Hebreo Kabanata 10, 11 at 12

KABANATANG 10
PAGKAT ang batas na nagtataglay ng  isang anino ng mabubuting bagay na darating, at hindi ng pinaka-larawan ng mga bagay, sa pamamagitan ng mga haing iyon na inihahandog nila taun-taon ay hindi maaaring makapagpasakdal sa mga pumaparoon doon.
2 Pagkat kung magkagayon ay hindi ba sila matitigil na ihandog? dahil sa ang mga mananamba na minsan ay nalinis ay hindi na magkakaroon pa ng budhi ng mga kasalanan.
3 Ngunit sa mga haing iyon ay may isang pag-alaalang muli na ginagawa sa mga kasalanan bawa’t taon.
4 Pagkat hindi ito maaari na ang dugo ng mga lalaking-baka at ng mga kambing ay makapag-alis ng mga kasalanan.
5 Kaya nga nang dumarating siya sa sanlibutan, ay sinasabi niya, Hain at paghahandog ay hindi mo nais, ngunit isang katawan ang inihanda mo na sa akin:
6 Sa mga sinusunog na handog at mga hain patungkol sa kasalanan ay wala kang naging kaluguran.
7 Sa gayon ay sinabi ko, Narito, dumarating ako (sa balumbon ng aklat ay nasusulat ito tungkol sa akin,) upang gawin ang kalooban mo, O Diyos.
8 Sa itaas nang sinabi niya, Hain  at handog at mga sinusunog na handog at handog patungkol sa kasalanan ay hindi mo nais, ni may kaluguran doon, na ihinahahandog sa pamamagitan ng batas;
9 Sa gayon ay sinabi niya, Narito, dumarating ako upang gawin ang kalooban mo, O Diyos. Inaalis niya ang una, upang maitatag niya ang ikalawa.
10 Sa pamamagitan ng kaloobang ito ay pinababanal tayo sa pamamagitan ng paghahandog ng katawan ni Jesus Kristo minsan magpakailanman.
11 At ang bawa’t pari ay tumatayo araw-araw na nagmiministeryo at naghahandog nang kalimitan ng gayon ring mga hain, na hindi maaaring makapag-alis ng mga kasalanan:
12 Ngunit ang taong ito, pagkatapos na  makapaghandog siya ng iisang hain patungkol sa mga kasalanan magpakailan man, ay naupo sa kanang kamay ng Diyos;
13 Mula ngayon ay umaasam hanggang ang kanyang mga kaaway ay magawang tuntungan niya.
14 Pagkat sa pamamagitan ng iisang paghahandog ay pinasakdal na niya magpakailan man silang mga pinapabanal.
15 Kaya nga ang Banal na Diwa rin naman ay isang saksi sa atin: pagkat pagkatapos niyon ay sinabi niya noong una,
16 Ito ang kasunduang gagawin ko kasama nila pagkatapos ng mga araw na iyon, sabi ng Panginoon, ilalagay ko ang mga batas ko patungo sa mga puso nila, at sa mga pag-iisip nila ay isusulat ko ang mga ito;
17 At ang mga kasalanan at mga kawalang-katarungan nila ay hindi ko na aalalahanin pa.
18 Ngayon kung nasaan ang pagkakalag mula sa mga ito, ay wala nang paghahandog pa patungkol sa kasalanan.
19 Taglay kung gayon, mga kapatid, ang katapangan upang makapasok sa pinakabanal sa pamamagitan ng dugo ni Jesus,
20 Sa pamamagitan ng isang bago at buhay na daan, na itinalagang-ganap na niya dahil sa atin, sa pamamagitan ng tabing, iyon ay kung sasabihin ay, ang kanyang laman;
21 At mayroong isang mataas na pari sa itaas ng bahay ng Diyos;
22 Lumapit tayong may isang totoong puso sa lubos na katiyakan ng pananampalataya, na ang mga puso natin ay nawisikan mula sa isang masamang budhi, at ang mga katawan natin na nahugasan ng dalisay na tubig.
23 Panghawakan nating mahigpit ang pahayag ng pananampalataya natin nang walang pag-aalinlangan; (pagkat matapat siyang nangako;)
24 At isaalang-alang natin ang isa’t isa upang udyukan sa pagmamahal at sa mabubuting gawa:
25 Na hindi pinapabayaan ang sama-sama nating pagtitipon, gaya ng ugali ng ilan; kundi nagtatagubilinan sa isa’t isa: at lalong lalo na, gaya ng nakikita ninyong papalapit na ang araw. 
