SI PAULO, na isang
apostol ni Jesus Kristo sa pamamagitan ng kautusan ng Diyos na Tagapagligtas
natin, at Panginoong Jesus Kristo, na pag-asa natin;
2 Kay Timoteo, na sarili
kong anak sa pananampalataya: Biyaya, awa, at kapayapaan, mula sa Diyos na Ama
natin at Jesus Kristo na Panginoon natin.
3 Gaya ng ipinamanhik ko
sa iyo na manatili pa sa Efesus, nang pumaroon ako sa Masedonya, nang maatasan
mo ang ilan na huwag silang magturo ng ibang turo,
4 Ni magbigay ng pakinig
sa mga katha at walang-katapusang mga talaan-ng-lahi, na nagdudulot ng mga
katanungan, sa halip na ikatitibay na makadiyos na nasa pananampalataya, gayon
ang gawin.
5 Ngayon ang katapusan ng
kautusan ay ang pagsinta buhat sa isang pusong dalisay, at sa isang mabuting budhi,
at sa pananampalatayang di-pakunwari:
6 Na mula roon ang ilang nasinsay ay bumaling
sa mga walang-kabuluhang pag-uusap;
7 Na naghahangad na maging mga guro ng batas;
na hindi nauunawaan ang sinasabi nila, ni kung alin ang kanilang
pinaninindigan.
8 Ngunit nalalaman natin na ang batas ay
mabuti, kung ginagamit ito ng isang tao nang makatuwiran;
9 Na nalalaman ito, na ang batas ay hindi
ginawa dahil sa isang taong matuwid, kundi dahil sa mga walang-batas at mga di-matalimahin,
dahil sa mga di-makadiyos at dahil sa mga makasalanan, dahil sa mga di-banal at
mga lapastangan, dahil sa mga mamamaslang ng mga ama at mga mamamaslang ng mga
ina, dahil sa mga mamamatay-tao,
10 Dahil sa mga bugaw, dahil sa kanila na
dinudungisan ang kanilang sarili sa kapuwa-lalaki, dahil sa mga nandurukot ng
mga tao, dahil sa mga sinungaling, dahil sa mga taong sumusumpa ng walang
katototohanan, at kung may iba pang anumang bagay na salungat sa wastong turo;
11 Ayon sa maluwalhating mabuting-balita ng
pinagpalang Diyos, na ipinagkatiwala sa pag-iingat ko.
12 At pinapasalamatan ko si Kristo Jesus na
Panginoon natin, na nagbigay-kakayahan sa akin, pagkat ibinilang niya akong
matapat, na inilalagay ako sa ministeryo;
13 Ako na dating isang lapastangan, at isang
mang-uusig, at mapaminsala: ngunit nagkamit ako ng awa, dahil ginawa ko ito
nang mangmang sa di-pananampalataya.
14 At ang biyaya ng Panginoon natin ay lubhang
masagana na may pananampalataya at pagmamahal na nakay Kristo Jesus.
15 Ito ay isang matapat na kasabihan, at
karapat-dapat sa buong pagtanggap, na si Kristo Jesus ay dumating sa sanlibutan
upang iligtas ang mga makasalanan; na sa kanila ay ako ang puno.
16 Subali’t sa dahilang ito ay nagkamit ako ng
awa, upang sa akin muna ay maipakita ni Jesus Kristo ang buong pagbabata niya, bilang
isang huwaran sa kanila na pagkatapos nito ay mananalig sa kanya sa buhay na
panghabang-panahon.
17 Ngayon sa Haring walang-hanggan, walang-kamatayan,
di-nakikita, ang kaisa-isang marunong na Diyos, ay ang karangalan at
kaluwalhatian magpakailan at kailan man. Amen.
18 Ang atas na ito ay ipinagkakatiwala ko sa
iyo, anak na Timoteo, ayon sa mga hula na nauna sa iyo, upang sa pamamagitan
nila ay makipagdigma ka ng mabuting pakikipagdigma;
19 Na pinanghahawakan ang pananampalataya, at ang
isang mabuting budhi; na ang mga ito ay inaalis ng ilan na tungkol sa
pananampalataya ay nakagawa ng pagkawasak ng barko:
20 Na sa kanila ay sina Himeneus
at Alexander; na ibinigay ko sa Satanas, nang matuto silang huwag
lumapastangan.
AKO ay nagtatagubilin
kung gayon, na, una sa lahat, na ang mga paghiling, ang mga panalangin, ang mga
pamamagitan, at ang pagbibigay ng pasalamat, ay gawin patungkol sa lahat ng
tao;
2 Patungkol sa mga hari,
at patungkol sa lahat ng nasa kapamahalaan; upang manguna tayo ng isang tahimik
at payapang buhay sa buong pagkamakadiyos at katapatan.
3 Pagkat ito ay mabuti at katanggap-tanggap sa
paningin ng Diyos na Tagapagligtas natin;
4 Na may ibig na ang lahat ng tao ay maligtas,
at makarating sa kaalaman ng katotohanan.
