1 Timoteo Kabanata 4, 5 at 6

KABANATA 4
NGAYON ang Espiritu ay nagsasalita nang hayagan, na sa dakong-huling mga panahon ang ilan ay aalis mula sa pananampalataya, na magbibigay ng pakinig sa mga mapang-akit na espiritu, at mga turo ng mga diyablo;
2 Na nagsasalita ng mga kasinungalingan sa pagpapaimbabaw; na pinapaso ang budhi nila ng isang  mainit na bakal;
3 Na ipinagbabawal ang pag-aasawa, at nag-uutos na umiwas sa mga pagkain, na nilalang ng Diyos upang tanggaping may pagpapasalamat nilang nananalig at nakakaalam ng katotohanan.
4 Pagkat ang bawa’t nilalang ng Diyos ay mabuti, at walang dapat tanggihan, kung tinatanggap itong may pagpapasalamat:
5 Pagkat pinababanal ito ng salita ng Diyos at panalangin.
6 Kung mailagay mo ang mga kapatid sa pag-alaala sa mga bagay na ito, ikaw ay magiging isang mabuting ministro ni Jesus Kristo, na naalagaan sa mga salita ng pananampalataya at ng mabuting turo, na doon ay natamo mo na.
7 Ngunit tanggihan mo ang lapastangan at mga katha ng matatandang asawa, at sanayin ang sarili mo bagkus sa pagkamakadiyos.
8 Pagkat sa pagsasanay na pangkatawan ay may kaunting mapapakinabangan: ngunit ang pagkamakadiyos ay kapaki-pakinabang sa lahat ng bagay, na mayroong pangako ng buhay sa ngayon, at ng sa darating.
9 Ito ay isang matapat na kasabihan at karapat-dapat sa buong pagtanggap.
10 Pagkat kung gayon tayo ay kapuwa nagpapagal at nagtitiis ng pagpula, dahil tayo ay nagtitiwala sa buhay na Diyos, na siyang Tagapagligtas ng lahat ng tao, lalo na nilang nananalig.
11 Ang mga bagay na ito ay iutos at ituro.
12 Huwag hayaan ang sinuman na humamak sa kabataan mo; kundi maging isang halimbawa ka ng mga nananalig, sa salita, sa pamumuhay, sa pagsinta, sa espiritu, sa pananampalataya, sa kadalisayan.
13 Hanggang sa dumating ako, magbigay pansin sa pagbabasa, sa pagtatagubilin, sa turo.
14 Huwag pabayaan ang kaloob na nasa iyo, na ito ay ibinigay sa iyo sa pamamagitan ng hula, na may pagpapatong ng mga kamay ng presbiteryo.
15 Pagbulay-bulayan ang mga bagay na ito; ibigay ang sarili mo nang lubos sa kanila; upang ang pakikinabang mo ay makita ng lahat.
16 Mag-ingat sa iyong sarili, at sa turo; magpatuloy sa kanila: pagkat sa paggawa mo nito ay kapuwa mo maililigtas ang iyong sarili, at sila na nakikinig sa iyo.

