindi ang lahat ng lumabas buhat sa Ehipto sa pamamagitan ni Moses.
17 Ngunit kanino ba siya napighati nang apatnapung taon? hindi ba sa kanilang nagkasala, na ang mga bangkay nila ay bumagsak sa ilang?
18 At kanino ba siya sumumpa na hindi sila makakapasok sa kapahingahan niya, kundi sa kanilang hindi nanalig?

19 Sa gayon ay nakikita natin na hindi sila nakapasok dahil sa di-pananalig.

1 comment:

  1. Great work you are doing! I'm interested in ANY interlinear format
    with Tagalog and English. With Tagalog in both contemporary script
    and also Baybayin and then English would be the ultimate dream. Ideas?
    I'm not Filipino, but am a Messianic Jew, and study Biblical Hebrew, however
    I have a scholarly background in Asian studies and a long interest and
    extreme admiration for the peoples of the Philippines. Very recently I decided
    to explore learning Tagalog, and the thought of learning the Baybayin script
    makes it yet more exciting to me, possibly because I am an artist and do
    artistic work with Hebrew, English, and some Spanish calligraphy.

    i love the KJV also. I've never been totally sold on the KJV-Only position,
    but the KJV is, hands down, my favorite translation, and I've studied the
    history of the creation of the KJV also, which is very fascinating indeed.

    Rory
    roreeewhite@gmail.com
    www.artslant.com/website/rorywhite
    congratulations for your amazing work.

    ReplyDelete