NGAYON ay
sinasabi ko, Na ang tagapagmana, hangga’t isang bata pa siya, ay hindi naiiba
sa isang lingkod, kahit na siya pa ay
panginoon ng lahat;
2 Kundi nasa
ilalim ng mga tagapangalaga at mga tagapamahala hanggang sa panahong itinakda
ng ama.
3 Maging gayon
din naman tayo, noong mga bata pa tayo, ay nasa pagkaalipin sa ilalim ng mga
panimulang-aral ng sanlibutan:
4 Ngunit nang
dumating na ang kalubusan ng panahon, ay isinugo ng Diyos ang Anak niya, na
ginawa mula sa isang babae, na ginawa sa ilalim ng batas,
5 Upang tubusin silang nasa ilalim
ng batas, upang matanggap natin ang pagkukupkop ng mga lalaking-anak.
6 At dahil kayo ay mga
lalaking-anak, isinugo na ng Diyos ang Espiritu ng Anak niya patungo sa mga
puso ninyo, na humihiyaw, Abba, Ama.
7 Kaya nga hindi ka na isang lingkod,
kundi isa nang lalaking-anak; at kung isang lalaking-anak, ay isa ngang
tagapagmana ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo.
8 Subali’t noon, nang hindi pa ninyo
kilala ang Diyos, ay gumawa kayo ng paglilingkod patungo sa kanilang sa
kalikasan ay hindi mga diyos.
9 Ngunit ngayon, pagkatapos na
makilala na ninyo ang Diyos, o bagkus ay nakilala ng Diyos, paanong kayo ay
bumabaling muli sa mahihina at pulubing mga panimulang-aral, na kung saan ay
hinahangad ninyong muli na mapasa pagkaalipin?
10 Ipinangingilin ninyo ang mga
araw, at mga buwan, at mga panahon, at mga taon.
11 Natatakot ako tungkol sa inyo,
baka nagkaloob ako patungkol sa inyo ng pagpapagal sa walang-kabuluhan.
12 Mga kapatid, namamanhik ako sa
inyo, na maging gaya ko kayo; pagkat ako ay gaya ninyo: hindi ninyo ako
nasaktan sa anumang paraan.
13 Nalalaman ninyo kung paanong sa
pamamagitan ng karamdaman ng laman ay ipinangaral ko ang mabuting-balita sa
inyo noong una.
14 At hindi ninyo hinamak ang aking tukso
na nasa laman ko, ni tinanggihan; kundi tinanggap ninyo akong gaya ng isang
anghel ng Diyos, maging gaya ni Kristo Jesus.
15 Nasaan na nga ba ang pagkamapalad
na sinalita ninyo tungkol doon? pagkat sinasaksihan ko, na kung maaari lamang
ito, ay dinukot na ninyo ang sarili ninyong mga mata, at ibinigay na sa akin.
16 Kung gayon ba ay nagiging kaaway
ninyo ako, dahil sinasabi ko sa inyo ang katotohanan?
17 Sila ay masigasig na umiibig sa
inyo, ngunit hindi nang mabuti; oo, nais nilang ihiwalay kayo, upang ibigin
ninyo sila.
18 Ngunit mabuti ito na masigasig na
ibiging palagi sa isang mabuting bagay, at hindi lamang kapag ako ay nasa
harapang kasama ninyo.
19 Maliliit kong mga anak, na
ipinagdaramdam kong muli sa panganganak hanggang si Kristo ay maianyo sa inyo,
20 Hinahangad kong mapasa harapang
kasama ninyo ngayon, at magbago ng tinig ko; pagkat tumatayo ako sa pag-aalinlangan
sa inyo.
21 Sabihin ninyo sa akin, kayong
naghahangad na mapasa ilalim ng batas, hindi ba ninyo naririnig ang batas?
22 Pagkat nasusulat ito, na si
Abraham ay may dalawang lalaking-anak, ang isa ay sa pamamagitan ng isang
aliping-babae, ang isa ay sa pamamagitan ng isang malayang-babae.
23 Ngunit siya na mula sa
aliping-babae ay ipinanganak alinsunod sa laman; ngunit siya na mula sa malayang-babae
ay sa pamamagitan ng pangako.
24 Na ang mga bagay na ito ay isang talinghaga:
pagkat ang mga ito ang dalawang kasunduan; ang isa ay mula sa bundok Sinay, na
nagbubunga patungo sa pagkaalipin, na ito ay si Agar.