26 Pagkat kung magkasala tayo nang sinasadya pagkatapos na matanggap natin ang kaalaman ng katotohanan, ay wala nang natitira pang hain patungkol sa mga kasalanan,
27 Kundi isang tiyak na nakakatakot na paghihintay sa paghuhukom at nagliliyab na pagkagalit, na lalamon sa mga katunggali.
28 Siya na humamak sa batas ni Moses ay namatay na walang awa sa ilalim ng dalawa o tatlong saksi:
29 Gaano pa kayang kalubhang parusa, sa palagay ninyo, ang iisiping karapat-dapat, sa kanyang yumurak sa ilalim ng paa sa Anak ng Diyos, at bumilang sa dugo ng kasunduan, na kung saan siya ay pinabanal, na isang di-banal na bagay, at gumawa ng paghamak sa Espiritu ng biyaya?
30 Pagkat kilala natin siyang nagsabi, Ang paghihiganti ay nabibilang sa akin, ako ang magbabayad, sabi ng Panginoon. At muli, Ang Panginoon ang huhukom sa kanyang bayan.
31 Ito ay isang nakakatakot na bagay na mahulog sa mga kamay ng buhay na Diyos.
32 Ngunit gunitain sa pag-alala ang mga nakaraang araw, na doon, pagkatapos ninyong maliwanagan, ay nagtiis kayo ng isang malaking pakikipaglaban ng mga kahirapan;
33 Sa isang bahagi, habang ginagawa kayong isang panoorin kapuwa sa pamamagitan ng pagpula at mga kahirapan; at sa isang bahagi, habang kayo ay naging mga kasama nilang nasanay sa gayon.
34 Pagkat nagkahabag kayo sa akin sa mga tanikala ko, at tinanggap na may galak ang pagsamsam sa mga ari-arian ninyo, na nalalaman sa inyong sarili na mayroon kayo sa langit ng isang mas mabuti at isang nananatiling kayamanan.
35 Huwag itakuwil kung gayon ang pagkakatiwala ninyo, na ito ay may dakilang kabayaran ng gantimpala.
36 Pagkat kailangan ninyo ng pagtitiyaga, upang, pagkatapos na magawa na ninyo ang kalooban ng Diyos, ay matanggap ninyo ang pangako.
37 Pagkat kaunting panahon pa, at siyang darating ay darating, at hindi magtatagal.
38 Ngayon ang ganap ay mabubuhay sa pananampalataya: ngunit kung umurong ang sinumang tao, ang kaluluwa ko ay hindi malulugod sa kanya.
39 Ngunit tayo ay hindi sa kanilang umuurong patungo sa pagkawasak; kundi sa kanilang nananalig sa ikaliligtas ng kaluluwa.

KABANATA 11
NGAYON ang pananampalataya ay ang kapanatagan ng mga bagay na inaasahan, ang katibayan ng mga bagay na hindi nakikita.
2 Pagkat sa pamamagitan nito ang matatanda ay nagkamit ng isang mabuting ulat.
3 Sa pamamagitan ng pananampalataya ay nauunawaan natin na ang mga sanlibutan ay binalangkas sa pamamagitan ng salita ng Diyos, anupa’t ang mga bagay na nakikita ay hindi ginawa sa mga bagay na nagpapakita.
4 Sa pananampalataya si Abel ay naghandog sa Diyos ng isang mas magaling na hain kaysa kay Kain, na sa pamamagitan niyon ay nagkamit siya ng pagsaksi na siya ay matuwid, ang Diyos ay nagpapatotoo tungkol sa mga kaloob niya: at sa pamamagitan nito siya na patay na gayunman ay nagsasalita pa.
5 Sa pananampalataya si Enok ay isinalin upang hindi niya makita ang kamatayan; at hindi siya natagpuan, dahil isinalin na siya ng Diyos: pagkat bago pa man ang kanyang pagkakasalin ay nagkaroon siya ng ganitong patotoo, na siya ay nakapagbigay-lugod sa Diyos.
6 Ngunit kung walang pananampalataya ay di-maaari ito na makapagbigay-lugod sa kanya: pagkat siyang pumaparoon sa Diyos ay dapat manalig na siya ay umiiral,  at siya ay isang tagapagbigay-gantimpala sa kanilang naghahanap sa kanya nang masikap.