KABANATA 5
HUWAG sawayin ang isang matanda, kundi magsumamo sa kanyang gaya sa isang ama; at ang mga nakababatang lalaki gaya ng mga lalaking-kapatid;
2 Ang matatandang babae gaya ng mga ina; at ang mga nakababata gaya ng mga babaeng-kapatid, na may buong kadalisayan.
3 Parangalan ang mga babaeng-balo na mga balo talaga.
4 Ngunit kung ang sinumang babaeng-balo ay may mga anak o mga lalaking-pamangkin, hayaan silang matuto munang magpakita ng paggalang sa tahanan, at gantihan ang mga magulang nila: pagkat iyon ay mabuti at katanggap-tanggap sa harapan ng Diyos.
5 Ngayon siya na isa talagang babaeng-balo, at napabayaan, ay nagtitiwala sa Diyos, at nagpapatuloy sa mga paghiling at mga panalangin gabi at araw.
6 Ngunit siya na nabubuhay sa kalayawan ay patay habang nabubuhay siya.
7 At ang mga bagay na ito ay ibigay sa atas, nang sila ay maging walang-kapintasan.
8 Ngunit kung ang sinuman ay hindi naglalaan ukol sa mga sariling kanya, at lalo na sa kanilang mula sa sarili niyang bahay, ay tinanggihan niya ang pananampalataya, at mas masahol pa kaysa sa isang di-mananampalataya.
9 Huwag hayaang maisama sa bilang ang isang babaeng-balo na wala pang tatlong dalawampung taong gulang, kundi ang naging asawa ng iisang lalaki,
10 Mainam na pinatotohanan tungkol sa mabubuting gawa; kung nagpalaki siya ng mga anak, kung nagpatuloy siya ng mga dayuhan, kung naghugas siya ng mga paa ng mga banal, kung tumulong siya sa mga nahihirapan, kung sumunod siya nang masikap sa bawa’t mabuting gawa.
11 Ngunit tanggihan ang mga nakababatang babaeng-balo: pagkat kapag nagsimula silang maging malayaw laban kay Kristo, sila ay mag-aasawa;
12 Na nagkakaroon ng pagkasumpa, dahil itinakuwil nila ang una nilang pananampalataya.
13 At bukod dito ay natututo silang maging mga tamad, na nagpapalipat-lipat sa bahay-bahay; at hindi lang mga tamad, kundi madadaldal rin naman at mga mapakialampampaalsa, na nagsasalita ng mga bagay na di nararapat nilang salitain.
14 Ibig ko nga kung gayon na ang mga nakababatang babaeng-balo ay mag-asawa, magkaanak, gabayan ang bahay, huwag magbigay ng kadahilanan sa katunggali na magsalita nang may pagpula.
15 Pagkat ang ilan ay bumaling na sa hulihan ng Satanas.
16 Kung ang sinumang lalaki o babae na nananalig ay may mga babaeng-balo, hayaan ang mga ito na  tumulong sa kanila, at huwag hayaang ang simbahan ang magbayad; nang matulungan naman nito ang talagang mga babaeng-balo.
17 Hayaang ang matatanda na namumunong mabuti ay maibilang na karapat-dapat sa ibayong karangalan, lalo na silang nagpapagal sa salita at turo.
18 Pagkat sinasabi ng kasulatan, Huwag mong bubusalan ang baka na gumigiik ng mais. At, Ang nagpapagal ay karapat-dapat sa gantimpala niya.
19 Laban sa isang matanda ay huwag kang tumanggap ng paratang, kundi sa harap ng dalawa o tatlong saksi.
20 Silang nagkakasala ay sawayin sa harapan ng lahat, upang ang mga iba rin naman ay matakot.
21 Inaatasan kita sa harapan ng Diyos, at ng Panginoong Jesus Kristo, at ng mga hinirang na anghel, na tuparin mo ang mga bagay na ito na walang kinikilingang sinuman nang higit sa iba, na walang ginagawang anuman sa pamamagitan ng pagpanig.
22 Huwag kaagad magpatong ng mga kamay sa sinumang tao, ni maging kabahagi ng mga kasalanan ng ibang mga tao: pakaingatang dalisay ang iyong sarili.
23 Huwag nang uminom ng tubig, kundi gumamit ng kaunting alak alang-alang sa sikmura mo at sa malimit mong mga karamdaman.
24 Ang mga kasalanan ng ilang tao ay hayag sa mula’t mula pa, na nauuna sa paghuhukom; at sinusundan ng ilang mga tao.
25 Sa katulad na paraan din naman ang mabubuting gawa ng ilan ay lantad sa mula’t mula pa; at silang hindi ganoon ay hindi maaaring maitago.