25 Pagkat ang Agar na ito ay ang
bundok Sinay sa Arabya, at tumutugon sa Jerusalem na ito ngayon ay umiiral, at
nasa pagkaaliping kasama ng mga anak niya.
26 Ngunit ang Jerusalem
na nasa itaas ay malaya, na ito ay ang ina nating lahat.
27 Pagkat
nasusulat ito, Magalak, ikaw na baog na hindi nanganganak; magsayang bigla at
humiyaw, ikaw na hindi nagdaramdam: pagkat ang pinabayaan ay mas marami pang
anak kaysa sa kanyang may isang bana.
28 Ngayon tayo,
mga kapatid, gaya ni Isaak, ay mga anak ng pangako.
29 Ngunit gaya
noon na inusig niyang ipinanganak alinsunod sa laman siyang ipinanganak
alinsunod sa Espiritu, ay maging gayon din naman ngayon.
30 Gayon pa man
ano ba ang sinasabi ng kasulatan? Palayasin ang aliping-babae at ang lalaking-anak niya: pagkat
ang lalaking-anak ng aliping-babae ay hindi magiging tagapagmanang kasama ng
lalaking-anak ng malayang-babae.
31 Sa gayon nga, mga kapatid, hindi tayo
mga anak ng aliping-babae, kundi ng malaya.
TUMAYONG matatag kung gayon sa
kamaharlikaan na kasama niyon ay pinalaya tayo ni Kristo, at huwag nang
masangkot muli sa pamatok ng pagkaalipin.
2 Masdan, akong si Paulo ang
nagsasabi sa inyo, na kung magpatuli kayo, ay wala kayong mapapakinabang kay
Kristo.
3 Pagkat pinatototohanan kong muli
sa bawa’t taong tuli, na isa siyang may-utang para gawin ang buong batas.
4 Si Kristo ay nagiging walang bisa
sa inyo, sinuman kayong inaaring-ganap sa pamamagitan ng batas; nahuhulog kayo mula
sa biyaya.
5 Pagkat tayo sa pamamagitan ng
Espiritu ay naghihintay sa pag-asa ng katuwiran sa pamamagitan ng
pananampalataya.
6 Pagkat kay Jesus Kristo ang
pagtutuli ay walang anumang pakinabang, o maging ang di-pagtutuli; kundi ang
pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pagmamahal.
7 Kayo ay tumakbong mabuti; sino ba
ang humadlang sa inyo upang hindi ninyo talimahin ang katotohanan?
8 Ang panghihikayat na ito ay hindi
nanggagaling sa kanyang tumatawag sa inyo.
9 Ang kaunting pampaalsa ay
nagpapa-alsa sa buong limpak.
10 May pagkakatiwala ako sa inyo sa
pamamagitan ng Panginoon, na hindi kayo mag-iiba pa ng pag-iisip: ngunit siya
na nanliligalig sa inyo ay magdadala ng pagkahukom niya, sinuman siya.
11 At ako, mga kapatid, kung nangangaral pa ako ng pagtutuli, bakit pa ba
ako nagtitiis ng pag-uusig? tumigil na nga ang katitisuran ng kurus.
12 Nais ko na silang nanliligalig sa
inyo ay maputulan.
13 Pagkat, mga kapatid, tinawag na kayo
patungo sa kamaharlikaan; lamang ay huwag gamitin ang kamaharlikaan bilang
isang kadahilanan patungo sa laman, kundi sa pamamagitan ng pagmamahal ay paglingkuran
ang isa’t isa.
14 Pagkat ang buong batas ay
nagaganap sa isang salita, samakatuwid ay dito; Mamahalin mo ang kapuwa mo gaya
ng sarili mo.
15 Ngunit kung nagkakagatan kayo at
naglalamunan sa isa’t isa, mag-ingat nang hindi ninyo maubos ang isa’t isa.
16 Ito ay sinasabi ko nga, Lumakad
sa Espiritu, at hindi ninyo gaganapin ang pita ng laman.
17 Pagkat ang laman ay nagnanasa
laban sa Espiritu, at ang Espiritu laban sa laman: at ang mga ito ay salungat
sa isa’t isa: anupa’t hindi ninyo magawa ang mga bagay na nais ninyo.
18 Ngunit kung
pinangungunahan kayo ng Espiritu, ay wala kayo sa ilalim ng batas.