7 Sa pananampalataya si Noah, na binabalaan ng Diyos tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, ay kumilos nang may pagkatakot, naghanda ng isang daong patungo sa pagliligtas sa bahay niya; na sa pamamagitan niyon ay hinatulan niya ang sanlibutan, at naging tagapagmana ng katuwiran na ito ay sa pananampalataya.
8 Sa pananampalataya si Abraham, nang tinawag siyang lumabas patungo sa isang dakong tatanggapin niya pagkatapos bilang isang pamana, ay tumalima; at lumabas siya, na hindi nalalaman kung saan siya paroroon.
9 Sa pananampalataya ay nangibang-bayan siya sa lupa ng pangako, gaya ng sa isang kakaibang lupain, na nananahan sa mga tabernakulo kasama nina Isaak at Jakob, ang mga tagapagmanang kasama niya tungkol sa gayon ring pangako:
10 Pagkat umasam siya sa isang lunsod na may mga kinasasaligan, na ang tagapagtayo at tagagawa ay ang Diyos.
11 Sa pamamagitan ng pananampalataya rin naman si Sara mismo ay tumanggap ng lakas upang maglihi ng binhi, at nanganak ng isang bata nang lipas na ang gulang niya, dahil hunukuman niyang matapat siyang nangako.
12 Kung gayon ay lumitaw doon maging mula sa isa, at sa kanya na tila patay na, ang napakaraming gaya ng mga bituin sa langit sa karamihan, at gaya ng buhangin na nasa tabi ng dagat na di-mabilang.
13 Ang lahat ng ito ay namatay na sa pananampalataya, na hindi natanggap ang mga pangako, kundi nakita ang mga ito sa malayo, at naniwala tungkol sa mga ito, at niyakap ang mga ito, at nagpahayag na sila ay mga dayuhan at mga manlalakbay sa ibabaw ng lupa.
14 Pagkat silang nagsasabi ng ganoong mga bagay ay nagsasaysay nang maliwanag na naghahanap sila ng isang lupain.
15 At tunay, kung sila ay naging maalalahanin sa lupaing iyon na kung saan sila lumabas, ay nagkaroon na sana sila ng pagkakataong makabalik.
16 Ngunit ngayon ay naghahangad sila ng isang mas mabuting lupain, iyon ay, isang makalangit: kaya nga ang Diyos ay hindi nahiyang tawaging Diyos nila: pagkat naghanda na siya patungkol sa kanila ng isang lunsod.
17 Sa pananampalataya si Abraham, nang sinubok siya, ay inihandog si Isaak: at siyang tumanggap sa mga pangako ay naghandog ng kanyang kaisa-isang isinilang na anak,
18 Na tungkol sa kanya ay sinabi ito, Na kay Isaak ang binhi mo ay tatawagin:
19 Na ibinibilang na kaya ng Diyos na buhayin siya, maging mula sa mga patay; mula kung saan din ay tinanggap niya siya sa isang kahawig.
20 Sa pananampalataya ay pinagpala ni Isaak sina Jakob at Esau tungkol sa mga bagay na darating.
21 Sa pananampalataya si Jakob, nang mamamatay na siya, ay pinagpala kapuwa ang mga lalaking-anak ni Josef; at sumamba, na nakahilig sa ibabaw ng tungkod niya.
22 Sa pananampalataya, si Josef, nang namatay siya, ay gumawa ng pagbanggit tungkol sa pag-alis ng mga anak ni Israel; at nagbigay ng kautusan tungkol sa mga buto niya.
23 Sa pananampalataya si Moses, nang ipinanganak siya, ay itinago nang tatlong buwan ng kanyang mga magulang, dahil nakita nila na siya ay isang makisig na bata; at hindi sila natakot sa kautusan ng hari.
24 Sa pananampalataya si Moses, nang dumating na siya sa mga taon, ay tumangging tawaging lalaking-anak ng babaeng-anak ni Paraon;
25 Na pinipili bagkus na magtiis ng paghihirap kasama ng bayan ng Diyos, kaysa magtamasa sa mga kalayawan ng kasalanan sa isang kapanahunan;
26 Na pinapahalagahan ang kapulaan ni Kristo na mas dakilang mga kayamanan kaysa sa mga gambang ng Ehipto: pagkat siya ay may pagtatangi sa kabayaran ng gantimpala.
27 Sa pananampalataya ay pinabayaan niya ang Ehipto, na hindi natatakot sa pagkapoot ng hari: pagkat siya ay nagtiis, gaya ng pagkakakita sa kanyang di-nakikita.