KABANATA 6
HAYAANG ang maraming lingkod na nasa ilalim ng pamatok ay ibilang ang mga amo nila na karapat-dapat sa buong karangalan, upang ang pangalan ng Diyos at ang kanyang turo ay hindi malapastangan.
2 At silang may mga among sumasampalataya, ay huwag silang hayaang hamakin ang mga ito, dahil sila ay magkakapatid; kundi bagkus gawan sila ng paglilingkod, dahil sila ay matatapat at mga minamahal, mga kabahagi ng pakinabang. Ituro at itagubilin ang mga bagay na ito.
3 Kung ang sinumang tao ay magturo ng taliwas, at hindi sumang-ayon sa mga nakabubuting salita, samakatuwid ay sa mga salita ng ating Panginoong Jesus Kristo, at sa turo na ayon sa pagkamakadiyos;
4 Siya ay mapagmalaki, walang nalalamang anuman, kundi haling na haling sa mga katanungan at mga sigalutan ng mga salita, na mula doon ay dumarating ang inggit, sigalutan, mga pag-alipusta, masasamang akala,
5 Mga tampalasang pangangatuwiranan ng mga taong may mga bulok na pag-iisip, at salat sa katotohanan, na nagpapalagay na ang kapakinabangan ay pagkamakadiyos: mula sa mga iyon ay ilayo ang sarili mo.
6 Ngunit ang pagkamakadiyos na may kasiyahan ay dakilang kapakinabangan.
7 Pagkat wala tayong dinalang anuman patungo sa sanlibutang ito, at tiyak ito na wala tayong madadalang palabas.
8 At sa pagkakaroon ng makakain at pananamit ay masiyahan na tayo sa mga ito.
9 Ngunit silang mga umiibig yumaman ay nahuhulog sa tukso at sa isang bitag, at sa maraming mga hangal at nakakapinsalang pita, na na ang mga ito ay naglulunod sa mga tao sa pagkapuksa at pagkawasak.
10 Pagkat ang pagmamahal sa salapi ang ugat ng buong kasamaan: na habang pinag-imbutan ng ilan, sila ay naligaw mula sa pananampalataya, at tinuhog ang kanilang sarili ng maraming kalumbayan.
11 Ngunit ikaw, O tao ng Diyos, takasan ang mga bagay na ito; at sundan ang katuwiran, ang pagkamakadiyos, ang pananampalataya, ang pagmamahal, ang pagtitiyaga, ang kaamuan.
12 Ipaglaban ang mabuting pakikipaglaban ng pananampalataya, manangan sa buhay na walang-hanggan, na patungo roon ay tinawag ka rin naman, at nagpahayag ng isang mabuting pahayag sa harapan ng maraming saksi.
13 Binibigyan kita ng atas sa paningin ng Diyos, na bumubuhay sa lahat ng bagay, at sa harapan ni Kristo Jesus, na sa harapan ni Ponsio Pilato ay sumaksi ng isang mabuting pagpapahayag;
14 Na ingatan mo ang kautusang ito na walang batik, na di-mapipintasan, hanggang sa pagpapakita ng ating Panginoong Jesus Kristo:
15 Na siya sa mga panahon niya ay ipapakita niya, na siyang mapalad at kaisa-isang Makapangyarihan, ang Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon;
16 Na siya lamang ang may kawalang-kamatayan, na nananahan sa liwanag na walang taong makakalapit; siyang walang taong nakakita, o maaaring makakita: na sa kanya ang karangalan at kapangyarihang panghabang-panahon. Amen.
17 Atasan silang mayayaman sa sanlibutang ito, na huwag silang magmataas sa pag-iisip, ni magtiwala sa mga kayamanang walang-katiyakan, kundi sa buhay na Diyos, na siyang nagbibigay sa atin nang mayaman ng lahat ng bagay upang tamasahin;
18 Na gumawa sila ng mabuti, na maging mayaman sila sa mabubuting gawa, na nakahandang mamigay, na maibigin sa pagbabahagi;
19 Na nag-iimpok sa imbakan patungkol sa kanilang sarili ng isang mabuting kinasasaligan ukol sa panahong darating, nang manangan sila sa buhay na walang-hanggan.
20 O Timoteo, ingatan ang ipinagkakatiwala sa pag-iingat mo, na iniiwasan ang lapastangan at walang-kabuluhang mga usapan, at mga pagsalungat ng agham na tinatawag nang huwad:
21 Na sa pagpahayag ng ilan ay naligaw tungkol sa pananampalataya. Ang biyaya nawa ay makasama mo. Amen. 
Ang unang sulat kay Timoteo ay isinulat ni Paulo mula sa Masedonya, noong A.D. 64

No comments:

Post a Comment