19 Ngayon ang
mga gawa ng laman ay lantad, ang mga ito; Pangangalunya, pakikiapid, karumihan,
kalibugan,
20 Pagsamba sa
diyusdiyosan, pangkukulam, pagkamuhi, hidwaan, mga paligsahan, pagkapoot,
sigalutan, mga paghihimagsik, mga hidwang-paniniwala,
21 Mga
pagkainggit, mga pagpaslang, paglalasing, mga magulong pagsasaya, at ang mga
katulad ng ganoon: tungkol sa mga iyon ay sinasabi ko sa inyo noong una, gaya
ng sinabi ko na rin naman sa inyo sa panahong nakalipas, na silang gumagawa ng mga
ganoong bagay ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos.
22 Ngunit ang
bunga ng Espiritu ay pagmamahal, kagalakan, kapayapaan, pagbabata, kalumanayan,
kabutihan, pananampalataya,
23 Kaamuan,
pagtitimpi: laban sa ganoon ay walang batas.
24 At silang na kay Kristo ay
ipinako na ang lamang kasama ng mga pag-ibig at mga pita.
25 Kung
nabubuhay tayo sa Espiritu, ay lumakad rin naman tayo sa Espiritu.
26 Huwag tayong
maging mapagnasa ng kaluwalhatiang walang-kabuluhan, na nag-uudyukan sa isa’t
isa, na nag-iinggitan sa isa’t isa.
MGA KAPATID,
kung ang isang tao ay maabutan sa isang pagkukulang, kayong mga espirituwal, ay
magpanumbalik sa isang ganoon sa espiritu ng kaamuan; na isinasaalang-alang ang
iyong sarili, baka matukso ka rin.
2 Magdalahan
kayo ng mga pasanin ng isa’t isa, at ganaping gayon ang batas ni Kristo.
3 Pagkat kung
mag-isip ang isang tao sa kanyang sarili na siya ay isang bagay, samantalang
siya ay walang-anuman, ay nililinlang niya ang kanyang sarili.
4 Ngunit hayaan
ang bawa’t tao na mapatunayan ang sarili niyang gawa, at saka siya magkakaroon
ng pagkagalak sa sarili lamang niya, at hindi sa iba.
5 Pagkat ang
bawa’t tao ay magdadala ng sarili niyang pasanin.
6 Hayaan siyang
tinuturuan sa salita ay magbahagi sa kanya na nagtuturo sa lahat ng mabubuting
bagay.
7 Huwag
magpalinlang; ang Diyos ay hindi nalilibak: pagkat ang anumang inihahasik ng
isang tao, ay iyon din naman ang aanihin niya.
8 Pagkat siyang
naghahasik patungo sa laman niya ay mag-aani ng pagkasira mula sa laman; ngunit
siyang naghahasik patungo sa Espiritu ay mag-aani ng buhay na
panghabang-panahon mula sa Espiritu.
9 At huwag
tayong mapagod sa paggawa nang mabuti: pagkat sa takdang kapanahunan ay
mag-aani tayo, kung hindi tayo manghihina.
10 Kung gayon
habang may pagkakataon tayo, gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng tao, lalo na sa
kanilang mula sa sambahayan ng pananampalataya.
11 Nakikita
ninyo kung gaano kalaking titik ang isinusulat ko sa inyo sa sarili kong kamay.
12 Ang maraming
naghahangad na makagawa ng isang magandang palabas sa laman, sila ay pumipilit
sa inyo na magpatuli; dahil baka magtiis lamang sila ng pag-uusig dahil sa kurus
ni Kristo.
13 Pagkat hindi
sila mismong mga tuli ang nag-iingat ng batas; kundi naghahangad na maipatuli kayo,
upang magmapuri sila sa laman ninyo.
14 Ngunit
ipagbawal nawa ng Diyos na magmapuri ako, maliban sa kurus ng ating Panginoong Jesus
Kristo, na sa pamamagitan niya ang sanlibutan ay ipinapako patungo sa akin, at
ako ay patungo sa sanlibutan.
15 Pagkat kay
Kristo Jesus ang pagtutuli ay walang anumang pakinabang, o maging ang
di-pagtutuli; kundi ang isang bagong nilalang.
16 At ang
maraming lumalakad ayon sa patakarang ito, ang kapayapaan nawa ay sumakanila,
at ang awa, at sa ibabaw ng Israel ng Diyos.
17 Magmula
ngayon ay huwag hayaan ang sinumang taong manligalig sa akin: pagkat dinadala ko
sa katawan ko ang mga tatak ng Panginoong Jesus.
18 Mga kapatid,
ang biyaya ng ating Panginoong Jesus Kristo nawa ay makasama ng espiritu ninyo.
Amen.
No comments:
Post a Comment