28 Sa pamamagitan ng pananampalataya ay iningatan niya ang pasko, at ang pagwiwisik ng dugo, baka galawin sila niyang pumuksa sa mga panganay.
29 Sa pananampalataya ay nakatawid sila sa Pulang dagat na gaya ng sa tuyong lupa: na nang tinangkang gawin ng mga taga-Ehipto ay nalunod.
30 Sa pananampalataya ang mga pader ng Jeriko ay bumagsak, pagkatapos na mapalibutan ang mga ito nang pitong araw.
31 Sa pananampalataya ang patutot na si Rahab ay hindi nawasak na kasama nilang hindi nanalig, nang tinanggap niya ang mga tiktik na may kapayapaan.
32 At ano pa ba ang masasabi ko? pagkat kukulangin ako ng panahong magsaysay tungkol kay Gedeon, at tungkol kay Barak, at tungkol kay Samson, at tungkol kay Jefte; tungkol din naman kay David, at Samuel, at tungkol sa mga propeta:
33 Na sa pamamagitan ng pananampalataya ay lumupig ng mga kaharian, nagsagawa ng katuwiran, kinamtan ang mga pangako, pinatikom ang mga bibig ng mga leon,
34 Inapula ang karahasan ng apoy, nakawala sa talim ng tabak, buhat sa kahinaan ay ginawang malalakas, naging matatapang sa labanan, nagpaurong ng mga hukbo ng mga banyaga.
35 Ang mga babae ay tumanggap ng kanilang mga patay na ibinangong muli sa buhay: at ang iba ay pinahirapang-labis, na hindi tumanggap ng pagkasagip; upang makamtan nila ang isang mas mabuting pagkabuhay na muli:
36 At ang mga iba ay nagkaroon ng pagsubok ng malulupit na paglibak at pagkahampas, oo, bukod dito ay ng mga tanikala at pagkabilanggo:
37 Sila ay binato, sila ay nilagare sa gitna, tinukso, pinatay sa pamamagitan ng tabak: nagpagala-gala sila nang palibot na may mga balat ng tupa at mga balat ng kambing; na nasasalat, pinipighati, pinahihirapan;
38 (Na sa kanila ang sanlibutan ay hindi karapatdapat:) nagpagala-gala sila sa mga disyerto, at sa mga bundok, at sa mga lungga at mga yungib ng lupa.
39 At ang lahat ng ito, sa pagkakamit ng isang mabuting ulat sa pamamagitan ng pananampalataya, at hindi natanggap ang pangako:
40 Ang Diyos ang naglaan ng ilang mas mabuting bagay ukol sa atin, upang sila kung wala tayo ay hindi magawang sakdal.

KABANATA 12
KAYA NGA yamang nakikita nating tayo ay napapalibutan ng isang napakakapal na ulap ng mga saksi, ay itabi natin ang bawa’t bigat, at ang kasalanan na napakadaling kumukubkob sa atin, at takbuhin nating may pagtitiyaga ang takbuhang nasa harapan natin,
2 Na tumitingin kay Jesus na maygawa at tagatapos ng ating pananampalataya; na dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng kurus, na hinahamak ang kahihiyan, at umupo sa kanang kamay ng luklukan ng Diyos.
3 Pagkat isaalang-alang siyang nagtiis ng ganoong pagsalungat ng mga makasalanan laban sa kanyang sarili, baka kayo ay mapagod at manghina sa mga pag-iisip ninyo.
4 Hindi pa kayo lumaban hanggang sa dugo, na nagpupunyagi laban sa kasalanan.
5 At nakalimutan na ninyo ang pagtatagubilin na nagsasalita sa inyo gaya ng sa mga anak, Anak ko, huwag mong hamakin ang pagpapalo ng Panginoon, ni manghina kapag sinasaway ka niya:
6 Pagkat siyang minamahal ng Panginoon ay pinapalo niya, at hinahampas ang bawa’t lalaking-anak na tinatanggap niya.
7 Kung tinitiis ninyo ang pagpapalo, ang Diyos ay nakikitungo sa inyo gaya ng sa mga lalaking-anak; pagkat anong lalaking-anak siya na hindi pinapalo ng ama?
8 Ngunit kung kayo ay walang pagpapalo, na kung saan ang lahat ay mga kabahagi, ay mga anak-sa-labas nga kayo, at hindi mga lalaking-anak.