5 Pagkat may iisang Diyos, at iisang
tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, ang taong si Kristo Jesus:
6 Na nagbigay ng kanyang sarili na isang
pantubos dahil sa lahat, nang mapatotohanan sa takdang panahon.
7 Na doon ay itinalaga akong isang
mangangaral, at isang apostol, (nagsasalita ako ng katotohanan kay Kristo, at
hindi nagsisinungaling;) isang guro ng mga Hentil sa pananampalataya at pagkatotoo.
8 Ibig ko nga kung gayon na ang mga lalaki ay
manalangin kahit saan, na itinataas ang mga banal nilang kamay, na walang
pagkapoot at pag-aalinlangan.
9 Sa katulad na pamamaraan din naman, na gayakan
ng mga babae ang kanilang mga sarili sa mahinhing pananamit, na may
nahihiyang-mukha at kahinahunan; hindi ng nakatirintas na buhok, o ginto, o mga
perlas, o mamahaling kasuotan.
10 Kundi (ang nababagay sa mga babae na
nagpapahayag ng pagkamakadiyos) ng mabubuting gawa.
11 Hayaang matuto ang babae sa katahimikan na
may buong pagpapailalim.
12 Ngunit hindi ko pinapayagan na ang isang
babae ay magturo, ni mang-agaw ng kapamahalaan sa ibabaw ng lalaki, kundi upang
manahimik.
13 Pagkat si Adam ang
unang inanyuan, pagkatapos ay si Eva.
14 At si Adam ay hindi nalinlang, kundi ang
babae na nalinlang ay napasa paglabag.
15 Sa kabila nito ay maliligtas siya sa
panganganak-ng-bata, kung magpatuloy sila sa pananampalataya at pagsinta at
kabanalan na may kahinahunan.
ITO ay isang totoong kasabihan, Kung ang isang
tao ay maghangad ng katungkulan ng isang obispo[1], ay naghahangad siya ng
isang mabuting gawa.
2 Ang isang obispo[2] nga dapat ay walang-kapintasan, ang bana
ng iisang asawa, mapagbantay, mahinahon, may mabuting kaasalan, mapagtanggap sa
mga panauhin, tumpak magturo;
3 Hindi mahilig sa alak, hindi mapanakit,
hindi matakaw sa maruming kapakinabangan; kundi matiyaga, hindi isang palaaway,
hindi sakim;
4 Isang namumunong mabuti sa sarili niyang
bahay, na ipinapailalim ang kanyang mga anak nang may buong paggalang;
5 (Pagkat kung hindi alam ng isang tao kung
paanong pamunuan ang sarili niyang bahay, paano siyang mangangalaga sa simbahan[3] ng Diyos?)
6 Hindi isang baguhan, na baka sa pag-angat na
may pagmamalaki siya ay mahulog sa kahatulan ng diyablo.
7 Bukod dito ay dapat siyang magkaroon ng isang
mabuting ulat mula sa kanilang nasa labas; baka mahulog siya sa pagpula at
bitag ng diyablo.
8 Sa katulad na paraan ang mga diyakono[4] ay dapat na
kagalang-galang, hindi dalawang-dila, hindi mahilig sa maraming alak, hindi
matakaw sa maruming kapakinabangan;
9 Na pinanghahawakan ang hiwaga ng
pananampalataya sa isang dalisay na budhi.
10 At hayaan din na ang mga ito ay mapatunayan
muna; saka sila hayaang gampanan ang katungkulan ng isang diyakono, samantalang
natagpuang walang-kapintasan.
11 Maging gayon din ang mga asawa nila dapat
ay kagalang-galang, hindi mga mapanirang-puri, mahinahon, matapat sa lahat ng
mga bagay.
12 Hayaang ang mga diyakono ay maging mga bana
ng iisang asawa, na pinamumunuan ang mga anak nila at ang mga sarili nilang
bahay nang mabuti.
13 Pagkat silang gumaganap ng katungkulan ng
isang diyakono nang mabuti ay nagtatamo ukol sa kanilang sarili ng isang magandang
antas, at dakilang katapangan sa pananampalataya na nakay Kristo Jesus.
14 Ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa
iyo, na umaasang makakarating sa iyo sa madaling panahon:
15 Ngunit kung matagalan ako, nang malaman mo
kung paano kang nararapat umasal sa bahay ng Diyos, na ito ay ang simbahan ng
buhay na Diyos, ang haligi at suhay ng katotohanan.
16 At walang pagtatalunan dakila ang hiwaga ng
pagkamakadiyos: Ang Diyos ay nalantad sa laman, inaring-ganap sa Espiritu,
nakita ng mga anghel, ipinangaral sa mga Hentil, pinanaligan sa sanlibutan,
tinanggap pataas patungo sa kaluwalhatian.
[1] Office of a bishop,
Episcopate; Gk. Episkopi
[2] Gk. Episkopos; Eng. Bishop,
Overseer, Superintendent, Supervisor, Investigator, General Manager, President; Tag. Tagapangasiwa, Taga-bahala, Bahala tgpNsiw, tgbhl
[4] Gk. Diakonos; Eng. Deacon,
Attendant, Community Servant;
Tag. Tagapaglingkod tgpg=liN=kod=
No comments:
Post a Comment