9 Bukod pa rito ay nagkaroon tayo ng mga ama ng ating laman na nagtuwid sa atin, at binigyan natin sila ng pitagan: hindi ba tayo higit na magpapailalim sa Ama ng mga espiritu, at mabubuhay?
10 Pagkat sila sa katotohanan sa ilang mga araw ay pinalo tayo alinsunod sa kanilang sariling kaluguran; ngunit siya ay dahil sa pakinabang natin, upang tayo ay maging mga kabahagi ng kabanalan niya.
11 Ngayon ay walang pagpapalo sa kasalukuyan ang tila may galak, kundi nakakapighati: gayon pa man pagkatapos nito ay namumunga ito ng mapayapang bunga ng katuwiran patungo sa kanilang mga sinasanay sa pamamagitan nito.
12 Kaya nga itaas ang mga kamay na nakalupaypay, at ang mahihinang tuhod;
13 At gumawa ng tuwid na mga landas ukol sa mga paa ninyo, baka ang pilay ay mailihis mula sa daan; kundi bagkus ay hayaan itong gumaling.
14 Sundan ang kapayapaan sa lahat ng tao, at ang kabanalan, na kung wala nito ay walang taong makakakita sa Panginoon:
15 Tumitinging masikap baka mabigo ang sinuman sa biyaya ng Diyos; baka ang anumang ugat ng kapaitan na lumilitaw ay gumambala sa inyo, at sa pamamagitan nito ay marami ang madungisan;
16 Baka mayroong sinumang mapakiapid, o lapastangang tao, gaya ni Esau, na siya dahil sa isang subo ng pagkain ay ipinagbili ang pagkapanganay niya.
17 Pagkat nalalaman ninyo kung paanong pagkatapos, nang mamanahin na sana niya ang pagpapala, ay tinanggihan siya: pagkat wala siyang natagpuang dako ng pagsisisi, kahit  hinanap niya ito nang maingat na may mga luha.
18 Pagkat hindi kayo pumaparoong patungo sa bundok na maaaring mahipo, at nasusunog ng apoy, ni sa kaitiman, at dilim, at unos,
19 At ang tunog ng isang trumpeta, at ang tinig ng mga salita; na ang mga nakarinig ng tinig na ito ay nakiusap na ang salita ay hindi na sasalitain pa sa kanila:
20 (Pagkat hindi nila kayang tiisin ang iniutos, At kung kahit na isang hayop man ang gumalaw sa bundok, ito ay babatuhin, o tutuhugin ng isang panudla:
21 At napakakila-kilabot ang tanawin, na nasabi ni Moses, Lubha akong natatakot at nanginginig:)
22 Ngunit kayo ay pumaparoong patungo sa bundok Siyon, at patungo sa lunsod ng buhay na Diyos, ang makalangit na Jerusalem, at patungo sa di-mabilang na hukbo ng mga anghel,
23 Patungo sa pangkalahatang pulong at simbahan ng mga panganay, na mga nakasulat sa langit, at patungo sa Diyos na Hukom ng lahat, at patungo sa mga espiritu ng mga ganap na taong ginawang sakdal,
24 At patungo kay Jesus na tagapamagitan ng bagong kasunduan, at patungo sa dugo ng pagwiwisik, na nagsasalita ng mas mabubuting bagay kaysa ng kay Abel.
25 Tiyaking huwag ninyong tanggihan siyang nagsasalita. Pagkat kung hindi nakawala silang tumanggi sa kanya na nagsasalita sa lupa, lalong higit na hindi tayo makakawala, kung lalayo tayo mula sa kanyang nagsasalita mula sa langit:
26 Na ang tinig niya ay nagpayanig noon sa lupa: ngunit ngayon ay nangako siya, na nagsasabing, Minsan pang yayanigin ko hindi lang ang lupa, kundi pati na rin ang langit.
27 At ang salitang ito, Minsan pa, ay nagpapahiwatig ng pag-aalis ng mga bagay na iyon na nayayanig, gaya ng mga bagay na ginawa, upang ang mga bagay na iyon na hindi maaaring mayanig ay matira.
28 Kaya nga tayong tumatanggap ng isang kahariang hindi maaaring makilos, ay magkaroon tayo ng biyaya, na sa pamamagitan nito ay makapaglingkod tayo sa Diyos nang katanggap-tanggap na may paggalang at makadiyos na pagkatakot:

29 Pagkat ang ating Diyos ay isang tumutupok na apoy.KABANATANG 10

29 Pagkat ang ating Diyos ay isang tumutupok na apoy. 

No comments:

Post a Comment